PROLOGUE

244 8 11
                                    

PROLOGUE

+++

"Yan ba ang KIM TAEHYUNG na kinababaliwan ng Oppa 'ko?!" eksajereyted 'kong sigaw habang nakatingin sa monitor ng computer 'ko

"Ikaw yung V na 'yon?! Eh hindi ka naman pala kagwapuhan!" singhal 'ko at dinuro duro ang screen kung nasaan ang litrato ng lechugas na Kim Taehyung na 'yon!

Eto ba 'yon?! Eto si Kim Taehyung?! Dito baliw ba baliw si Oppa Chase 'ko?! JUSKO! Mahabagin! Eh mukha namang ALIEN eh! 

Nandito ako ngayon sa kwarto 'ko. Niri-research 'ko ang Kim Taehyung na mukang-bibig ng Oppa 'ko. 

Tinitigan 'kong mabuti ang mukha nya.

Napataas ang isa 'kong kilay. "Hindi ka naman gwapo ah! Bakit baliw na baliw sa'yo si Oppa?!" 

Nakakainis! Ha! ito pala si Kim Taehyung! Eh ang chaka chaka naman!

"Argggr! Humanda ka sa'ken KIM TAEHYUNG! Matitikman mo ang GALIT ng isang PATRICIA TAMACA, THE GODDESS OF BEAUTY! WUHAHAHAHAHAHA!" 

Naudlot ang halakhak scene 'ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto 'ko. Napatingin ako doon.

"Ate! Pwede wag ingay?! Antok na 'ko eh, gising gising ako dahil sa'yo!" mukmok ng kapatid 'ko na nakatayo sa may pintuan

Nagpameywang ako sa harap nya. "HELLER! Edi takpan mo yang tenga mo! Ikaw na lang nakiki-kinig aarte arte ka pa! Hala! Layas!" bulyaw 'ko sa kanya

Binelatan muna ako ng bunso 'kong kapatid bago pabalibag na sinarado ang pinto. Aba't! Walang Modo!

My name is Patricia Tamaca. 17 years of age. Grade 11, I'm studying at Victory High. Section 1, syempre, genius ako! 

At may BOYFRIEND ako! Ahehehe. Nikikilig na naman ako. >///< Jk. Di 'ko sya boyfie, nililigawan 'ko pa lang sya! Ang arte kasi nya! Pa-binatang filipino! Ang torpe torpe nya, ayaw nya pa sakeng mag-confess, kaya ako na lang nanliligaw sa kanya, diba? Bongga!

His name is Chase Ferrer. 18 years old, Grade 12, schoolmate 'ko sya.  Sobrang GWAPO nya! SUPER DUPER DUPER! Kaso may problema sya eeh, Hindi nya pa matanggap na isa syang ADAN at pinagpipilitan nyang sya ay isang EVA. -___- Pero don't worry, alam 'kong ako ang susi para maging tuwid sya! Kunting kembot lang 'yan for sure tatayo din yan! Oy. Wag kayong Green Minded, Tatayo rin ang pagiging lalaki nya! Wuhahaha!

Tumingin ulit ako sa monitor. 

At may karibal ako sa Chase Oppa 'ko. Walang iba kundi ang lechugas na KIM TAEHYUNG  na 'yan! BIAS kasi sya ni Oppa at baliw na baliw sya dyan! Kesyo si Kim Taehyung daw ang mahal nya! Si Kim Taehyung lang daw ang para sa kanya! Si Kim Taehyung daw ang boyfriend nya! Si Kim Taehyung daw ang pakakasalan nya! Si Kim Taehyung daw ang Forever nya! LIKE DUUUUH???! D to the U to the H! DUH?! Ako kaya ang PARTNER nya sa storyng ito! LOVE story 'ko to kaya dapat kami ang magkatuluyan ng Oppa 'ko!

+++

Waley pa ang PROLOGUE. HAHAHA. Since parang Introduction pa lang 'yan. :)

Patricia Tamaca, eto na bhe oh! HAHAHA. :)

---- >> PATRICIA TAMACA on the side.

Kamusta BASHER mo? (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon