PANIMULA

65 7 9
                                    

"Vlad patay na si Rive anong gagawin natin?" nanginginig at takot na sambit ko kay vlad.

"Kahit anong mangyari wag na wag niyong sasagutin kung sino man yung tatawag sa inyo trust me makaka ligtas tayo" pag papa alala niya samin.

Apat na lang kaming natitira dito kase yung iba patay na dahil doon sa kung sino man yung tumatawag sa cellphone.

Pati si mama wala na rin pinatay na rin ng hayop na tao, engkanto, halimaw kung ano man siya napaka hayop niya.

Kringgg* Kringgg* Kringgg*

"Who's phone is ringing?" tanong ni vlad, ito na naman yung tumatawag sino ba talaga kase siya balak ba niya kaming patayin lahat.

"Sa 'kin" sagot ni Ashley kasama ng pag taas ng kaliwang kamay niya.

"Don't answer that kung ayaw mong mamatay" usisa ni vlad.

"What if si mom and dad yung tumatawag?"

"What if yung halimaw na yan?"

"Alam ko sila mom and dad ' to i need to answer this para maka alis na tayo dito"

"Wag mong sasagutin yan"

"Per----"

"Ashley makinig ka sa' kin"

Nagtatalo na sila kaya mas lalo akong kinakabahan.

Nakita ko si Ashley na patagong kinuha yung cellphone niyang naka lagay sa bulsa at tsaka sinagot yung tumatawag.

"Vlad si Ashley!!!!!!" sigaw ko.

"Wagg!"

Hindi na nagawang pigilan ni vlad si ashley kaya wala na rin kaming nagawa kundi mapasapo sa noo.

09463278653 (CALLING) - ONGOINGWhere stories live. Discover now