Friend Zoned

7 0 0
                                    

Have you fallen in love with your bestfriend?
Ako kasi oo....

Marami ang nagsasabing hindi talaga pwede ang two opposite sex na maging bestfriend dahil ang isang Adan at Eba ay dapat magkapares habang buhay. Mag-asawa at hindi magkaibigan. I was once a girl who eagerly wanted to proove others that they are wrong. Na iba kami ng besfriend kong si Leo. But it turns out, i, Carissa Haboc was the one who is badly smitten to my bestfriend. Leo Capuyan.
                                                ------------

"Bes, kailan ka mag-aasawa?"  tanong ni Leo sakin.

"Wala nga akong jowa, asawa pa kaya? "  natatawang sagot ko sa kanya. NBSB. Iyan ako. May mga manliligaw pero walang nagkakatagal. Bakit? Hindi dahil sa ayoko, o mataas ang standards ko. Pero dahil sa bestfriend kong baliw at OA masyado.

---Flashback---
way back in high school..

"Ah, C- Carissa! P-pwede bang m-manligaw s-sayo?"   uutal-uttanong ni Den sakin.

Don't get me wrong ha. Walang speaking disorder si Den pero uutal -utal kung magsalita. Who wouldn't kung ang katabi ko ay ang bespren kong hindi ma drawing ang mukha at may dalang itak. As in itak talaga!

"Kaya mo bang buhayin itong babaeng toh? May ipapakain ka ba sa kanya? Kaya mo ba siyang panindigan kung mabuntis mo siya? Kaya mo bang alagaan siya ng higit sa sakin? Ano? SAGOT!"    ma awtoridad na tanong ni Leo .

Bahagyang napapaatras naman si Den sa bawat salitang binibitawan ng bestfriend ko. Ikaw ba naman duruin ng itak,hindi ka ba aatras? Tagaktak pa ang pawis ni Den. Hayy. Kawawang nilalang.

"Ah, C-Carissa. Una na lang muna ako,ah. S-sa susunod na lang tayo mag-usap. Bye. "   tarantang saad ni Den at agad na kumaripas ng takbo.

"Aba! Duwag naman pala yung manliligaw mo eh. Ako pa nga lang nakakaharap atras na, pano na lang kaya kung sima tito na ang kaharap nun? Buti nga di mo sinagot!"   pailing-iling na saad ni Leo. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sino bang hindi matatakot? Ikaw kaya duru-duruin ng itak, gagayak ka pa? As IN, ITAK talaga ,bes ! Kaya di ako nagkaka-jowa,eh. Sobrang strict mo!"   nakabusangot kong sabi sa kanya na ikinanoot ng noo niya at matalim akong tiningnan.

"Nagrereklamo ka? Bespren, maraming masasamang lalaki ngayon! Halos lahat di mapagkakatiwalaan. Para sayo naman itong ginagawa ko eh. "  saad niya sabay pat sa ulo ko.

"Eh, pa'no pag di ako magka asawa kakabakod mo? Sino mag-aalaga sakin kung sakali? Ayokong mag-isa lang ako pag tumanda na ako."  

"Nandito naman ako,eh. Kailan ba kita pinabayaan? " 

"Bakit? Di ka ba mag-aasawa? Kabi-kabila nga babae mo eh. Eh ako? Kahit manliligaw wala na dahil tinakot mo!"   sigaw ko sa kanya. Swerte kasi niya siya ang hinahabol ng mga babae. Aminado nman akong gwapo talaga ang ugok na toh  at gentleman. Kaya pano ako kung sakaling mag-asawa na siya?

"Hindi naman magbabago yung pagkakaibigan natin kahit may sariling pamilya na ako. Syempre nadun parin ako sa tabi mo!"    malumanay niyang tugon

"Yun na nga ang point! May sarili ka nang pamilya, at ako? Dagdag alalahanin, palamunin? Yoko nun!" 

"Edi,hindi ako magpapakasal hanggat di ka pa nagkakajowa! Problema ba yun?"

"Sabi mo yan,ah! "   naka pout pa ako

"Oo, pero bespren. Remember our rule ha. Don't fall for me."  mahina na ang pagkakasabi niya nung sa dulo pero tama lang na marinig ko saka ko siniksik ang sarili ko sa dibdib niya.

  
---Present----

Alam kong hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. And now, nakikinig na lamang ako sa mga plano niyang mag propose sa long time love niya. Saklap diba!

I kept on giving him hints about sa nararamdaman ko pero whenever i tried to open up the topic, iniiba naman niya ang usapan. So i decided to keep it for myself. Wala pa rin akong jowa dahil gusto ko, ang bestfriend ko ang magiging una ko. Di bale nang mamatay ng walang asawa. Tanggap ko na yun. Okay na ako. Masaya na bestfriend ko eh.

Pumunta si Leo sa harap ng entablado at kinuha ang mic. Nandito kami sa isang malaking restaurant kung saan niya gagawin ang confession niya. Clueles kaming lahat kung sino ang mystery girl or ako lang ba ang mas piniling hindi alamin kung sino siya. Hindi ako magpapaka ipokrita at sabihing hindi ako nasasaktan but i choose to face the reality dahil dun masaya ang Bestfriend ko. Ang kaisa-isang lalaking minahal ko.

"You might be wondering kung ano ang okasyon ngayon. It's no one's birthday or any anniversary. But today, i will finally confess to my one and only love."  panimula niya saka bumaling sa direkyon ko.

"You we're always there for me through hardships and happiness. Ikaw ang tanging taong nagparamdam sakin nitong strange feeling na ito. Ikaw ang naging witness sa mga napagdaanan ko. At ikaw ang tumanggap sakin ng buo. "   he said while staring at my side. Pumikit na lang ako para mapigilan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko hoping na sana, sa akin niya sinasabi ang mga katagang ito.

"Carissa, my bestfriend! Alam kong masyado kitang binabakuran sa mga manliligaw mo higit pa sa tatay mo. Sinabi ko rin sayo na 'don't fall for me' . Ang gago ko noh. Pero ako mismo ang bumali ng katagang iyon. I was the one who fell in love. "   bumaba siya sa stage at lumapit sa akin. Pool of tears was falling from my eyes. Very surprised upon heaing his words. Mas nabigla ako nang lumuhod siya sa harap ko.

"L-leo.." the only words that i can only utter as of the moment.

"Bes, i love you! Diba sabi ko, sasamahan kita hanggang sa pagtanda natin? Now, i want to give you the assurance . Carissa Haboc, my bestfriend since birth. Will you be my wife and spend the rest of your life with me? "    naluluhang tanong niya.

"Y-yes. YES! "  tanging tugon ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Don ko na ibinuhos lahat ng luha ko. Still too shocked from what happened.

Ang dating pangarap ko, natupad sa araw na pinaka ayaw ko sanang dumating. Ang dating bestfriend ko, ngayon ay nag propose na sa akin. Tama nga sila. Ang isang Adan at Eba ay dapat na mag-asawa.Hindi magkaibigan.

"I love you!"  saad niya as he cupped my face.

"I love you more! "   tanging tugon ko and he captured my lips. My very first kiss.

The end!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend Zoned (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon