KABANATA 22

1.2K 49 0
                                    


DAPIT HAPON na at nagpaalam ako na lalabas. May pinadalang sulat si Señorito Camiro. Magkikita kami malapit sa simbahan. Nang makarating ay tumingin ako sa paligid. Hinahanap kung narito na ba siya.

Hanggang sa huminto ito sa lalakeng nakayuko at may hawak hawak na bulaklak. natatakpan din ang kalahating mukha nito sa sumbrerong suot.

Nakatalikod man siya sa akin pero hinding hindi ako pwedeng magkamali na siya iyon. Naglakad ako palapit sa kanya pero tila naramdaman niya ang aking presensiya at humarap sa aking gawi.

"Señorito" nakangiting wika ko ngumiti siya pabalik "Bulaklak para sa pinaka magandang binibini" at ini-abot sa akin ang puting bulaklak napangiti ako sa saya at tinanggap iyon

"Maraming salamat, saan tayo magtutungo?" nakangiting wika ko at inamoy ang bulaklak "Isa sa mga paborito kong lugar"

nakangiting sagot nito at inilahad ang kanyang kamay napatingin ako roon ng ilang segundo bago tinanggap iyon umiwas ako ng tingin ng ipinagsiklop niya ang aming mga daliri.

randam ko ang pag-iinit ng aking pisnge. Napangiti ako at tumingin sa paligid pagkatapos sa kamay naming magka siklop.

Napakagandang hapon, parang ayoko ng matapos.

Huminto sa harap namin ang itim na kabayo. Bumaba galing do'n si Raul. Akmang hihilahin ko na ang aking kamay pero hinigpitan niya lang Ito napatingin ako sa kanya pagkatapos kay raul. "Señorito" tawag ko sa kanya tumingin siya sa akin pagkatapos kay Raul.

"Mabuti at nakarating ka rito sa tamang oras"  wika nito tumawa si raul pagkatapos ay tumingin sa akin

"Hindi ko makakaligtaan 'yon pinsan. Amary kamusta?" nakangiting tanong nito pagkatapos ay tumingin sa kamay naming magkasiklop ni señorito nawala saglit ang ngiti nito pero ng tumingin sa akin ay bumalik.

"Ayos lang, ikaw?" tanong ko "Mabuti, hindi na ako magtatagal may lakad pa ako. Magandang hapon" wika nito at tumingin sa aming dalawa tumango ako ngumiti Ito at tumalikod.

tumingin ako kay Señorito ngunit halos mahigit ko ang aking hininga ng magtagpo ang aming paningin "Señorito, si raul baka..." Hindi ko na tuloy ang aking sasabihin ng humarap siya sa akin

"Kapag kasama mo ako huwag kang magbabanggit ng pangalan ng ibang lalake. Ako lang dapat binibini, ako lang ang dapat mong isipin." wika nito humihip ang malamig na simoy ng hangin.

"Hindi naman sa gano'n señorito pero paano kung may makakalaman nito, kung anong meron tayo?" mahinang sabi ko sa kanya at tumingin sa itim na itim na mata nito at katulad ng una ko siyang nakita para akong nalulunod rito.

Inilagay niya sa likod ng aking tenga ang buhok na tumatabing sa aking mukha dulot ng hangin kanina.

"Huwag kang mag-alala, aayusin ko. pangako" malambing at siguradong sabi nito hindi ko alam pero sa mga katagang kanyang binitawan pakiramdam ko'y ligtas ako.

'Panghahawakan ko 'yan' hindi ko man Ibinigkas pero nagtitiwala sa kanya ang aking puso.

"Halika na aking binibini" nakangiting wika nito tumango ako "Maari ba kitang hawakan?" napatingin ako sa kanya at agad na umiwas ng tingin

pagkatapos ay tumango  binuhat niya ako para makasakay sa kabayo napayuko ako ng sumakay siya at naramdaman ko siya sa aking likod.

Gustong kong sumandal pero nakakahiya, pakiramdam ko'y ligtas ako sa mga bisig niya.

In The Midst Of The Crowds (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon