[3] The 3 Clown

39 2 0
                                    

**MONDAY**

--Kriiiiing Kriiiiing--

“Hmmmmm..."

Monday na pala, class na naman.

Bumangon na ako tapos pumunta na sa CR, syempre para maligo.

.

.

.

.

Then.... DONE!

Nagbihis na ako ng Uniform ko at bumaba na.

Pumunta ako sa Kitchen at kumain na ng breakfast.

“Manang Elv, punta na po along school. Bye po" sigaw ko kay manang at lumabas na ng bahay

“Sige ineng, ingat ka ha? Bye!" sigaw din ni manang

Sumakay na ako sa Car namin at nagpahatid na kay manong Mik sa School namin.

“Thanks Manong Mik. Text ko nalang po kayo pag-uwian na" pagpapaalam ko kay manong tapos lumabas na ng kotse at umalis na si manong.

Naglakad na ako papuntang room ng may humarang na tatlong babae sa harap ko, lumiko naman ako para dumaan sa gilid nila pero hinarangan lang nila ulit ako. Tiningnan ko sila, owzzz tatlong clown. Ang kapal kasi ng mga make up nila. Eeeww! Hindi pa rin sila gumanda.

“Excuse me miss, dadaan ako" sabi ko sa kanila at dumaan na naman sa isang gilid kung saan hindi sila nakaharang, pero hinarangan ulit ako ng isa sa 3 clown.

“Alam mo, hindi ka talaga bagay dito sa S.U." -clown girl 1

“Yes, she's right. Hindi ka bagay dito kasi hindi ka naman marunong gumamit ng mga instruments, hindi ka din kumakanta" -clown girl 2

“Hindi ka din naman sporty, ahh... Badminton lang pala ang alam mong laro. Poor you!" -clown girl 3

“Ewan ko lang kung bakit ka nakapasok dito sa school S.U." -clown girl 2

“Kung sa drama? hmmm.. Ewan ko lang, parang hindi din eh. At Lalong hindi ka din naman maganda" -clown girl 1

Grabe naman silang makapagsalita, ehh sila nga tong mukhang clown ehh.. Sapakin ko kaya ang mukha nila

Magsasalita na sana ako pero may umuna na sa akin eh. Echosera lang mga 'teng?

Tiningnan ko sila, ayy sila Ria, Angel, at Denise pala.

“Hey you Clowns! You don't have a right para pagsabihan ng ganyan ang best friend namin" sigaw ni Angel habang nakaturo sa tatlong babaeng clown. Oo, may pagkamaldita yan eh.

“Excuse me, what did you say? Us? Clown?! Hah! You're so makapal ahh, sa ganda naming to, clown?" sabi ni clown girl 1. Grrr.. Ang arte naman nya, hindi naman maganda. PSH! =_=

“Oo, Clown. Ang kapal kasi ng make up nyo eh. Nagkamali kayo kayo ng pinuntahan, school to eh hindi birthday party" sabi naman ni Denise. Si Ria naman nasa tabi ko lang, hindi to mahilig sa sagutan eh.

“How dare you!" sigaw ni clown girl

“Ohhh !! Isang salita pa, sasapakin na kita" sabi naman ni Angel tapos umakto po na parang sasapak.

Natawa naman kami ni Ria sa ginawa ni Angel kasi natakot yung tatlo at tumakbo na papaalis.

“Hahaha. takot naman pala ang mga clown eh!" sabi naman ni Ria, tapos tumawa na ng wagas.

Grabe makatawa tong babaeng to ah.

“Hayyy Nako Sissy, bakit kasi hindi ka lumaban sa mga clown na yun?" sabi naman ni Denise sakin, habang nakapameawang pa. Taray ah.

“eh kasi naman po, inunahan mo na ako" sabi ko naman sa kanya tapos tumawa ng konte.

“Eh, Alina. Bakit ayaw mong ilabas ang tunay na ikaw? I mean yung ikaw talaga. Yung Alina na magaling kumanta, marunong sa gumamit ng instruments. Yung matalino na Alina, kaylan ka ba lalabas? Hanggang kaylan mo ba to itatago?" sabi ni Ria sakin, sa tono ng pagsasalita, malungkot sya.

Oo. Alam nila lahat ng secrets ko.

Kasi sa school na to ang kaylangan lang ay may talent ka, instrument ba or boses.

Nakapasok ako sa school nato kasi, may secret ate ako. Oo, secret ate. Ewan ko ba kung bakit secret ate ko sya. Ang secret ate ko kasi ang may-ari ng school nato. Kaya hindi nila alam kung bakit ako nakapasok dito sa school nato.

Nakakalito ba? Sorry naman.

“Ahh.. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon para malaman nila lahat. Sorry" -sabi ko sa kanila tsaka yumuko.

“Okay lang yan." -sabi naman ni Angel tapos tinap nya ako sa likod ko.

“Tara na nga, punta na tayo sa room" sabi naman ni Ria at hinila na kami papuntang room

wala naman masyadong nangyari.

Nagtatawanan lang kaming apat kasi wala naman palang pasok ngayon. Ngayon palang kasi sinabi ng principal.

Pauwi na kami ngayon kasi nga 4pm na. Ang bilis ba? ganyan talaga. Hahaha.

Pagdating dating namin sa bahay, nagpasalamat na ako sa kay manong Mik.

Tapos pumasok na ng bahay at natulog. Boring eh, tapos napagod din ako dahil sa mga pinaggagawa namin kanina eh.

******
a/n:: Hello :)) Sorry sa matagal na pag-update. May class po kasi eh, nag-aaral po ako. Sorry din po kasi medyo waley ang UD ko ngayon, hehe wala kasing pumapasok sa Isip ko na maganda eh. Yun lang po, BABUSSSH :**

Read, vote and comment :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My fiancée is a... GAY?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon