My Gf Lukring

31 1 0
                                    

Three years na kami ng girlfriend kong si Lukring. At oo, mahal na mahal namin ang isa't isa. Ewan ko, basta ako, seryoso ako sa kanya.

Nasa second year high school kami noong kami'y nagkamabutihan. Niligawan ko sya. Sobrang bait nya kasi- although hindi sya gaanong kagandahan, at hindi din matalino, nabihag parin nya ang puso ko.

Swerteng swerte nga sya sakin dahil bukod sa sobrang kagwapuhan ko, seryoso din ako pagdating sa ganitong klaseng relasyon, hindi katulad ng ibang lalaki na nagbibilang lang ng syota. Yun nga lang, ibinagsak sya ng isa naming teacher dahil pinagselosan sya nito. Haha!

Parehas kami ng kolehiyong pinasukan. Isang state university sa aming probinsya. Ayaw kasi nya na magkalayo kami kaya lumuhod sya sa aking harapan isang gabi habang ako'y nagtatanggal ng aking sinturon (hakhak) at nakiusap sya na sa iisang school nalang kami pumasok. Pumayag naman ako dahil nga mahal na mahal ko sya at seryoso ako sa kanya.

Mataas pa naman sana ang pangarap ko. Gusto ko kasi maging isang astronaut, at sa Amerika lang ako pwedeng mag-aral. Pero isinantabi ko muna iyon alang-alang sa kanya at sa aming relasyon.

Kami nga ngayo'y nasa college na. Syempre habang tumatagal, dumadami at nadadagdagan din yung mga taong makikilala nyo. Ang iba sa kanila'y nagiging bad influence sa iyo; ang iba nama'y mas nakakatulong upang patuloy mong matahak ang matuwid na landas patungo sa iyong mga pangarap.

August noon, pareho kaming walang naka schedule na klase. Tamang-tama dahil icecelebrate namin ang aming ikatatlong anibersaryo bilang magjowa.

Sya talaga ang mahilig sa mga sorpresa kaya sa halip na dalhin ko sya sa mamahaling restaurant kung saan kaming mga ubod ng yaman lang ang nakakaafford pumunta don para sa isang dinner date, kinausap nya ako na magpunta raw sa kanyang maliit na inuupahang condo unit at magdala daw ako ng pagkain. May nakahanda daw syang surprise para sa akin.

Napaisip ako! Naku, baka ipabugbog ako nito. Familiar ba yung eksena? Ganun talaga! Minsan pag gumagawa ka ng kwento, gamitin mo din yung mga eksenang totoong nangyari na sa tunay na buhay.

Gabi na nga noong anniversary namin at pumunta ako sa condo nya. Pagpasok ko palang ng pinto, nakita ko na kaagad sya. Sobrang sexy nya sa kanyang suot at tila inaabangan ako sa aking pagdating.

Pagpasok ko, tila natulala sya nang ako'y kanyang makita. Nakita ko rin kasi sa salamin na sobrang gwapo ko talaga nung gabing iyon. Muntik na nga akong dumugin at paghahalikan nung mga babaeng nakakasalubong ko. Mabuti nalang nakatakbo ako ng mabilis at may kapangyarihan ako.

Pansin na pansin ko sa aking girlfriend na si Lukring na talagang tinititigan nya ako mula ulo hanggang paa.

Mukhang nag-iinit na sya. Napansin ko rin na inilabas nya ang kanyang dila at dahan dahang binasa ang kanyang mga labi. Takam na takam sya habang nakatitig sa akin. Paano ba naman kasi, bitbit ko ang pinaka paborito nyang pagkain. Takam na takam na sya dito.

Tumayo na rin sya at kinuha ang bitbit kong pagkain at inilapag nya sa inihanda nyang mesa kung saan kami kakain at magkekwentuan.

Habang kami'y kumakain, "Luks, ito na ba yung surprise na sinasabi mo sa akin? Di naman masyadong boring ha.", tanong ko sa kanya. LUKS lang ang tawag ko sa kanya, short for Lukring.

Gusto ko syang konsensyahin. Gumastos pa naman ako ng milyones para sa gabi nayon pero mas pinili nyang doon nalang kami sa condo nyang mas malaki pa ata yung banyo ko sa aking bahay.

Na-appreciate ko naman lahat ng effort nya nung gabing iyon kaya hindi ko na sinabi sa kanya na naghanda ako ng enggrandeng dinner date para sa kanya pero hindi natuloy dahil sa pamimilit nya na sa sariling condo nalang kami magdate.

