Alam niyo yung feeling na mas matanda siya sayo? Na kuya kuyahan mo lang siya. Ang sweet niya sayo. Maalaga. Protective. Akala mo may namumuo ng feelings pero bilang "baby sister" lang pala ang turing niya sa'yo. Di mo parin mapigilan ang kilig tuwing tinatawag ka niyang "Baby" Feeling mo parang kayo. Yung ayaw niyang nalilipasan ka ng gutom, yung dapat magtetext ka sa kanya kung okay ka lang ba. Yung ayaw niyang umuwi kang mag-isa. Ayaw niyang may mga lalakeng umaaligid sayo. Pumayag ka sa ganyang set up kasi umasa ka na baka ma develop siya sayo hanggang sa ipapakilala niya sayo girlfriend niya. "Punta tayo mall ha? My treat. I want you to meet the most special girl in my life." Tumango ka lang. Akala mo pa nga joke lang yun kasi nag assume ka na mahal ka niya . Pero nagkamali ka dahil Pinakilala niya talaga sayo. Nag "ate" ka pa nga. Sabi mo "bagay kayo" with matching ngiti ngiti ba. Tumawa kuya mo kinurot ka niya sa pisngi. Sabi niya ang cute mo daw. "Bakit hindi nalang ako? Cute naman ako eh >_<" Sabi mo sa isip mo. Di mo yun kayang ipagsigawan dahil alam mong pagtatawanan ka lang kasi bata ka pa. Nung nag break sila ng girlfriend niya, nandyan ka para sa kanya, niyakap mo siya. Sabi mo "marami pang iba" ... Kayakap mo lang.. Sinabi mo "ako nalang Kuya" tumawa siya. "Baby naman eh. Ang kulit nitong little sister ko." Nalungkot ka sa pagbigkas niya ng "little sister" so hanggang dun nalang pala.. Bilang magkakapatid? Naisip mo, di naman kayo magkadugo pero bakit ayaw niya sayo? Di mo inaasahan na kailangan niyong pumunta sa America kasi magpapagamot ang lolo mo. Nagpaalam ka kay "Kuya" niyakap ka niya at sabi niya mamimiss ka niya. Inamin mo ang nararamdaman mo bago ka umalis. "I love you kuya" tumulo ang luha niya. Nagtaka ka. Niyakap ka niya. "I love you too baby. Dati pa. Natatakot akong may ibang mag protekta sayo, dapat ako lang. Ayokong may ibang lalaking nakadikit sayo kasi nagseselos ako. Mahal kita. Ang rason kung bakit nag break kami ng girlfriend ko dahil nalaman niya na ikaw talaga yung mahal ko at ginamit ko lang siya para makalimutan feelings ko para sayo. Nung cinomfort mo ako, nagdadalawang isip ako aminin ang feelings ko para sayo dahil baka nagbibiro ka lang nung sabi mong ikaw nalang. Baby, I love you."
Ang saya. Mahal niya rin pala ako.