Lily Jamira Mondejar
Laking pasasalamat ko at hindi kami nabuko ni Zyrus patungkol sa fake pregnancy ko. Minsan na lang nga ako gagawa ng kagagahan ay ganitong sitwasyon pa.
I watched them now. Masayang nagkukwentuhan sina Zyrus at Daddy kasama ang dalawa kong kapatid. Nakikisali rin si Mommy, at this point ay puno na lamang kami ng tawanan. Napakasaya ko na kaagad na nakasundo ni Zyrus and parents ko at mga kapatid ko.
"Next week po ang ang uwi nila Mommy at Tito Bernardo dito sa Pilipinas," sabi ni Zyrus.
Napatango naman si Daddy. Pinag-uusapan kasi nila ang patungkol sa pamamanhikan. Naramdaman ko na hinigpitan ni Zyrus ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti.
Hindi ko akalain na nangyayari ang lahat ng ito sa mga oras na ito.
Natapos ang dinner namin. Nasa labas na kami ng resto nang ipagpaalam ako ni Zyrus kila Daddy kung maaari niya raw ba ako makasama ngayong gabi at siya na lang daw ang mag-uuwi sa akin mamaya.
Pumayag si Daddy kaya labis muli ang tuwa niya, maging ako. Napakasaya na finally ay welcome na si Zyrus sa pamilya ko. Sana nga ay hindi ito panaginip.
Dahil kung sakali man na panaginip ito ay ayoko nang gumising pa.
Sumakay sa sasasakyan sila Daddy at tuluyan nang umalis. Kami na lamang ni Zyrus ang naiwan sa labas ng resto. Yumakap ako sa braso niya at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Hintay lang tayo saglit, Mira. Pinakuha ko kasi ang sasakyan ko sa assistant ko. Hindi ko nadala dahil—you know?—Aria's thing a while ago," he said.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. "It's okay. Ikaw nga, hinintay ko nang kay tagal, sasakyan mo pa kaya," banat ko.
We both chuckled.
"I think napakarami talaga natin pag-uusapan," he said, then winked at me.
Pakiramdam ko ay nagkulay-kamatis na ang pisngi ko sa pagkapula. Alam ko naman na patungkol iyon sa pagpapanggap ko na buntis.
Mga ilang sandali pa nga ang lumipas ay dumating na ang sasakyan ni Zyrus. Lumabas mula roon ang assistant niya at iniabot sa kanya ang car key.
"Kay Aria ka sumabay pagkasara nila nitong resto. Naibilin na kita sa kanya," sabi ni Zyrus sa assistant niya. Tumango ito bilang tugon at nagpasalamat.
Iginiya naman ako ni Zyrus papasok ng sasakyan niya. Pagsakay niya sa driver's seat ay kaagad niyang pinaandar iyon. He held my left hand while he drove. Pero naka-focus pa rin siya sa daan.
I had no idea kung saan kami pupunta. Pero kung saan man 'yon ay handa akong sumama, basta't kasama ko siya.
"I love you, my Mira. I really appreciate that you had to pretend pregnant just to fight for us," he said at mabilis na hinalikan ang kamay ko.
Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay niya. "Gagawin ko lahat para sa 'ting dalawa, Zel... mahal na mahal kita," I said with genuine smiles.
"I'm really hoping that this is not a dream."
Pareho pala ang nasa isipan namin.
"Me, too."
"Pero kahit hindi mangyari ito ay ipaglalaban pa rin kita. Noong akala ko na ipakakasal ka kay Pierre? Huh! I will do everything upang hindi 'yon mangyari kung sakali," he said.
Natawa ako. Naalala ko kung paano iyong pinlano ni Kuya Tyler at ni Aria kanina. Hindi ko na lang sila tinutulan dahil mukhang gagana naman ang ideya na iyon. At hindi nga ako nagkamali.
![](https://img.wattpad.com/cover/162003723-288-k522790.jpg)
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...