Isinulat ni: AUTHOR OF DREAMS
Araw ng Isulat: 07/23/20Paano kung isang araw may nangyaring kakaiba?
Dahil lamang sa isang bagay nagbago ang lahat.
At may sekretong mabubunyag.Faith's POV
Ehem! Hi, ako pala si Faith labing apat na taong gulang. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit para sa unang klase ko sa high school.
Ako ngayon ay nasa Grade VII na. Nandirito ako ngayon sa hapag at doon ko inaayos aking mga dapat dalhin.
“Oh! Bakit andami mo yatang dalang gamit? Sa eskwelahan ka lamang naman pupunta.” sabi ng aking papa.
Hindi na lamang ako umimik at ngumiti lamang sa kanya. Ipinasok ko sa aking bag ang maraming lapis.
“Teka Faith! Ang dami naman yata niyang lapis mo, aanhin mo ba iyan?” tanong muli ng aking papa.
Kaya akin siyang sinagot.
“Gano’n talaga papa, dapat palagi akong handa sa laban. He he.” Matapang kong sagot sa kanya na parang sasabak sa gyera.
Napaubo tuloy si papa. Kasalukuyan kasi siyang umiinom ng kape.
“Anak, maaari namang isa hanggang dalawa lamang ang iyong dalhin. Sobra na yata iyan sa isang araw?” sabat naman ni mama.
Nandito rin si mama at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.
“Ma, mas maigi na po’ng handa ako. Kaysa naman maubusan pa ako. Nakakahiya naman pong manghiram.” Pagpapaliwanag ko kay mama.
Nang ilagay ko na ang huling gamit ng hindi tumitingin bigla na lamang sumigaw si papa.
“Hoy Faith!” Sigaw ni papa.
“Ay! Ano po ba ‘yon papa? Nakakagulat ka naman eh!” Singhal ko dahil sa pagkabigla.
“Arman! Ano bang nangyari at ika'y bigla na lamang sumigaw!?” Singhal din ni mama.
“Mahal kong Rose pasensya na.” Paghingi ng tawad ni papa kay mama.
Tumingin muli si papa sa akin at tumitig sa bagay na hawak ko.
“Para saan ba iyang martilyo? Pati ba 'yan at kailangan sa paaralan niyo?” takang tanong ni papa.
Aking tinignan at nabitawan ko ang martilyong hawak ko. Sinamaan ko rin si papa ng tingin ng ito ay nagpipigil ng tawa.
“Eh! Papa naman, ikaw naglagay diyan no?! Para mailagay ko rin sa bag ko. Hmp!” Kunwari kong tampo.
“Sorry naman prinsesa ko. Bibigyan na lang kita ng baon mo.” Sabay abot sa akin ng singkwenta.
“Hala! Sige na at baka ikaw at mahuli na sa klase. Mag-iingat ka anak ha! Mag-aral kang mabuti.” pagpapa-alala sa akin ni mama.
“Opo! Salamat papa't mama sa baon. I love you both!” sigaw ko at naglakad na.
Samantala.
May kahanga-hangang kuneho ang nagpauli-uli para makarating sa tamang lugar na pupuntahan. May kagat din itong kakaibang bagay sa kanyang bibig.
Nagmamadali itong tumalon at tumakbo kaya't kumikinang ang kagat-kagat nito at kapag natatamaan ng sinag ng araw ay lalo itong nagliliwanag. Masisilaw ang kung sino mang tumingin dito.
Faith's POV
Nagpaalam na ako kina mama at papa. Ngayon ay rumarampa ako este naglalakad ako para magtungo sa paaralan.
Nang may mabilis na nilalang akong nakasalubong, dahil sa pagkabigla ko ay napaupo ako sa sahig. Dahilan para biglaan itong huminto at nagitla.
Isa pala siyang kuneho at sobrang cute niya. Grabe!
“Hi! Kumusta munting kuneho. Ang cute mo naman hihihi.” kausap ko sa kuneho'ng kaharap ko.
Mukhang natakot siya sa akin kaya kaagad itong nagtatakbo at napansin kong may naiwan siya na makinang na bagay.
“Naku! Saan kaya ito galing? Siguro sa amo niya ito?” nagtataka kong tanong.
Nang biglang may nagsalita o sumigaw.
“Hoy! Ineng bakit ba ikaw ay nakaupo diyan sa daanan? Nababaliw ka na ba?” Takang tanong ng sumisita sa akin.
Doon ko lang napansin na nakaupo pa pala ako sa sahig at ang daming nakatingin sa akin. Huhu.
“Hehe pasensya na po nadulas po kasi ako.” nahihiyang sabi ko at tumayo na.
Balak ko sanang sundan ang kuneho ng may nakasalubong ako na lalaki at kaparehas ng bagay na hawak ko. Nakasuot sa leeg nito na ginawang kwintas. Isang gintong susi at kakaiba ang hugis nito. Ito ay hugis puso na may mga ibat-ibang kulay na parang design sa susi.
Sinundan ko ito at naabutan ko siyang pumasok sa isang eskinita. Kinuha niya ang susing nakakwintas sa kanya at humarap sa isa sa mga pader ng eskinita.
Nagtaka ako sa ginawa n'ya dahil itinapat n'ya ito sa pader at namangha ko sa susunod na nangyari. Nagkaroon ito ng lagusan.
“Grabe! Ang galing paano nagkaroon ng daanan doon?” bulong ko sa sarili.
Bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko at agad akong nagtago. Luminga-linga pa ito bago pumasok sa kakaibang pader.
“Woh astig! Nawala siya bigla! Pupuntahan ko ba o dedma na lang. Eh! Ano ba 'yan!? Bahala na nga.” Pagpupumilit ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
GIFTED ACADEMY
FantasyPaano kung isang araw may nangyaring kakaiba? Dahil lamang sa isang bagay nagbago ang lahat. At may sekretong mabubunyag. Subaybayan ang kwento ng ating bida.