Akala ko hanggang dito lng
Pero habang tumatagal bakit iba Ang nararamdaman
Iba na Ang sinisigawMapapangiti sa bawat banat
Mga pampakilig na mga banat
Kumain kana ba? Ang salitang pafall
Pero Sana Hindi ka ganonPero Alam mo may kamukha ka
Kamukha mo Yong maging future ko
Marami na akong pinag daan nga akala ko
Akala ko Ito na yong forever ko
Pero may forever Nga ba?Pero Sana Hindi ka katulad SA iba na puro salita lang
Para kang basketball Ang hilig mang bola
Bola Nga hinahabol para mka puntos
Ikaw pa ba Kaya hinahabol Ang puso koSinasabing ako Ang gusto
Gustong makasama habang buhay
O gustong paglaroanHindi ako katulad Ng iba papaligayahin Kita
Marunong ako mag-luto,
pabubusogin Kita sa pag-mamahal ko
Pero saan ba ito patungo?
Pabubusogin SA pagmamahal pero tatae Ng kasakitanMata o labi?
Mga matang pinapahiwatig na ikaw lang
Ikaw lang Ang maganda saking paningin
Mga labi sinasabing "Mahal Kita"
Mga mata'y Hindi ko papaiyakinPero saan ba ito patungo?
Hanggang dulo?
O hanggang dito nalangSaan ba patungo Ang sinasabi mong "Mahal Kita"
Kong ngayong Wala kana
Kong saan susugal na ako
Kong saan mag-mamahal ulit akoMag tiwala ka sakin Hindi ako tulad Ng iba
Hindi katulad Ng iba nga lolokohin ka
Hindi katulad Ng iba nga sasaktan ka
Hindi katulad Ng iba nga iiwan kaMagtiwala ka sakin papasayahin Kita
Paano ako magtitiwala Kong Alam ko
Alam Kong hanggang dito Lang
Na balang araw mag-iisa na naman akoBakit kapa mag hahanap Ng iba
Nandito lang namn ako para sayo
Pero saan ba ito patungo?
Kong Alam Kong hanggang dito lang TayoSaan ba patungo itong nararamdaman
Kong malayo kana sakin
Susugal pa ba ako sa pag-ibig?
Kong sa Huli masasaktan Rin namnIkaw naba?
Ikaw naba Ang hinahanap Ng puso ko
O ikaw Naman wawasak ulit nito
Ano kaba sa buhay koKumakain kaba Ng tsokolate
Kasi puro mga matatamis na salita Ang sinasabi
Kakulay mo nga Ang tsokolateBawat araw mapapangiti sa bawat banat
Ikaw ba si Cupido?
Pinana mo kasi Ang puso ko
Pinatibok mo ulit itoAng iyong boses Kay sarap pakinggan
Mga halakhak nagdadala Ng saya sa puso ko
Hindi ko Alam Kong Anong ibig sabihin nito
Saan ba ito patungo?Takot na akong masaktan ulit
Pagod na akong umiyak ulit
Iniisip Kong totoo ba Yong pagmamahal mo
O baka kathang isip Lang ito"Mahal Kita"
Makakapag hintay kaba?
Maghintay SA tamang oras
Maghintay Kong saan handa na akong mag-mahal"Mahal Kita"
Mga katagang Hindi kayang panindigan
Mga katagang Ang dali nyo Lang masabi
Pero saan Ito nag mula?
Sa isip-isip mo Lang
O sa puso moSaan ba ito patungo?
Saan patungo Ang nararamdaman mo
Hanggang dulo?
O hanggang dito nalang