CHAPTER 2

3 0 0
                                    


HATE AT FIRST SIGHT

Nakarating na kami ni Craze sa room namin, magkatabi kami ng upuan kaya tuloy-tuloy lang ang pagku-kwento niya. Hindi ko siya pinapatigil o sinasaway, kung dati ay inis na inis ako sa tuwing bubuka ang bibig niya pero ngayon ay nakangiti pa akong nakikinig sakanya.

"Kaya ayon, binalibag siya." Kwento pa nito. Tumango-tango lang ako sakanya kahit medyo hindi ko naintindihan 'yung kinukwento niya. Dumaldal pa siya ng dumaldal, tumigil lang siya nung pumasok 'yong prof namin kasama ang lalake na dating nagpapatibok ng puso ko. Kung dati ay na love at first sight ako sakanya, ngayon, hate at first sight na. Sakit at galit nalang ang nararamdaman ko sakanya, dahil sa ginawa niya sa'kin at sa anak namin. Kuhang-kuha ni Rinrin ang mata at ilong niya, pati na rin ang labi nito. Tanging kilay lang ang nakuha nito sa'kin, buraot!

Pinakilala siya ng Prof namin, nakita ko naman ang mga babae kong kaklase na kaunti nalang ay tutulo na ang laway, kung dati ay gan'yan rin siguro ako, pero hindi, hindi na ako 'yong tulad ng dati. Aaminin kong mayroon pa rin siyang puwang sa puso ko, pero hanggang doon nalang 'yon. Mananatili na lang siyang may maliit na puwang sa puso ko dahil kahit gaano kasakit ang ginawa niya, nagpapasalamat pa rin ako dahil siya ang dahilan kung bakit mayroon akong Rinrin sa buhay ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita itong diretsong nakatingin saakin, para siyang may ipinapahiwatig pero pinipilit kong 'wag intindihin. Ililigtas ko ang buhay ko para kay Rinrin, aalisin ko na siya sa sistema at ala-ala ko at si Rinrin nalang ang tanging matitirang ala-ala niya saakin.

Ibinaba ko ang tingin ko dahil ang awkward dahil wala siyang emosyon at diretso lang na nakatingin saakin. Alam kong napansin 'yon ni Craze, humigpit ang hawak nito sakanyang ballpen, hinawakan ko ang kamay nito at gumaan naman ang pakiramdam ko nang makitang lumuwag ang hawak nito sa ballpen niya. I know that Craze has a secret feelings for me, inamin niya 'yon sa araw ng kasal namin ni Shineo. Siya nalang ang tanging pag-asa ko, hindi pwedeng maging kami ni Shineo dahil alam kong may mahal na rin siyang iba noon pa. Nangako ako sa sarili kong hindi ko na siya pahihirapan pa. Ayoko nang magkamali, gusto ko nang ituwid ang pagkakamali kong agawin siya sa taong totoong nagmamay ari sakanya. Dahil simula't sapul, hindi ko siya kailanman naging pagmamay ari.

"Okay. Doon ka nalang sa likod ni Ms. Fernandez umupo Mr. Rodriguez." Sabi nito. Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko iyon pinahalata, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.

Inilapit lalo ni Craze ang upuan naming dalawa, inakbayan akong muli nito. Noon pa ma'y napagkakamalan na kaming mag on ni Craze dahil sa mga galawan niya, kung dati ay walang malisya ito saakin dahil nga bestfriend ko siya, pero nang malaman kong may gusto siya sa'kin ay may kaunting ilang akong nararamdaman at isa pa, nasa likod namin si Shineo. Pero ano bang pake ko? Nginitian ko lang si Craze at sumandal pa 'ko sa braso nito. Wala namang pake 'yong prof dahil nga nasa dulo kami at busy siya sa kakaturo. Nakikinig pa rin naman ako kahit papaano.

Mabilis lang natapos ang klase namin, sabay kaming lumabas ni Craze, hindi na ako naiilang sa hawak nito pero naiilang naman ako sa tingin ni Shineo saamin. Nagtungo nalang kami sa cafeteria, nagpumilit pa ako kay Craze na ako na ang oorder at treat ko na pero hindi siya pumayag, pinahanap niya nalang ako ng upuan namin. Bakit noon ay hindi ko napansin na may gusto siya saakin? Gano'n ba ako nabulag ng pagmamahal ko kay Shineo para hindi maramdaman na mahal ako ng bestfriend ko? Nakahanap na ako ng pwesto, laking gulat ko naman ng umupo sa upuang nasa harap ko si Shineo.

"W-what do you need?" Tanong ko pa. Pinipilit kong maging normal, sigurado akong hindi niya naman alam ang hinaharap naming dalawa, at hindi ko na iyon hahayaan pa!

"Klaer, I'm sorry." Sabi nito. Laking gulat ko naman ng sabihin niya iyon, bakit hanggang dito?!

"A-ano bang pinagsasabi mo? H-hindi kita kilala." Pagsisinungaling ko.

"Klaer, alam kong alam mo kung bakit tayo nandito, so please cooperate." Seryosong sabi nito.

"Hindi na kita guguluhin, 'wag kang mag alala." Diretsong sabi ko.

"I understand if you're still mad at me, but this is our second chance, Klaer. Iligtas mo ang sarili mo saakin." Sabi niya at umalis na. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng hininga. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mata ko, umiiyak nanaman ako ng dahil sakanya.

'Hindi mo na kailangang sabihin pa, dahil ako mismo, ililigtas ko ang sarili ko sa'yo.'

Dumating na si Craze, naayos ko na rin ang sarili ko. Nakita ko pa ang nag aalala niyang mukha pero hindi na siya nagtanong pa. Mabuti naman dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya.

Mabalis muling nagdaan ang oras at uwian na namin, nag aya ako kay Craze na mag mall kami, gusto kong magpalamig at may gusto rin kasi akong bilhin.

"Huy, okay ka lang ba?" Tanong nito, hindi na nakatiis na hindi magtanong. Naglalakad kami ngayon sa loob ng Mall, patingin tingin lang sa paigid.

"Oo naman, bakit naman hindi?" Sabi ko at napangiwi siya.

"'Sus, alam kong hindi ka okay, tara sa Ice Cream Shop? Treat ko." Sabi naman nito.

"Lagi mo namang treat, eh! Next time ako naman ang manlilibre sa'yo, okay?" Sabi ko naman sakanya at nginitian niya naman ako. Hawak niya ako sa braso ko habang naglalakad kami patungo sa Ice Cream Shop, tinanggal ko naman ang hawak niya at ako ang humawak sa kamay niya na parang bata na baka mawala.

"Hoy, loko, kaya tayo napagkakamalan, eh! Masyado kang sweet sa'kin!" Pang aasar nito.

"'Sus? Sino kaya 'yong palaging naka akbay, aber Bakit nga ba akbay ka ng akbay, ha?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Para malaman nilang akin ka lang." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na para marinig ko.

"Edi, akin ka lang din." Nakangiting sabi ko tsaka pinag intertwined ang kamay naming dalawa.

Ikaw nalang sana ang pinili ko una pa lang, hindi na sana ako nasaktan pa.



____________________________________

Thanks for reading, hope u like it and please Vote! Lovelots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because This Is My Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon