Page 12

1 0 0
                                    

" You what?! "

I knew it, iyan talaga ang magiging reaksyon niya. Natawa naman si Viv habang hinahagod-hagod ang walong buwang tiyan nito. I can almost compare Viv to Novah, iyon lang, hindi gaanong ka brat itong si Vivienne kumpara kay Novah.

" You heard it right, Novah is already engaged to me. " I repeated.

Mas napangaga ito sa aking harapan at naglakad ng pabalik balik. Kinagat nito ang daliri nito, tila kinakabahan at hindi makapaniwala sa ginawa ko.

" Masyado naman atang madali, Stellan? " si Vivienne.

" Oo nga! Tingnan mo nga ang sitwasyon niya ngayon! Hindi pa nga maayos ayos ang relasyon niya kela Tita Cristy at ang kanina mo pang sinabi, ang pagpaimbistiga mo sa Valentinong iyon na kapatid ni Valentina! Mga kampon ni satanas! " si Paolo.

I chuckled at that. Naaaliw lang ako habang nakatingin sa nag hihisteryang kaibigan. Natatawa nalang din si Novah habang nakatingin sa fiancee niya.

" Magagawan ko ng paraan ang mga iyan, Paolo. Huwag ka nang maging O.A. diyan. "

Umiling nalang ito at naupo sa tabi ni Viv. Pinulupot nito ang braso sa kanyang beywang at hininto ang kamay na nakapatong sa tiyan nito.

" Ewan ko nalang sayo. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. At pwede ba? Huwag ka nang makisabay sa taong gusto naming magpakasal ni Vivienne. Baka masukob pa. "

Napahagalpak ako ng tawa. Sumabay sa akin si Vivienne kaya napanguso nalang si Paolo habang nakatingin sa aming dalawa.

" Sukob ka diyan, hindi tayo magkapatid. Huwag kang feeling, mas gwapo ako sayo. " I smirked after.

" Wow, edi ikaw na. " umirap ito pagkatapos.

Panay pa rin ang tawa ko nang biglang tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Novah. " I'll just answer this. " paalam ko sa kanila.

Nahinto na si Viv sa pagtawa kaya ngumiti ito bilang pagsang-ayon at dumila lang sa akin si Paolo. Kahit kailan talaga, pikon ang isang ito.

Nagtungo ako sa isang kwarto nila dito sa condo na may balcony. Sinagot ko naman agad ang tawag habang naglalakad ako papunta doon.

" Hello, baby. "

" Stellan, pasok na tayo sa kompanya, oh. Kahit hindi na opening, pumasok pa rin tayo o kahit ako nalang. Dapat nandoon ako para kapag may client, ako ang tatanggap sa kanila. "

I smiled at that. I licked my lower lip after. " Baby, kung wala ako sa office, dapat wala ka rin doon. I am sorry I am not in the condo right now. Nandito lang ako kela Paolo, bumibisita. "

" Sana sinama mo nalang ako. Bagot na ako dito sa condo mong malaki. Masyadong tahimik. Ni wala manlang akong kasama. " tunog tampo niyang sabi.

Kakalipat lang kasi nito noong nakaraang linggo. After I proposed to her, napagdesisyunan ko na agad na sa akin na siya tumira.

" Sana pala sinama nalang din natin si Fuffy pabalik dito. " dagdag nito.

" Walang magbabantay kay Fuffy kapag nasa work tayo pareho. "

" Mahirap ba iyon? Edi kumuha tayo ng maid para magbantay. "

I smiled again. Bumabalik na ang dating Novah, ah? I should be worried but why am I this happy? Did I miss her old self so much?

" Anything for my baby. Hayaan mo, next month uuwi tayo para kunin si Fuffy at magdadala na rin ako ng isang maid galing sa bahay. "

Nagtitili siya sa kabilang linya. Oh, don't let the happiness get all over you yet, honey. Ngayong sa akin ka na, mas gagawin kitang spoiled.

" I love you and thank you! "

My Literary Peace ( Press Series #4 )Where stories live. Discover now