CHAPTER 2

6 0 0
                                    

kinabukasan ..

"franzy ija .. alagaan mo tong anak ko ahh ? at tsaka yung plano mo , sana matupad yun *wink*" sabi ni mama kay franz. ano yung sinasabi ni mama kay franz ??

"uy uy .. anong yung ibig sabihin ng wink-wink mong ganyan ma ??" tanong ko naman. curious ako eh bakit ba ?

"ahh ehh .. w-wala anak . ano lang yun....ahh...ano.." sabi ni mama sabay kamot sa ulo. waahh mama may kuto ka ?! pero di nga bat parang utal na utal ang mudra ko ngayon ? anong meron ?!

"STYLE !" sigaw ni papa. nakakagulat si papa ahh ! makasigaw parang nakakita ng daga eh ! tss

"Oo nga ! STYLE ! YUN NGA ANAK STYLE ! di ba style yun franz ?" ano ba naman yan ?! ang wierd ni mama ! ano ba nasinghot nito ngayon ?!

"ahehe .. Oo nga style" sabi ni franz. isa din to eh ang wierd ! patayin ko to eh ..

"oh sya .. sya ! gumora na kayo para naman di na kayo maabutan ng gabi sa daan" pagpapaalis ni papa sa amin ni . HANUNGAULIT ?! GUMORA ?! totoo si papa ang nagsabi non ?! sheyts !

o.O kami yan ..

"oh bakit ?" takang tanong ni papa. nagulat kasi kami sa sinabi ni papa GUMORA ?! seriously ?!

"papa anong nasinghot mo ??" tanong ni kuya kay papa. nasa gilid ko lang kasi sya nakikipaglandian sa bestfriend kong bruha ! M.U sila okay ?!

"Oo nga honey ?! san mo napulot yang GUMORA ha ?!" dagdag naman na tanong ni mama

"ha ? ehh narinig ko lang don sa isang employee natin sa kompanya. yun palagi ang sinasabi nila eh .. bakit ba ? ano namang mali don ?" tanong ni papa. haayy ! halatang walang alam si papa ! tsk .. siguro si george ay esti ! georgenia pala hehe. nanaman ang nagpauso ng salitang yun. papa naman eh !

"tito .. kasi ano .. yung mga ganyang salita po pang beki lang po yun .. di po kasi bagay sainyo hehe " sabi naman ni franz

"ay ganun ba ?! kong sa bagay kay george ko lang naman naririnig yun .. oh sya sige umalis na kayo at baka maabutan pa kayo ng dilim sa daan" sabi naman ni papa. sabi na eh si george ang pasimuno !

"sige po tito at tita , salamat po talaga ^_^ don't worry i'll take care of your one and only daughter !" sabi ni franz sabay salute ! tss .. engot naman ng babaeng to !

"eh ako kaya ?? when will you take care of my heart ??" hirit naman ng kuya kong unggoy hehe. Joke ! ang gwapo kaya ng kuya ko ! magaganda't gwapo ang mga lahi namin noh !

"ayiiee ! magligawan na kasi ! may M.U - M.U pang nalalaman eh ! " asar ko naman. kahit ganyan ka arte at conyo minsan ang bestfriend ko ay botong-boto ako sa kanya para sa kuya kong may topak ! hehe

"ihh .. kainis ka !" sabay palo ni franz sa braso ng kuya ko. asuus namumula na oh ! naman kasi ang pag-ibig eh ! nakakakamatis ng pisngi .. uy na experience ko na yan nung kami pa ni - AY EWAN !

"oh sya sige na .. tayo na alis na tayo ! baka maubos na ako ng langgam sa ka sweetan nyo !" sabi ko naman sabay alis sa harapan nila. nakikisingit na kasi sa paglalandian si papa at mama. maglampungan ba naman sa harap namin ? YUCKS ! KAUMAY !

"sige bye tito at tita , alis na kami louie" paalam ni franz sa kanila. akmang aalis na si franz nag bigla syang hinila ni kuya sa braso at hinalikan sa cheeks ! OKAY USO PDA SA CRUZ RESIDENCE ! ako na bitter ! wala ako lovelife eh bakit ba ?!!

haayys kainis naman ! akala ko pa naman mapapanindigan ko ang 'AYOKO NGA SABI EH ! TAPOS !' ko kahapon sa cafeteria ! yun naman pala hindi .. takutin ba naman ako ni mama na e ka cut ang ALLOWANCE ko for 1month ?! kong hindi ako sumama sa outing nato .. eh di buto't balat na ako non pagnagkataon ! at tsaka 3days and 2nights lang naman kami sa outing na yun eh.

