One

50 16 2
                                    

"Ang ganda ng lashes mo 'no?" Ngumiti ako sa nagmamake-up sa akin. "Kahit hindi na lagyan ng falsies, kabogera!" Puri niya pa. 

Kanina ko pa nararamdaman ang ngalay ng batok ko. Imagine, kanina ka pa nakatingala. Ang tagal naman kasi matapos, hindi ko rin gets kung ba't pa kailangan ng mga pa-ganto. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang pagbigat ng mukha ko dahil sa foundation. 

Aangal nga sana ako kanina nung pumipili pa lang si Nate ng shade ko, mas prefer ko kasi yung mga bb cream lang, lightweight lang kasi yun hindi mo mararamdaman na may suot ka hindi katulad sa foundation. Isa pa, medyo sensitive ang skin type ko. Mukhang mapapadalas nanaman tuloy ang derma ko nito if ever mag-breakout ako. 

Hindi na lang ako nagreklamo pa. 

"Ang ganda ng anak mo, Madam!" Bati niya kay Mommy pagkapasok nito sa hotel room. 

"Kanino pa ba mag-mamana?" Pagbibiro ni Mommy sabay silang natawa atsaka nag-beso. 

She's holding my dress for tonight. Nagpasadya pa talaga. Halos one week akong nag-diet dahil baka hindi na mag-kasya sa'kin yung dress kung lumamon ako nang lumamon. Isinabit niya muna iyon sa clothing rack sa gilid bago tuluyang lumapit sa'kin. 

"Are you alright? Do you want me to call manang to bring you some food here?" She asked. 

Agad akong umiling, hindi pa naman ako nagugutom. Atsaka kaya ko naman kumuha ng pagkain ko if ever. Busy din lahat ng tao ngayon kaya baka maka-istorbo pa ako para lang sa pagkain. 

Birthday kasi ni Daddy kaya may event. May importante rin daw siya sasabihin mamaya kaya kailangan ay kumpleto kami dahil kung ako lang ay hindi na ako sasama sa mga ganto dahil hindi ko naman forte 'to. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto at magbabad sa kdrama. 

Naisip ko nanaman yung sasabihin daw niya. Ano kaya yon? Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. Hindi talaga ako sanay sa mga gan'tong gatherings. Halos buong board kasi ay pupunta mamaya, pati nga rin si Mayor na kumpare ni Daddy dahil Ninong ko ay dadalo. 

Hindi maganda ang kutob ko ah. 

"Damaris, contact your Kuya Dane. He's not picking up his phone. It's getting late already." Utos sa akin ni Mommy. 

Sa pagkakaalam ko ay kaninang tanghali pa umalis si Kuya papuntang airport para sunduin si Ate Drielle. Yun nga rin ang mas pinagtataka ko pa ang biglaang pag-uwi ni Ate. Masyado bang importante ang mangyayari mamaya na kailangan pati siya ay umuwi pa? 

"Cannot be reached.," Ani ko, ilang beses kong tinatawagan si Kuya pero mukhang naka-off ang phone niya. 

Clueless ako sa maaring mangyari pero pakiramdam ko ay hindi maganda. Huwag naman sana. 

Pinatayo na ako ni Nate para isuot na ang dress. Kakatapos niya lang kasi ayusin ang buhok ko. Medyo kinurl niya na lang sa ilalim para magkaroon pa rin ng buhay ang buhok ko. I'm now wearing an open back drape dress na color silver since ang theme ng party ay black and silver. I used my black heels na lang para macompliment yung shades. 

Ilang minuto ko pinag-mamasdan ang sarili ko sa salamin. I even took a photo and posted it on my instagram story nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang walang amor na mukha ni Kuya Dane. Nasa likod naman niya si Ate na nakayuko. 

"Dane.." Hindi makatingin na sambit ni Mommy. 

"Alam mo yun, ma?!" Lumiit ang boses ni Kuya, bakas ang pagkadismaya. Alam ang alin? 

Naglilipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Agad akong lumapit kay Ate Drielle para salubungin siya ng mahigpit na yakap. 

"Dane... please?" Pagmamakaawa ni Mommy. Hindi siya nagsasalita. Hinawakan ni Mommy ang kamay nito pero agad din itong tinanggal ni Kuya. Ilang minutong nababalot ng katahimikan ang buong silid. Tanging ang ingay ng aircon ang maririnig mo sa sobrang tahimik. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ulan at IkawWhere stories live. Discover now