Gusto ko magmura dahil sa hirap makisama sa gangster na ito. Simula palang pagtulong ko sa kanya, taingang-kawali ang mayroon siya.
Isa pang nakakainis, natakas pa siya. Ngayon lang ako naging stress na sobra-sobra. Kailangan ko din gawin ito dahil sinabi ito ng guro niya."Nakita niyo ba si Yazo?" Ngayon hinahanap ko siya dahil may panibagong siyang gagawin. Wala silang alam kung nasaan siya. Hanggang nakataas na ako sa rooftop. Nandoon siya pinagmamasdan ang estruktura ng school namin. Paglapit ko, nakita ko pa nagyoyosi pa siya!
"Yazo, may bago kang gagawin. Sana gawin mo naman." Sabi ko na binigay ang tatlong notebook sa kanya. Binaba niya ang sigarilyo at kinuha sa akin.
Naamoy ko ang usok galing sa sigarilyo niya. Hindi ako sanay sa ganito. Binaba niya ito at tinapakan. Nahalata niya ako.
"Jin." Tinawag niya ang pangalan ko. Unang pagkakataon iyon. Hindi siya nagsasalita kung nagtuturo ako sa kanya. Puro tango at iling ang sagot niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. Kaunti nalang ang mga bendahe sa kanyang mukha. Mabuti na gumagaling ang kanyang sugat.
"Bakit mo tinanggap yung request nila?" Tanong niya. Tinutukoy niya yung nakaraang linggo nangyare. Hindi ko rin alam kung bakit ko tinanggap iyon. My heart just did.
"Ayaw mo ba bumawi sa grades mo? Tinanong ko kay Yazo.
"Bumawi?" Napatawa siya doon. "Kung nangyare iyan, sasabihin nila ako ng nagcheat lang ako." Dagdag niya. Nagtaka naman ako. Sumandol ako sa railings at nakatingin lamang sa kanya.
"Ayaw mo patunayan sa kanila?"
"May maniniwala ba sa akin?" Mahina niyang sinabi. Tinamaan ako sa salitang iyon. Wala ito sa kwento ni Kean noon.
"Eto. Para sa iyo iyan." Inalok niya sa akin ang egg sandwich. Iniwasan ang topic tungkol doon and tinaggap ko naman iyon.
"Salamat." Sabi ko sa kanya at ngumisi lamang siya. Nagsimula ako kumagat at siya naman ay walang ginagawa. Pagkatapos, napag-isipan ko kunin ko yung cellphone number niya para alam ko na kung kailan siya pwede.
"Crush mo ako noh?" Biglang tanong niya sa akin habang isa-isa pinipindot ang number. Halata hindi sanay sa touch screen phone.
"I dislike gangster." Pag-amin ko. Siguro inaasar niya lang ako.
"Then I don't like you." Direktang sinabi sa akin ni Yazo. Natamaan 'yung puso ko doon. Napatawa nalang kaming dalawa at binalik ni Yazo ang cellphone ko.
Kinuha niya yung flip cellphone at tila may tatawagin. Nagvibrate yung cellphone ko at sinagot ito. Hindi man tiningnan ang caller.
>Hello?<
Napansin ko biglang natatawa si Yazo sa akin. Siya pala ang caller. Sumimangot ako at binaba ang call.
"Bilis mo naman makuha yung number ko,Yazo." Tugon ko habang binulsa ang cellphone ko.
"Memorize ko." Sagot niya.
Ngumiti ako sa kanya at inaya na sabay kami bumaba at bumalik sa aming klase. Maswerte na hindi kami nahuli sa discussion o kaya siya ay nahuli. Who knows?
Unti-unting nawawala yung pagka-ayaw ko sa kanya ngunit sa mga salita ko parin ay nandoon parin.
YOU ARE READING
Unattractive
Teen Fiction"𝓨𝓾𝓷𝓰 𝓲𝓷𝓪𝓴𝓪𝓵𝓪 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓪𝔂𝓸𝓼 𝓼𝓲𝔂𝓪, 𝓟𝓮𝓻𝓸 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪. 𝓗𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓼𝓲𝔂𝓪 𝓼𝓲𝓶𝓹𝓵𝓮𝓷𝓰 𝓫𝓪𝓫𝓪𝓮 𝓽𝓾𝓵𝓪𝓭 𝓷𝓰 𝓲𝓫𝓪, 𝓚𝓾𝓷𝓭𝓲 𝓹𝓲𝓷𝓪𝓴𝓪-𝓪𝔂𝓸𝓴𝓸 𝓼𝓪 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽 , 𝓪𝓷𝓰 "𝓖𝓪𝓷𝓰𝓼𝓽𝓮𝓻". �...