Entry Number Two: STABility

52 7 19
                                    


"Ang tagal natin no?" banggit ko sa babaeng nasa harap ko. Matagal kaming nagkatitigan muna bago siya nagsalita.

"Oo nga e. Ang tagal natin." Mas tatagal pa sana tayo kung hindi ka bumitaw. Nahinto ako sa pagsasalita ng dumating ang inorder naming kape at cake na paborito naming kaining dalawa noon. Matagal na naging tahimik ulit ang pagitan naming dalawa, tinititigan niya lang ako habang hawak ang tasa ng kape na paborito niya laging iniinom.

"Bakit ka nga ba nakipagkita?" Bakit nagpakita ka pa? deretsa kong tanong sakanya. Kumapiraso ako sa blueberry cheese cake na inorder ko, natatandaan ko pa noon, ito yung paborito kong kainin pag kasama siya, tatambay kami dito, pagkatapos ng eskwela niya.

Sa loob ng siyam na taon, minahal ko siya ng buo, buong buo. Siya ang first girlfriend ko, siya lahat ang una ko, nagpalit din ako ng relihiyon para matanggap ako ng mga magulang niya, ginawa ko ang lahat para maging sapat.

Simple lang ako, hindi mayaman ang pamilya ko, kailangan ko rin magtrabaho para masuportahan ang sarili ko noong highschool at college ako pero hindi yon naging hadlang para mahalin ko siya ng todo.

"Gusto lang kita makita. Hindi na kasi tayo nakapag-usap ng maayos pagkatapos noong..." hindi niya matuloy ang sinasabi niya... Pagkatapos kitang makita na may kasamang iba. Yan ba ang gusto mong idugtong?

Napailing nalang ako ng maalala ko ang gabing yon.

Nauna akong nakapagtapos ng college, four-year course ang kinuha ko at siya naman ay five. Kaya habang fifth year siya noon sa FEU ako naman ay nagdecide na magtrabaho sa Manila, malapit sa kanya. Ang mga normal na gawain ko noon, araw-araw ko siyang sinusundo pagkatapos ng klase, sabay kaming kakain ng dinner o kaya tatambay kami sa coffeeshop na paborito niya para magtapos ng assignments niya, yun nga lang sa kalagitnaan ng taon lagi siyang may-overnight, para sa thesis, group project, presentation at iba pa. 

Wala namang kaso sa akin, pinapayagan ko siya pag nagpapaalam siya. Ayoko kasi siyang masakal at may tiwala ako sakanya. Hindi ko naman kasi siya dapat paghinalaan, kasi may tiwala kami sa isa't isa.

Pero yung sa sobrang pagtitwala ko pala sa kanya hindi ko napansin na nagbago siya.

May kinuha siya sa loob ng bag niya, tinitigan ko yung bag, hindi niya na gamit yung bigay ko sakanya. Makikita mo sa tatak ng bag na gamit niya ngayon na ito ay mamahalin at hindi paparisan ng ibinigay ko sakanya.

Naglabas siya ng envelop na kulay puti at ginto. May bumara ata bigla sa lalauman ko at nahirapan ako lumunok.

Napagdesisyunan na namin noon na pagkatapos ng isang taon after niya makatapos ng college magpapakasal na kami. Nakaplano na ang lahat, may bahay at lupa na, at pundar na negosyo.

Kahit na hindi niya sabihin, alam ko na kung ano ito... Lagi niya kasing sinasabi na pagkinasal siya ang gusto niyang kulay ay puti at ginto. Dapat ko ba siya na sabihan ng Congratulations?

"Natupad pala ang gusto mo..." banggit ko sakanya habang nakatingin sa nakalapag na imbitasyon. Tinitigan ko uli ang imbitasyon bago ko siya tignan.

"Anong gusto ko?" aniya na tila ba naguluhan sa sinabi ko. Masasabi ko na sa loob ng siyam na taon namin bilang magkasintahan, kabisado ko na ang mannerism niya, ang mga daliri niya ngayon na akala mo ay may pinipindot sa may tuhod niya ay senyales na hindi na siya kumportable sa akin.

Pero sabagay, hindi ko pala pwede sabihin na kilala ko ang bawat galaw niya, hindi ko kasi napansin na may nagbago na sa aming dalawa noong huling taon namin.

Bakit hindi tumulo ang luha nila? (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon