May dulo pala ang langit
Mga mata ko'y pilit kong pinipikit
Para malimutan ang mga alaalang puno ng pait
Hindi naman ako pangit
Sa oras ko'y lagi ka namang sinisingit
Ngunit bakit nagawa mo paring ipagpalit
Ang isang taon natin para sa isang gabi kasama ang mga babaeng nang-aakit?
Ganyan ka ba talaga kalupit?May dulo pala ang langit
Ulo ko'y lagi mo nalang pinapainit
'Di ko na namalayang may mga luha na palang gumuguhit
Pakiusap, saaki'y wag ka munang lumapit
At baka leeg mo'y aking mapilipitMay dulo pala ang langit
Anong gayuma ba ang iyong gamit
At kahit paulit-ulit
Mong iparamdam sakin ang sakit
Ay hindi parin kita magawang ipagpalit?May dulo pala ang langit
'Di mo lang alam ang aking sinapit
Gabi-gabi kitang kinukulit
Tinatanong kung bakit bigla nalang nawala ang iyong kapit
Ngayon ang puso ko'y puno ng poot at galit
Hindi ko na alam kung kaya ko pabang magmahal ulitMay dulo pala ang langit
Pagmamahalan natin ay hindi ko na ipipilit
Ito na ang aking huling hirit
Maaari ka bang mayakap nang mahigpit
Kahit isang saglit?