Chapter Seven

22 4 1
                                    

Woren Kyle:
Good morning dakila! Iloveyou, kamusta ka na? Okay ka na? Magbreakfast wag magpapalipas ng gutom. Mag ingat ka kasi dyan, wag ka masyado malikot kase haha kung ano ano ginagawa e iingat ka, iloveyou ❤

Napangiti naman ako at nag type na din ako ng message sa kanya. Nalaman niya kasing nilagnat ako kahapon and grabe agad yung pag-aalala niya sa'kin.

Dakila 👑:
Good morning din, ikaw? Nag breakfast ka na ba?

Woren Kyle:
Yeah. Actually, papunta na ako sa subdivision ninyo.

Dakila 👑:
6:15 pa lang, ang aga mo naman?

Woren Kyle:
I want to spend more time with you, Dakila.

Aga-aga naman nito. Tangina. Agad naman akong tumayo at naligo para pumasok sa school. Nang matapos ay napag desisyunan kong gupitan ang bangs ko.

"Ops-ya! There, hindi na ako mukhang emo." Sabi ko at muling sinuklay ang buhok ko. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay bumaba na ako para kumain.

"Good Morning, Mom, Dad." Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Mabilis lang naman ako kumain dahil nag-aantay si Kyle sa labas ng subdivision.

"Alis na po ako."

-

Nang makarating sa gate ng subdivision ay mabilis ko namang natanaw si Kyle. Hindi niya yata ako napansin dahil naka focus pa din siya sa phone niya.

Dalawang buwan. Dalawang buwan ng nanliligaw sa akin ang lalaking 'to and I admit that I am falling inlove with his simple gestures. From the good morning and good night chats and corny knock-knock jokes.

"Daks, kanina ka pa ba andyan?" Tanong niya nang namataan niya ako.

"Hindi, kararating ko lang. Sorry, pinag-antay kita." Pagpapaumanhin ko.

"No, okay lang. You're worth the wait, dakila." He said and gave me a smile.

Naglalakad kami ngayon papuntang school when he suddenly tapped my shoulder.

"Bili tayo 'non." Sabi niya at itinuro ang stall ng kwek-kwek.

"Masyado pang maaga para mag-kwek kwek, Kyle." Sabi ko at hinila na siya.

"Mamayang uwian na lang, hatid ulit kita." Aya niya na siya namang sinangayunan ko.

"May knock-knock ako sa'yo." Sabi niya trying to lighten things up.

"Hmm... tignan ko nga kung nag-improve ka na." Sabi ko at inismiran siya.

"Knock-knock."

"Who's there?"

"Hooo"

"Hooo who?"

"TaHoooo!" Sigaw niya sabay turo sa magtataho na katabi na namin. Napangiti naman ako at agad na bumili doon.

"Kuya isang fifteen pesos nga po---Gusto mo ba?" Tanong ko muna sa kanya. Umiling siya at tumingin sa malayo.

"Pakidamihan po ng arnibal." Sabi ko at iniabot na ang bayad. Nang maiabot na sa akin ang taho ay nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang corny ng knock-knock mo, Dakila." Sabi niya at nagpout.

"Wow! Ako pa corny, ah?" Sarkastikong tanong ko at tinignan siya.

"Oo, ang corny mo." Sabi niya at pinitik ang noo ko.

Chinito and Dakila VERSION ONEWhere stories live. Discover now