Chapter 00

6 1 0
                                    

Chapter 00

"Odie!"

Hindi ko pinansin kung sinuman ang tumatawag sa pangalan ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa classroom ko. I know, its him. Boses palang niya alam na alam ko na kung sino.

"Odie" bago ako makapasok sa loob ng classroom ko tumigil ako sa paglalakad dahil humarang siya sa harapan ko. Tinignan ko lang siya, mata sa mata.

Pakiramdam ko anytime pwedeng-pwede akong matunaw sa mga titig palang niya ngayon. Ang sarap niyang pagmasdan. Ang hirap magpigil ng kilig lalo na kapag alam kong andyan lang siya, sa harapan ko.

Nakangiti.

Sarap kurutin sa pisngi. Nakakapanggigil.

"Oh! Uno, ikaw pala yan.." sabi ko. Saka ako ngumiti ng bahagya.

Alam ko naman kung bakit niya ako nilapitan. Ayaw ko mang aminin pero nahihirapan ako nang sobra. Ang hirap nang may itinatago sa isang tao. Lalo na sa taong alam mong pinagkakatiwalaan ka.

We're not friends.

Pero boyfriend ko siya. Ang masakit doon, ako lang ang may alam. He doesn't know anything. He doesn't have any idea na, gusto ko siya, na mahal ko siya. Wala. Wala siyang alam.

"May sasabihin kaba..baka maunahan ako ng upuan eh"

"Can you ask her again to meet me this coming Saturday, please?" here we go again. "I really want to see her badly"

'But, how? She didn't even know who you are.' Gustong-gusto kong sabihin to sakanya. He likes my cousin. Weina Sanchez.

Or should I say na mahal na niya pala?

He knew na girlfriend niya si Weina. But in the reality, she didn't even know him. She didn't know na, may Uno pala na nageexist sa mundo.

"I'll try but.. I can't promise you anything" he nodded. Na para bang sinusubukan niyang intindihin ang mga sinasabi ko sakanya.

Every Friday, lagi niya akong pinupuntahan sa classroom ko para lang makiusap, hindi ko naman kayang ibigay ang hinihingi niya sa akin. Ang hirap kasi. Pag-amin nga hindi ko magawa, ang pagkikita pa kaya nila?

But I can't blame him. This is my fault. All my fault!

"I gotta go..see you around" tumango lang at saka ngumiti. 

Sana balang araw makilala niya rin ako.

Hindi bilang si Odie.

Kundi si 'Eina' na girlfriend niya.
---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

yes, JUST ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon