"ATE"

6 0 0
                                    

Ako si Kate, 13 years old. Si Trina naman ang ate ko.

Kaming dalawa lang ang magkasama sa buhay. Ang kwento niya sa akin, sanggol palang ako nang lumayas siya sa bahay at isinama nya ako. Pinagmamalupitan raw kasi siya ng aming pamilya lalo na ng aming itay at dahil naaawa siya sa akin at mahal na mahal raw niya ako kaya naman isinama nya ako sa paglalayas niya.

Aaminin kong malaki ang sama ng loob ko sa ate ko dahil ipinagkaitan niya sa akin ang makilala ang pamilya namin, kahit pa sabihin na malupit sila. Maaaring may malalim lang silang dahilan kung bakit sila ganoon at maaaring para sa ikabubuti lang ng ate ko iyon, pero inisip niya sa negatibong paraan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa pamilya namin at kung ano ang pangalan nila upang sa kahit papaano ay palihim ko na lang sana silang hahanapin. Dahil sa panahon ngayon hindi na mahirap hanapin ang nawawalang mahal sa buhay o kung sino man sa tulong ng social media at iba pang mga programa. Ngunit ang tanging rason lang niya ang palagi niyang isinasagot sa akin ang... "malupit si itay, pabaya si inay, at walang kwenta si kuya". Hanggang sa nawalan na lang ako ng gana upang alamin ang pinagmulan namin. Masaya naman ako sa poder ni ate, hindi naman niya ako pinapabayaan at ramdam ko naman na talagang mahal na mahal niya ako. At dahil nga rin sa akin kaya hindi na niya magawang magkaroon pa ng nobyo. Sapat na raw sa kanya na meron siyang ako at dahil na rin sa kakaibang kapatid raw ako.

Bukas na pala ang ika-28 kaarawan niya. May inihanda akong surpresa at mga regalo para sa kanya. Noong isang buwan ko pa ito pinaghahandaan at inalam ko rin ng mabuti ang mga bagay-bagay na gustong-gusto ni ate. Paborito niya ang kulay itim kaya naman binilhan ko siya ng kulay itim na sapatos, gusto nya rin ng stuffed toys at binilhan ko rin siya nito, binilhan ko rin siya ng isang blouse upang magamit niya pamasok sa trabaho sa opisina nila, at dahil na rin sa mahilig siyang mag-shared ng post ng mga picture ng tulips (at siguro ay paraan niya ito sa pagpaparinig na gusto niya ang bulaklak na 'to) kaya naman kahit sobrang mahal ng isang bouquet nito ay ibinili ko na rin siya, pero bukas palang ipapadala ng pinagbilhan ko.

Ang lahat ng ito ay galing sa ipon ko mula sa ibinibigay niyang baon sa akin araw-araw at mula sa kinikita ko sa pamamagitan ng pagd-drawing ko (na marahil ay siyang namana ko kay ate, napakaganda at napakagaling nya kasing magdrawing). Kung tutuusin ay maliit na halaga lang ito kung ikukumpara sa mga nagawa niya para sa akin.

Ala-una na ng madaling-araw hindi pa rin ako makatulog. Masyado lang siguro akong naeexcite para bukas. Mabuti nalang linggo bukas at wala kaming pasok. Nakinig na lang ako ng Worship Songs hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tunog ng alarm ko. 6:30 am na.

Kailangan kong magbangon agad dahil magsisimba kami ni ate. Naexcite na naman ako. Alam kong birthday ni ate pero parang pakiramdam ko ako ang may birthday ngayon.

Naabutan ko naman si ate sa kusina na nagkakape na. Nakatulala siya at halatang napakalalim ng kanyang iniisip.

Ako: "Good morning, my beautiful ate."

Lumapit ako sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit. Isinandal naman niya sa akin ang ulo nya.

Ate: "Gising ka na pala, bunso. Magkape ka na."
Ako: "Okay pooo.."

Malambing kong sabi sa kanya at saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya at naghanda na rin ng kape ko.
Naupo ako sa may tapat niya. Tinitingnan ko lang sya habang tutok siya sa cp nya. Magkamukhang-magkamukha talaga kami ni ate, madalas pa nga kaming pagkamalan na magkambal eh, minsan naman para daw kaming mag-ina.

Ate: "Gayak ka na pagtapos mo dyan ah."

Pagkasabi nya ay tumayo na rin at pumunta na sa kwarto niya. Tiyak na gagayak na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

acyLcaca's SPECIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon