Prologue

4 1 0
                                    


PROLOGUE

"La nandito na ho ako." 

Nakapagtataka dahil wala sila Lola dito sa sala kung saan sila madalas mag bonding ni Lolo at ni Calix, ang bunso kong kapatid na ngayon ay nasa ika-huling baitang na niya sa kaniyang high school.

Napailing na lamang ako ng marinig ko ang mga impit na tawanan nila hindi kalayuan. Mukhang nasa garden sila dahil hindi na gaanong mainit ngayon ang sinag ng araw dahil papalubog na rin naman ito.

Ibinaba ko muna ang mga gamit at bag ko sa sofa tsaka ako dumiretso doon.

"Cali, apo, narito ka na pala." bati sa akin ni Lolo nung matanaw niya akong papalit kaya napatingin na silang lahat sa akin.

Nakita ko na narito rin pala si kuya Calvin, katabi niya si Xia, ang babaeng nililigawan ni kuya.

Ngumiti ako sa kanila at hinalikan ko sa pisngi si Lolo at Lola at pati na rin ang mga kapatid ko.

"Ano hong meron La at parang busy kayo?" napansin ko kasi ang mga iba't-ibang albums na nasa mesa.

"Cali, next month na ang birthday ng lola mo at ang 60th Anniversay namin. Alam kong alam mo na iyon kaya nga at isinama ng kuya mo si Xia para dalawa kayong makapagbibigay ng opinyon sa gaganaping party para sa amin." napangiti at napatango ako ng maalala na next month na nga pala iyon.

Napakabilis talaga ng panahon. Tila hindi mo malaman kung paano ka nga ba makasasabay sa agos nito na tila nakakatakot ang mga madaraanan at makakasalubong mo sa pagsabay rito. Mabilis ang panahon kaya't sa mundong ito walang sigurado.

"At oo nga pala Cali," napalingon naman ako kay Lola nang magsalita siya. "Naimbitahan ko na rin si--"

Hindi na natuloy ni Lola ang sasabihin niya ng may magsalita sa likuran ko. I shivered when I heard his voice, his voice that I used to love.

"Goodafternoon Lolo, Lola." banggit ng boses sa likuran ko dahil hanggang ngayon ay napako pa rin ako sa kinatatayuan ko.

Napatingin na lamang ako kay kuya ng masama dahil alam naman niya. Ngunit nagkibit balikat na lamang siya, pahiwatig na hindi niya rin alam na darating ang bisita.

Tumayo sila kuya para batiin siya. Gumilid na lamang ako ng medyo nakahinga na ako ng malueag dahil hindi naman siya lumingon sa gawi ko, pero alam kong alam niya na nandito ako.

"Upo ka Landon! Nako bata ka, binatang binata ka na talaga apo! Halika at saluhan mo kami sa meryenda." si Lola at pinaupo niya si Landon sa tabi niya.

Rectangular kasi ang mesa dito sa garden. Nasa dulong upuan si Lolo, nasa kanan naman niya si Lola na ngayon ay katabi na ni Landon, sa tabi niya naman ay si Calix. Sa kaliwang banda naman ay si Kuya at si Xia.

"Cali apo maupo ka na, ayy nako bata ka naka-uniporme ka pa pala't di ka muna nagbihis. Siya sige magpalit ka muna at hihintayin ka namin." nakangiting sabi ni Lola kaya naman napatingin na silang lahat sa akin maliban kay Landon na seryoso ang mukha.

Tumango na ako kay Lola at tumalikod na kaagad dahil hindi ko na kinakaya ang kakapusan ng hininga ko sa mga nangyayari. Bakit nandito siya? Ilang taon naman na siyang hindi nagpapakita kila Lola ah? Bakit ngayon nandirito siya at parang walang nangyari?

Kinuha ko ang mga gamit na iniwan ko sa sofa at saka ako umakyat sa hagdan. Nasa pang apat na baitang na ako ng mga biglang humawak sa braso ko kaya nagulat ako at naiwaglit kaagad ito.

Pagharap ko ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si Landon. Wearing his white plain shirt, maong pants and a sandals that reveals his clean and shiny nails.

Napatingin ulit ako sa mukha niya ng tumikhim siya.

"Done checking me out?" mula sa seryosong mukha ay ang ngisi niya kaya napabalik ako sa realidad at agad bumakas ang iritasyon sa mukha ko kaya't nawala agad ang ngisi niya.

"What do you need? Talagang sumunod ka pa ha?" pagtataray ko kaya't nariyan nanaman yung ngisi niya. His eyes were still sharp gaya ng expression niya mula nung dumating siya.

"I will be hanging around with your family this coming days. I hope you won't mind, Calista." tumaas ang mga balahibo ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko.

Sinamaan ko siya ng tingin para hindi niya makita na naapektuhan ako sa sinabi niya.

Humalukipkip ako at hinarap siya kaya napatingin siya sa braso ko or... what the hell!!?

"Anong tinitingnan mo diyan!? Hoy ikaw! Umalis ka na nga sa harapan ko at oo! Wala talaga akong pakialam kahit dito ka pa manirahan sa pamamahay ko! Jerk!" inirapan ko siya tsaka ako nagmadaling umakyat sa kwarto ko.

Naiirita talaga ako sa presensiya niya! At hindi ko talaga maintindihan kung bakit inimbita pa siya nila Lola!

Napaupo na lang ako sa edge ng kamay sabay higa at titig sa kisame.

It's been years pero hindi ko pa rin makalimutan lahat. Why we ended up like the other failed relationships in the world.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko ng maalala ko lahat kaya agad kong pinunasan to.

"Stupid! Wag kang umiyak Cali! Si Landon lang iyan! He's still that jerk 2 years ago! Kalimutan mo na yun!" mukha na akong baliw na kaaway ang sarili ko dito sa kwarto ko.

I don't want it to happen again, I will never let that happen again. I will never let anyone hurt me again like I was some trash in the sreet. Ibang Cali na ngayon ang nasa realidad na ito.

Napatingin ako sa white roses na nakapatong sa study table ko na nasa vase. Medyo lanta na rin ito. Napako naman ang tingin ko sa sulok ng kwarto ko kung nasaan ang isang itim na gitara.

Tumayo ako at tinitigan iyon saka nanumbalik ulit lahat ng sakit na nangyari sa buhay ko. Makinis pa rin ito at maayos, maganda pa rin tingnan ang white roses na naka-paint dito.

Huminga ako ng malalim at saka ito kinuha para itabi sa lalagyanan nito saka ko ito ipinasok sa closet ko.

Memories like that should be buried, or else it will bury you with loneliness.

...............

missbonjvi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strum of RosesWhere stories live. Discover now