"oh bakit ka ngiti ng ngiti dyan ha ?" tanong ko naman sa katabi kong muntimang sa kakangiti. punitin ko bibig nito eh !

"iihh .. kainis kasi ang kuya mo eh ! hinalikan ako " sabi niya sabay hawak sa pisnging hinalikan ni kuya.

"asuus .. tumigil ka nga dyan ! buhusan ko ng alcohol yang pisngi mo eh !" sabi ko naman

"to naman ! kahit kailan talaga ang bitter mo sa pagiging M.U namin ng kuya mo !" sabi nya sabay cross-arms ! tss .. andito na pala kami sa loob ng kotse ni franz. hindi si franz ang nagdadrive kundi si manong Eddie yung personal driver ng kapatid nyang si frances .. 15 years old pa kasi yun kaya bawal pang magdrive pero may sarili ng kotse yun. oh di ba ? astig ! ako wala akong kotse eh .. ayoko kasing magkaron ng kotse ngayon , gusto ko yung may sariling trabaho na ako para cool !

"uy bakit nga ba si manong eddie yung pinagdrive mo ngayon ? malayo ba yung pupuntahan natin ?" tanong ko naman.

"hmp .. medyo pero kasi magcocomute lang tayo papunta don sa destination natin para mas ma feel natin yung essence ng outing , alam mo yung sasakay tayo ng train tapos kasama natin yung mga friends ko na magiging friends mo din ! ANG SAYA NON !" masaya nyang sabi. ahh okay ?

"ahh .. ganun ba ? teka nga matanong ko lang , bakit ayaw nyo pang magligawan ni kuya ? PDA kayo ng PDA , e M.U lang naman kayo !" tanong ko sa kanya. agad naman syang namula. nakuu naman talaga mga kabataan ngayon ! hehe.

"e kasi sabi ni louie , papatapusin nya pa raw ako ng college bago niya ako ligawan .. gusto nya kasi yung serious relationship" sabi nya. kung sa bagay mature na ang kuya ko 3years ang gap nya samin ni franz. sya nga yung right hand ni papa sa kompanya eh. matalino at mabait ang kuya ko , idol ko yun eh. nagtapos sya ng BUSINESS AD. para matulungan niya si papa sa pagpapatakbo ng kompanya namin , hindi sya pinilit ni papa at mama gusto din naman nya ang trabaho nya. pangarap nya kaya noon ang makapahgrabaho sa kompanya namin.

"ahh kung sa bagay may point si kuya. alam mo franz botong-boto talaga ako sayo para sa kuya ko , hindi dahil sa bestfriend kita kundi ikaw yung nakitaan ko ng katangian na makapagpapasaya sa kuya ko " seryoso kong sabi. napatingin naman sya sakin na may ngiti. alam nya naman yun simula nung nagustuhan sya ng kuya ko.

"salamat talaga louise ahh .. promise ! i won't do anything stupid para saktan ang iyong big bro ^_^" sabi nya with matching raise right hand pa just to show her promise !

"tange ! alam ko naman hindi nyo sasaktan ang isa't isa eh" sabi ko na may kasamang lungkot. naaalala ko nanaman kasi eh.

"louise ? anong problema ?" tanong ni franz. nahalata nya ata. nakuu !

"ahh ehh wala he-he" sabi ko sabay pilit kong ngiti sa kanya

"reminiscing of lay ?" tanong niya

"hooy ! wag ka nga magsabi ng badwords dyan !" sabi ko naman. para kasi sakin isa na sa pinakagrabing badwords  na ang pangalan niya. sabihin nyo nang bitter ako , pero di nyo naman ata ako masisi NASAKTAN AKO EH ! AT AAMININ KO NASASAKTAN PARIN AKO HANGGANG NGAYON DAHIL SA KANYA ! kahit 3 years na ang nakalipas ..

"tsk tsk tsk .. alam mo louise wala ka namang mapapala eh kong ganyan ka ng ganyan ! kong ako sayo mag MOVE-ON KANA ! at tsaka kalimutan mo na yung past .. try to face up the future ! " sabi ni franz sakin

"pero kasi ano .. nasasaktan parin ako eh .. ewan ko pero parang ang hirap gawin ang sinasabi mo" sabi ko. agad naman akong tumingin sa bintana. aysst .. bakit ba kasi ang hirap mag move on ?!

"bakit ? mahal mo pa ba ?" tanong nya naman na agad akong napalingon sa kanya. MAHAL KO PA BA ??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHAPTER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon