Chapter 1 - About Him

26 1 0
                                    

Matagal na kaming magkakilala ni Renze. Almost 8 years na ata? Pero nung early hindi pa kami ganon kaclose. Magkakilala lang kame, naguusap naman. Kaklase ko siya since elementary and simple lang, kaklase ko siya at kaklase niya ako. Ganoon lang ang turing namin sa isa't isa.

Last time, may nabasa akong Fact sa social media. "Mostly, a girl will already meet her soulmate in the age of 16." I was sixteen y/o that time. Kaya bigla naman akong napaisip sa nga kakilala ko kung sino ang mga posibleng soulmate ko.

Unang-una siyempre naisip ko ang mga crush ko. Tapos siyempre ang makakasama ko sa college. Which is si Renze ay isa sa mga makakasama ko sa Tourism. "Si Renze? Hindi ko siya type, hindi siya ang Man of my Dreams ko. Siguro hindi naman siya. Hindi ko siya magugustuhan. Imposible." Wow ha? Sinabe ko yan last 4 years ago! Akalain mo yun.

Hindi ko rin kasi alam kung saan, kailan, at paano nagsimula ang nararamdaman kong ito. Actually siya ang lagi kong kasama nung sa Tourism na kami. Unang una, kami lang ang magkakilala. Aba, wala naman akong kinalaman na siya ang makakasama ko. At siguro doon na nga nag-umpisa..

Doon na lahat nag-umpisa ng kabaliwan ko sa kanya..

------

"Bagay naman kami ah? Eh bakit ba kasi hindi niya parin kalimutan ang Ex-girlfriend niya na yun." Oo, desperada lang ang peg ko. Aba hindi ko alam kung anong hindi niya nakikita sa aking natural na kagandahan. Ay grabe, sorry ha. Nakakalungkot lang kasing isipin na hindi ka mahal ng taong mahal mo.

Back to the time na araw-araw ko na siyang kasama. As in lagi kaming dikit. May isang moment na nangyari sa akin noon. And it was remain unexplained..

We was on bleachers, nakaupo ako. At papalapit siya. May inaabot sa akin. Biglang.. parang.. bumagal ang paligid. Nakatitig lang ako sakanya.. blurred ang paligid.. focus lang sakanya..

At BOOM! Bigla akong napa-iling. At bigla kong naisip, "Ano ba ito, ano yun?! Ano yung slow-motion na yun? In fairness gwapo naman pala siya. Ngayon ko lang nakita. "

Oh diba, yun ang unang natatandaan ko na hindi normal na nagyari sa akin. Naweirdohan lang naman ako noon. After mangyari ng moment na yun.

Sunud-sunod na ang mga oras na bigla akong napapatingin at napapatitig sa mukha niya at sabay sabing,

"May itsura ka naman pala Renze, ngayon ko lang talaga nakita. W-wait, hindi pwede ito. Hindi kita nagugustuhan. Hindi kita magugustuhan!"

Pero possible naman siguro na.. crush ko siya diba? Pero hinding-hindi ako aasa. kaya ko naman kontrolin sng sarili ko. Jusko, maliit na bagay lang yun.

Habang tumatagal naman ay akala ko nawawala na. Na paghanga lang talaga. Kaya naging normal narin yung mga panahong yun kapag kasama ko siya.

Hanggang dumating yung time na..

Nakakaramdam ng.. hindi ko maintindihan..

Nakita ko na may lumalandi sa kanya. Yung higad na yun ang lakas makakapit! Porke minsan nakakadama niya, aba ako araw-araw ko siyang kasama no! Sus. Halata namang mas maganda ako sakanya. Kaitim lang ng mga siko niya!

Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko na iyon pero ang alam ko hindi normal.

Nasundan pa ang pangyayaring ito..

Napansin ko na lagi niuang tinatanong ang bestfriend ko na kabarkada rin namin. Pwedeng ako nalang kamustahin mobRenze? Lagi rin niyang sinasamahan at tinatabihan. Nandito naman ako ah?

Naalala ko yung mga oras na wala akong pakialam kung kami lang dalawang magkasama dati. Tipong hindi lang ako makapaniwala na ang close pala talaga namin from the start..

Three Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon