This is a short story. Actually, a true to life story about first love kaya medyo parang mahaba yung lalakbayin ng story. Hahaha. Try to read and understand nalang. On the spot ko kasi ito sinulat. So ayun! Medyo mahirap din magreminisce lalo na at masyadong maraming nangyari. Medyo nahirapan akong magsummarize kaya pagtiyagaan nyo nalang. Thanks! :)
Enjoy Reading. :))
(Favorite Song ko. Ewan ko kung bakit. :-/) ------------------------->
****
"Mandy! Mandy! Crush ka daw ni Kent!"
"Ayiiieeeeeee!!!"
Ehhrrrrrr!!! >.< Nakakainis na ahh. Kanina pa yan. Paulit-ulit sila. Di matulog. Di makaget-over? Mas kinikilig pa sakin? O sige, sila nalang. Aisshhhhh! >___<
Actually, matagal ko na yung alam. Bago pa man tong araw na ito, alam ko na. Alam ko nang crush ako ni Kent. Sinabi sakin nung bestfriend ko. Umamin kasi sa kanya si Kent. Tsss. Nagpapatulong pa nga daw sak anya eh. Laging tinatanong yung mga hilig ko. Yung mga gusto at ayaw ko.
Ngayon lang talaga sya nagkalakas ng loob na umamin sa harap ng marami. Ngayong mismong araw ng field trip namin. Pero kasi .. Jusko! Iilang buwan palang kaming magkakilala tsaka first year high school palang ako. Anong alam ko sa love sa edad na 12? Tsaka sya palang ang kauna-unahang lalaki na umamin na may gusto sakin. Di ko alam nga alam kung anong magiging reaction ko ehh ..
Sa totoo kasi ...
NAGUGULUHAN AKO.
Yung feeling na masaya ka kaso nag-aalinlangan ka parin. Biruin mo kasi, sa loob ng 12 years, may lalaki rin palang magkakamali na sabihing maganda ako. Syempre, sinong di mabibigla dun di ba? Lalo na at sa buong buhay ko, lahat ng lalaking kilala ko, walang ibang ginawa kundi asarin ako, pagtawanan ako, pagtripan, paiyakin, bully ang abot ko sa lahat ng lalaki, lalo na nung elementary ako. Kaya first time ko yun.
Ayos lang naman sana sakin yung pagtatapat nya eh. Wala sanang problema sakin yun. Tanggap ko naman kaso hindi pala magiging masaya at normal ang kauna-unahang fieldtrip na sasamahan ko. Kabaliktaran ng inaasahan ko, naging magulo, naging malungkot, naging awkward ang feeling. Kasabay kasi ng pagtatapat ni Kent sakin ay ang pagkabulgar din ng tinatagong feelings ng kaibigan ko para sa kanya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga panahon na yun. Kung paano ko i-cocomfort ang kaibigan kong umiiyak dahil sakin. Di ko alam kung paano patitigilin ang mga kasamahan kong istudyante sa pang-aasar samin ni Kent. Naging magulo ang isip ko nun. Kaibigan ko kasi ang nasasaktan at yun yung pinaka-ayaw kong mangyari. Ang makasakit ng kapwa. Ayos na sakin na ako ang masaktan. Kaya ko naman tiisin yun eh. Ayaw ko lang talaga na ako ang makakasakit.
Dahil sa pangyayaring yun, nung araw ding yun ng fieldtrip namin, napagpasiyahan kong tanggihan ang nararamdaman ni Kent para sakin. Nagalit ako sakanya. Nagalit ako kasi sa dinami-dami ng babaeng pwede nyang magustuhan, bakit ako pa? Alam kong wala naman syang kasalanan, na hindi nya yun sinasadya kaya lang, kung hindi sana sya umamin sa harap ng marami, hindi sana masasaktan ang kaibigan ko. Dahil dun, sya ang sinisisi ko sa lahat.
Hindi naging masaya ang araw ng fieldtrip namin. Lagi ko kasi syang iniiwasan. Ayaw na ayaw kong magtatama ang mga mata namin. Ayaw na ayaw kong lumalapit sya sakin. Naaalala ko pa nung padalhan ako ng kaibigan ko ng sulat. Sabi nya, hindi daw muna nya kayang makipag-usap at makipagkaibigan sakin. Masaya daw sya at nakilala nya daw ako kaya mas lalo akong nainis kay Kent. Mas lalo akong nagagalit sa tuwing babanggitin nya at ng mga kaibigan nya ang tungkol samin. Kaya lagi ko syang iniiwasan. Hindi ko sya tinitingnan. Hindi ako pumupunta sa mga lugar na kung saan ay nandun din sya. Lagi ko syang pinapakitaan ng masamang ugali para maturn off sya sakin.