Sana po magustuhan nyo ang aking unang kwento. :))
.
Ako si Marie C. Gonzaga, labing walong taong gulang, laking probinsya at kasalukuyang nag-aaral sa isa sa mga unibersidad ng Maynila sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education.
Pangalawang araw na ng pasukan, pero wala parin akong naging kaibigan.
di din kasi ako nakikisama sa mga nagiging kaklase ko kasi medyo mga sosyal at ang iba ay maaarte,
samantalang ako, hamak na "PROBINSYANA LAMANG" at wala pang masyadong alam sa buhay syudad.
Malapit na mag-aalas dyes ng hindi ko pa rin mahanap kung saan ang room ng susunod kong klase.
puro pawis na ako at panay hingal, nalibot ko na rin ata ang buong unibersidad pero hindi ko parin mahanaphanap ang OB-Room101.
"Kailangan ko na talagang magtanong, kailangan ko nang kapalan mukha ko kasi male late na talaga ako sa style na to" sambit ko sa isipan.
"Pero kanino naman ako magtatanong kung ang lahat ng mag-aaral ay nasa loob ng kanikanilang room at nag kaklase na?.
OmyLord! tulungan nyo naman po ako plssss. Kahit isang tao lang na mapagtanungan Oks na Oks na talaga, cge na po ngayon lang" :(((
Ilang segundo lang habang naka upo at nawawalan na ng pag-asa, may lumabas mula sa isang klasroom na lalake. Gwapo! at halatang Mayaman =]
Medyo nabuhayan ako ng loob,
"Yan talaga gusto ko sayo Lord eh, pinagbibigyan mu ako agad-agad. at infierness ha? Gwapo! Mwaaa I super Love you talaga Lord! Salamat!"
Dali dali kong hinabol at sinundan ang lalaki para mapagtanungan, kasii late na late na ako, first meeting pa naman ngayon sa major na subject na to. tsk
"Ehe eheeeem, Excuse me? Pwede po bang magtanong kung saan ang OB-Room101?"
sabi ko habang sumasabay sa kanyang lumalakad.
Pero parang wala itong narinig.
"Excuse me po ulit? Late na ako, san po ba ang OB-Room101?
Pero parang wala parin itong narinig. "Lord naman, bakit ganito? gwapo nga pero bingi naman o sadya lang talagang nagbibingi bingihan?" sambit ko.
"Excuse me hoi!"
Wala parin.
nilakasan ko na talaga ang boses, at hinarang ang dinadaanan nya ng sa ganun mapansin na talaga nya ako.
"Hoy nagbibingi bingihang mister ewan, pwede ba sagutin mu na ako, halos hinihingal at na mamaos na ako sa kakasunod at katatanong sayo. at halos 30 mins narin akong late sa major ko, kaya pwede ba? "
Pasigaw kong sabi sa kanya.
"Whats wrong with you? whats your problem?" kunot noo nyang pa english na sagot sakin, habang ibinababa ang isang earphone na nasa tenga nito.
Kaya naman pala di ako marinig kasi naka earphone.
Gusto ko tuloy tumakbo at magtago sa kahihiyan. ang Tanga ko! bat di ko nga ba napansin na naka earphone xia? Gosh. kahihiyan!
Pero bahala na! kelangan ko nang panindigan to.
tutal d naman ako kilala nito at di din kami siguro magkikita pa ulit nito sa laki narin ng paaralang ito.
"Paxenxia na, d ko napansing naka earphones ka pala! San ba kasi ang OB-Room101? kanina ko pa to hinahanap dito?" sarkastika kong tanong.
Abay hindi dapat ako magpapatalo sa gunggong nato noh. kung highblood xia, ako din two-times. tingnan lang namin kung sinong aatakihin saming dalawa.
BINABASA MO ANG
Eh kasi :/
Teen FictionMinsan sa di inaasahang pagkakataon uusbong ang isang d inaasahang PAG-IBIG. Pag-ibig na akala muy walang katuturan dahil sa mga bagay na minsang akala muy wala lang kahalagahan.. tunghayan ninyo ang aking tampok na kwento, na nagmula sa isang di m...