Musmos pa lamang nang aking masilayan
Mundo'y tila librong aking kinukulayan
Iba't ibang kulay sa mata'y nagtitingkaran
Nakikita ko'y lubos na kaligayahanBughaw at dilaw kulay ng kalangitan
Panibagong araw ng kasiyahan
Berdeng punong may duyan
Nababalot ng halakhakanSa pagtanda'y aking nakilala
Kadiliman ng itim na tinta
Kulay ay hindi lang pala saya ang ipakikita
Pait ng buhay unti-unting ipinintaMaliwanag na buhay ng bata'y nabago
Nang utay-utay, sumukob ang abo
Ngiti'y napalitan ng busangot na nguso
Pintor 'di maipinta ang mula sa pusoPinilit burahin kulay ng kalungkutan
Subalit, bakit ito'y pilit nasisilayan?
Sumilim lamang, pero di natakpan
Marahil, pintura'y kulang at dapat dagdaganHindi maipilit, dilim ay takpan
Kaya't itong pintor pinilit simulan
Panibagong obrang sisilayan
Tila simula ng kinabukasanKurba sa labi'y muling sumilay
Sa panibagong obra ng kanyang mga kamay
Muling nasilayan matingkad na kulay
Ito na nga tunay na kulay ng buhay