Nang sya nga'y aking tanungin, huminto sya sa pagkain. Tumayo at pumwesto sa aking likuran habang ako'y patuloy paring kumakain.

Mula sa likod, niyakap nya ako. Pahigpit nang pahigpit ang kanyang pagyapos. At ibinulong sa akin, "Mayroong nakafold na papel sa loob ng drawer, may surprise na nakasulat doon. Pero makukuha mo lang yon kapag nakawala ka sa pagkakayakap ko.", at lalo pa nyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at halos di na ako makahinga.

"Aling drawer ba? Puro drawer naman dito sa bahay mo."

"Yung lalagyan ng undergarments ko!", sagot ni Lukring.

"Anong premyo ko pag nakuha ko yong papel?", aking pag-uusisa.

"May nakasulat doon, surprise nga! Kung ano man ang nakasuat doon, gagawin natin agad-agad after mo yun mabasa at bago pa matapos ang gabi na ito.", paliwanag niya.

Hinigpitan pa niya ang yakap. Ginagawa ko naman ang lahat upang makawala, ngunit sa paraang hindi ko sya masasaktan.

Dahil mas malakas ako sa kanya, nakawala ako sa pagkakayapos nya. Dali-dali akong nagtungo sa kanyang kwarto at hinalukay ang kanyang drawers.

Sa wakas ay nakita ko narin ang nakatuping papel. Hindi ko muna iyon binuksan.

Pagbalik ko sa mesa kung saan kami kumakain, nakita ko syang parang nalulungkot.

"Luks ito na ang papel na pinapahanap mo. Nakita ko na pero di ko muna binasa yung nakasulat.", masayang masaya ako pero kabaliktaran naman kay Lukring. "Bakit ba parang bigla kang nalungkot?", dugtong ko pa.

"Basahin mo ang nakasulat!", utos nya sa akin. Pagbukas ko sa papel, nabasa ko ang pagkalaki-laking mga letra at naka Capital Letters pa na "MAG-BREAK NA TAYO!"

Nagulat ako sa nabasa ko. Seryoso ba sya doon? "Ano to? Bakit may ganitong nakasulat? Akala ko....", nagtataka talaga ako at hindi ko na nga natapos ang akin sana'y sasabihin.

"Kasi mas pinili mo yang papel kesa manatili sa piling ko habang kayakap kita!", pagdadrama nya.

Putragis! Ito na nga ba ang ayaw ko sa lahat, ang hinahanapan ako ng mali. Yung taong sila mismo ang gagawa ng paraan para magkamali ka tapos sila pa ang unang manuumbat sayo sa mga pagkakamali at pagkukulang na nagawa mo.

Sinubukan kong magpaliwanag sakl kanya. Malay ko bang ganun ang nakasulat don!

Yung pagkasexy nya sa kanyang suot, yung pagyakap nya ng mahigpit na may kasama pang pagpisil-pisil sa muscles at abs ko, yung papel na kailangang itago sa lalagyan ng underwears, idagdag pa yung sabi nya na kung ano ang nakasulat doon, ay gagawin namin bago matapos ang gabi... Iba talaga yung nasa isip ko ng mga oras na iyon. Kahit sinong lalaki naman siguro, kung ganon na ang pinapakita ng girlfriend nila, malamang ganun din ang gagawin katulad sa ginawa ko.

Sinabi ko rin sa kanya na hindi nya ako dapat hinahanapan ng mali. Wala sana kaming problema kung hindi nya yon ginawa.

Ewan ko lang kung nakinig sya sa mga paliwanag ko, pero pinaalis nalang nya ako sa kanyang bahay. Nang gabing iyon, medyo nawala na ang pagtingin ko sa kanya.

Kinabukasan, pagkagising ko at after maghilamos, sipilyo, shave, etc., log-in muna sa facebook habang nagkakape. Araw-araw ko naman yun ginagawa kasi sa facebook na ako nagbabasa ng latest news.

Halos maibuga ko sa nakadisplay na picture frame ni Lukring sa aking kwarto ang iniinom kong Cafe Blanca nang makita ko ang umabot na sa 100 na notifications ko. Nang i-check ko iyon, puro ' Lukring mentioned you in her comment. ' ang nakalagay.

Hinayupak na lukring yan. Nagdrama pa sa facebook! Yun namang mga jejefriends nya na mga certified bad influence sa kanya,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Man To Be FreeWhere stories live. Discover now