AP project

1.5K 3 1
                                    

Johannes  Gutenberg

           Si Johannes Gensfleisch zur Laden zum Gutenberg (mga 1400 – Pebrero 3, 1468) ay isang panday ng ginto at taga-imprentang Aleman, na pinupurihan sa kanyang pag-imbento ng imprentang tipong gumagalaw (mga 1439) sa Europa at mekanikal na limbagan sa internasyunal. Ang Biblyang Gutenberg ang kanyang malaking gawa na kilala din bilang 42-linyang Bibliya.

             LIBU-LIBONG taon na ang nakalipas nang magsimula ang paggawa ng mga aklat at balumbong sulat-kamay. Pero ang pag-iimprenta ng mga aklat ay nagsimula lang noong 868 C.E. sa Tsina, gamit ang inukit na mga bloke ng kahoy. Noong mga 1455 sa Alemanya, naimbento ni Johannes Gutenberg ang mga letrang gawa sa metal (movable metal type), at nailimbag niya ang unang Bibliya sa wikang Latin.

             Gayunman, lumipas pa ang ilang taon bago naging pangkaraniwan ang paglalathala ng Bibliya at ng iba pang mga aklat. Ang Nuremberg ang naging sentro ng mga palimbagan sa Alemanya, at si Anton Koberger, na mula sa lunsod na iyon, ang malamang na unang nagkaroon ng malaking internasyonal na palimbagan ng Bibliya. Malaki ang utang na loob ng mga tao sa mga sinaunang tagapaglathala ng Bibliya, gaya ni Anton Koberger. Kaya alamin natin kung sino si Koberger at kung ano ang kaniyang mga ginawa.

Michelangelo Buonarroti

           Michelangelo (buong pangalan Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni) (Marso 6, 1475 - Pebrero 18, 1564) ay isang eskultor, arkitekto, pintor, at manunula noong Renaissance. Naging kilala si Michelangelo sa paggawa ng fresco sa Kapilya ng Sistine, gayon din sa Huling Paghuhusga sa altar nito, at "Ang Pagkamartir ni San Pedro" at "Ang Pagbabagong-loob ni San Pablo" sa Cappella Paolina sa Batikano. Kabilang ang David at ang Piyeta, gayon din ang Birhen, Bacchus, Moises, Rachel, Leah, at kasapi ng pamilyang Medici sa kanyang mga eskultura. Dinisenyo rin niya simboryo ng Basilika ni San Pedro.

Leonardo da Vinci

           Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), na may kahulugang Leonardo ng Vinci, ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamadormusikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.

          Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "mula sa Vinci" ang ibig sabihin ng "da Vinci" — naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo sa kanyang mga pintura, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensiyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, at calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pintura niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.

Lorenzo the Magnificent

            Si Lorenzo de' Medici (1 Enero 1449 – 9 Abril 1492), na ang buong pangalan ay Lorenzo di Piero de' Medici, ay isang Italyanong politiko at pinunong de facto ng Republikang Florentino noong Italyanong Renasimiyento.[1] Siya ay kilala bilang Lorenzo ang Magnipiko (Lorenzo il Magnifico) ng mga kontemporaryong Florentino. Siya ay isang diplomata, politiko, patron ng mga skolar, magsisining, at mga manunula. Marahil, siya ay pinakakilala para sa kanyang ambag sa daigdig ng sinig na nagbibigay ng malalaking mga halaga ng salapi sa mga magsisining upang lumikha sila ng mga gawang maestro ng sining. Ang kanyang buhay ay kasabay ng mataas punto ng hinog na yugton ng Italyanong Renasimiyento. Ang kanyang kamatayan ay kasabay ng pagwawakas ng Ginintuang Panahon ng Florence. [2] Ang marupok na kapayaan na kanyang tinulungang panatilihin sa pagitan ng iba't ibang mga estadong Italyano ay gumuho sa kanyang kamatayan. Siya ay inilibing sa Kapilyang Medici sa Florence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AP project :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon