Chapter 36

424 12 2
                                    

Eliza's POV

"Marunong na ako! Marunong na ako!" Nagulat ako sa sigaw ni Aki kaya natauhan ako. Wew. Grabe naman kasi tong si Noah kung makatitig e. ~_____~ Lumapit siya kay Aki.

"Ang galing mo Aki!"

"Syempre mana po ako sayo!" Napahinto ako dun. Wait? Mana sa kanya? Arghh. Nananadya ba talaga ang tadhana? Sabi ko nang ayoko nang malaman pa niya. Aish. ~_____~

"Lolo lolo! Marunong na po akong magroller blades! Tito Chase tingnan mo oh!" Then pinakita niya kay Chase at papa yung pagroroller blades niya.

"Aba aba! Ang galing naman ni Aki!/Ng apo ko!" Sabi nilang dalawa. Lumapit naman ako kay papa at nagmano. Mukhang sumasakit na naman yung paa ni papa.

"Pasok na po tayo." Kinuha ko yung pinamili ni papa at inalalayan ko siyang pumasok habang si Noah naman ang may buhat buhat kay Aki. Err. Bakit si Noah pa? Tss. Pagkapasok namin sa bahay, dumiretso akong kusina para ayusin yung pinamili ni Chase at papa habang andun sila sa salas, nakaupo at nakikipaglaro kay Aki. Nakoo. Wag naman sana silang magkainitan dun. Aish.

"Noah, hanggang kailan ka nga dito?" Tanong ni papa. Papa naman e. ~____~ Maliit lang tong bahay namin kay dinig ko pa din yung pinaguusapan nila kahit nandito ako sa kusina.

"Next saturday aalis na rin po ako. Babalik na ako sa Manila." Ewan ko pero bakit parang nalungkot ako dun. Ang bilis ng oras. Hays.

"Ano nang ginagawa mo sa ngayon?" Tanong ni papa. Err. Kung alam niyo lang, mula nung iniwan kami ni Noah, galit na galit siya kay Noah na halos isumpa niya ito. Syempre sino ba namang tatay ang hindi magagalit sa ginawa niya?

"Nagaral po ako sa london for 5 and a half years at the same time pinapatakbo ko rin po ang negosyo namin. Ngayon po, magfofocus ako sa negosyo namin dito." So kaya niya pala kami iniwan ay para magaral sa London?

"Ahh. Mabuti naman at hindi ka na magtatagal dito. Mahirap na---" ayan. Sabi ko na at nagkakainitan na sila. Kailangan ko nang umeksena. TT^TT

"Ahh. Excuse me po, kukunin ko lang po si Aki. Aki dun ka muna sa kwarto mo ha." Inakay ko na si Aki at inihatid sa kwarto niya pagkatapos ay lumabas na ulit.

"Eli, mauna na muna ako ah. Bukas na lang ulit." Pamamaalam ni Chase. Hays. Sa totoo lang medyo naaawa ako dito kay Chase e. Hindi ko alam kung bakit. Inihatid ko na siya hanggang gate.

"Thank you Chase ah." Sabi ko sa kanya. Siguro kulang pa yung thank you ko sa lahat ng nagawa niya para sakin. "Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para samin ni Aki." Ngumiti naman siya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Ano ka ba. Wala yun Eli. Basta para sayo. Sige una na ako. Ingat ka dyan ha." Alam ko may ibang meaning yun. Magingat ako kay Noah. Yun yung ibig niyang sabihin. Aish. Alam niyo kahit ipinapakita talaga ni Chase kung ano yung tunay niyang nararamdaman para sakin, hindi ko alam kung bakit sarado pa rin yung puso ko para sa kanya. Ang tagal na naming magkaibigan ni Chase. Siguro ayoko lang talagang masira yung pagkakaibigan namin.

"Gusto mo rin ba siya?" Biglang tanong nung familiar na boses sa likod ko. Pagharap ko si Noah pala. Tss. Bakit ba niya tinatanong?

"Bakit mo ba tinatanong? Ano naman sayo?" Iniwan ko siya dun. Kasi naman, hindi pa ba obvious na wala akong nararamdaman para kay Chase? Hays.

**************************************

Noah's POV

"Bakit mo ba tinatanong? Ano naman sayo?"

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon