Kabanata 1: Para-paraan

8 0 0
                                    

MAG-ISA na naman ako sa bahay, sanay naman na din ako kaya hindi na talaga bago sakin. Since ganito naman pa lagi ang routine ko araw-araw. Kakagraduate ko lang bilang senior highschool student sa isang public school dito samin sa Barangay Nara, Santo Tomas. At ibig sabihin nyan nakatingga ako dito sa bahay ngayon. Naka upo sa kahoy na upuan habang nakatingin sa labas ng bahay namin. Nakita ko pa sa Ine ang kapitbahay at kababata ko na dating kaibigan ko nag naglalako ng panindang ulam na gulay. Isa kami sa mga suki nya pero ngayong araw hindi ko bibili naalala ko na naman kasi noong isang araw umamin sya sakin thru text na ako daw talaga ang crush nya at matagal na daw iyon. Sa umpisa hindi ako naniwala sa isip ko nun baka joke nya lang o ginogood time lang nya ako kaya mga ilang minuto pa ang inantay ko na mag text ulit sya sakkin at sabihing joke lang pero wala akong na received na text kaya doon ako nakumbinsi na tlagang totoo pala talaga. Simula nun naging awkward na kami sa isa't-isa sinasabi nya pa nung nagkita kami na biro lang daw yun. Pero kung talagang biro lang talaga yun bat awkward na din sya skain? at bat nyna ako binigyan ng bulaklak na pinitas nya lang sa tabi? at bakit hindi nya na din ako pinapansin mag mula nun? Dati pa talaga sinasabi na ng ilan naming kalaro na lesbian daw talaga sa Ine at ako daw ang crush nya pero hind ako naniwala kasi para sakini baka normal lang talaga na boyish sya manamit at kumilos kasi may mga ganung babae naman talaga diba? Pero napagtagpi-tagpi ko din ang mga pangyayari. Tulad ng hindi nya pagsasabi kung sino ang crush nya at iyung laging paninira nya sa crush ko. Tuwing nagkukwento kasi ako tungkol kay Wyatt marami syang nasasabing mga masasamang salita o kaya pasaring sa binata. Pero hindi ko nalang lang naman pinapansin yun kasi baka protectiver lang talaga sya? Pero siguro minsan may nasesense akong kakaiba sa kannya pero ipinagbwawalang bahala ko lang iyon kasi ayokong maging judgemental.

Nakakalungkot lang kasi nawalan ako ng isang tunay na kaibigan at sa tingin ko mahirap na ding ibalik yung dati naming pagsasama. Masyado pa kaming mga bata nung panahon na yun kaya siguro we both don't know how to handle and to deal with that kind of situation. We were both still immature. I was 14 and she was 15 both young and immature indeed. Four years na din pala ang lumipas sumila nun.

"Haysss" napabuntong hininga na lamang ako habang nakamasid sa kanya. Hindi nya din ako napansin. Siguro masyado syang focus sa paglalako at sobrang tirik din ng araw.

Kakatapos ko lang din maglinis ng bahay at maligo. Sinasadya ko talagang maagang maglinis sa bahay pati sa may bakuran namin. Dahil sa tuwing sasapit ang alas sais at alas syete dagsa ang mag tao dito sa tapat ng bahay boys to be exact. May maliit na basketball court kasi dito sa harap ng bahay namin at kung minmalas ka nga naman tapat na tapat pa talaga sa bahay namin. Madalas silang nagpapractice ng maaga dito may iba ding dumadayo pa dito galing iba't-ibang baranggay para makapag laro. Tuwing bakasyon kasi may pa leaga ng basketball dito sa barangay namin. And I hate it nakakahiyang lumabas labas dito kasi puro lalaki sila naka topless pa some of them always calls me or kaya sa tuwing may mga babaeng napapadaanan nagpapa cute pa lagi akala mo naman cute hmp! Ayoko talaga ng ganun nakakahiya at I always feel uncomfortable. Nakakainis they should have mind their own business hindi yung magtatawag ng mmagtatawag gusto ko lang naman ng tahimik!

Kumain at nagbasa lang ako ng pocketbook na hiniram ko pa sa kiapitnbahay namin. Hindi ko kasi afford bumuli ng libro kaya hanggang hiram hiram nalang muna ako. Time will come na I could buy items without looking for its price tag. Just wait for it. Mga bandang Alas tres nagsimula na akong magsaing ng kanin at magluto ng ulam. Mga bandang Alas sais ng magsimulang magsidagsaan ang mga tao sa tapat ng bahay at dito sa may court bale nakapaloob kasi ang basketball court sa isang maliit na mini park dito kaya marami-rami din ang dumayo.

Medjo dumidilim na din siguro ganito talaga sa probinsya mabilis gumabi. Andito pa din ako sa may bintana namin nakamasid sa labas. heavily tented naman ang sliding window namin kaya hindi ako kita sa labas. Hindi ako pwedeng lumabas baka maabutan ako ni Mama. Isa pa naman sa pinaka ayawa nya ang lumabas ako kaya hanggang dito lang talaga ako. Ayoko din namang mapahiya sa labas at mas pabor naman sakin ang ganitong set up mas nakakapag isip at nakakapag muni-muni ako. Maingay na sa labas at ang ibang mga kababaihan, kabaklaan at pati mga nanay nagsisigawan na sa labas kanya-kanyang cheer sa napusuang team. Pero one thing that caught my attention.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENIGMATIC||WYATT ZACHARIAS MENTIGORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon