CHAPTER 1

318 32 15
                                    


Hi lovelies,

Thank you for reading this story!

=

Ito na...

Ito na talaga....

Ito na yung oras para sa bagong simula, bagong pag-asa. Hindi na ako papayag na tanggalin ulit sa 'kin yung pagkakataon na 'to. Hindi ko sasayangin ang bagong pagkakataon na ibinigay sa 'kin.

Nakatingin ako sa bulletin board nang may tumawag sa 'kin.

"Calli!" Gulat akong mapatingin sa kanya.

"Hala, Calli! Ikaw nga!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. At dahil sa higpit at init ng yakap nito ay wala akong nagawa kundi ang yakapin rin siya pabalik.

"Anong ginagawa mo dito? Dito ka na rin ngayong school year? Anong room ka? Anong floor?" Sunod-sunod na tanong niya nang bitawan niya 'ko.

"Sana magkaklase tayo, hindi ako makapaniwala na nandito ka na ulit. Sobrang saya ko na nakita kita ngayon," Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang kita naman sa kanyang mukha ang pinaghalong saya at lungkot.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya ngayong nakikita ko siyang halos maiyak na, siguro nga ay masaya siya na makita ako ulit.

"Halika nga dito," Hinila ko siya at niyakap. "Ang dami mong sinasabi," sabi ko, pinapagaan ang sitwasyon.

"Sobrang na-miss kita, Calli." sabi niya pa.

Na-miss din kita, Ari.

Si Ariella ay isa sa mga kaibigan ko simula pa nung bata palang ako at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami. Mas matanda ako sa kanya. Baby palang siya ng makilala ko siya, magkaibigan kasi ang mga magulang namin.

"Kamusta ka naman Ari?" nakangiting tanong ko.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? Bakit Calli? Bakit ka umalis? Bakit bigla kang nawala?" Ang kaninang nakangiti kong mga labi ay wala na. Hindi ko inaasahan na sa unang pagkikita namin ulit ay tatanungin niya ako ngayon tungkol roon.

"Room 303 ako, ikaw ba?" pagbabago ko sa usapan.

Tinitigan niya akong mabuti, alam kong alam niyang ayaw kong pag-usapan 'yon kaya binabago ko ang usapan.

"Okay," pagpayag niya sa nangyayari. "Nandito lang ako, pwede kang magkwento sakin kahit kailan pakikinggan kita," nginitian niya ako.

Alam ko namang nandyan lang siya, sila. Pero hindi pa ko handang magkwento sa kanila ulit.

"Room 303 rin ako at sila Zion. " Dagdag niya pa ngunit bahagyang humina ang boses nito ng banggitin ang pangalan.

Nang marinig at makita ko sa class list namin ang patunay na kaklase ko nga ito ay nagdudulot ito sa akin ng kakaibang pakiramdam.  At kung minamalas ka nga naman. Alam ko naman na, alam ko naman na may pag-asa talagang magkita at magtugma ang landas namin pero ang malaman na ganoon kabilis ito mangyayari ay hindi ko napaghandaan.

Ang tagal na, halos ilang buwan ko rin hindi naririg ang pangalan niya. Ilang buwan ko ring pinaghandaan kung paano ang magiging reaksyon ko, kung paano ang galaw ko, kung paano ko siya haharapin at kakausapin. Ngunit nang dumating ang araw na ito ay sa tingin ko'y hindi ko ito magagawa.

Pilit kong hinawaglit sa puso ko ang tuwang nararamdaman na makikita ko siya ulit. Mali. Hindi 'to tama. Hindi ko dapat' to nararamdaman. Dapat wala na akong marararamdaman para sa kanya. Hindi na dapat siya yung tinitibok nito.

Bahagya akong bumuntong hininga. Nakita kong nilingon pa ako ni Ariella pero hindi ko na lamang ito pinansin.

Nang makarating kami sa room ay dumiretso kaagad ako sa pinakalikod sa sulok katabi ng bintana. Nakita kong pinagtitinginan ako ng iba kong kaklase ngunit hindi ko sila binigyang pansin. Si Ariella naman ay nakita kong nasa harapan at may kausap.

The GapWhere stories live. Discover now