C H A P T E R | 4 ♡

18 3 3
                                    

-------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE

sorry kung ang bilis ng mga nangyayari!  HAHAHAHAHAHA short story lang talaga 'to kaya mabilis yung mga nangyayari.  magugulat kanalang na may iba na pala siya,  choss!

enjoy reading!

salamat pala sa pagbabasa at pag supporta! lalo na sa mga co-wipiarian ko! huhu!  loveyouall!

-------------------------------------------------------------

nakahiga ako ngayon sa kama ko habang hinihilamos yung mukha ko gamit ang kamay ko.

"aisssh!  buset na kidnapper na 'yun ano ano ginagawa sa'kin ayaw tuloy kumalma ng puso ko" sabi ko tapos nilagay ko yung mga kamay ko sa dibdib ko.

ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

"aaaaaaah! " sabunot ko sa sarili ko.

'di rin ako makatulog. tiningnan ko yung oras "shit! 12 am na pala".

nakukuryus talaga ako sa mukha ng lalaking 'yun.

"alam ko na, hihihi" bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas sa kwarto ko "saan kaya ang kwarto ng kidnapper na 'yun".

dahan dahan akong naglakad at sa pang limang hakbang ko may nakita ako pintuan kaya tumungo agad ako dun.

dahan dahan kong hinawakan ang doorknob "boom!  buti nalang 'di lock, hihi. " dahan dahan kong binuksan yung pintuan "siguro ito yung kwarto niya, pero wala naman siya dito " dahan dahan akong pumasok at sinirado yung pintuan.

ang ganda ng kwarto at sobrang linis pa at maynakita akong cellphone na nakalapag sa lamesa kaya agad kong kinuha "pakshit!  walang sim!? " mahina kong sabi.

tinungo ko agad ang drawer bubuksan ko na sana yun ng makita ko yung doorknob na gumalaw "hala" tinakpan ko yung labi ko "shit" tumakbo ako patungo sa ilalim ng kama at do'n nagtago.

nakita ko na agad yung paa niya at nagulat nalang ako ng may damit na nahulog at kasunod naman yung short.

putaaaa!  jusko!

at naglakad na siya patungo sa cr.

pagkakataon ko na 'to na makalabas dito! 

nang makapasok na siya sa cr dahan dahan akong umalis sa pagkatago at tumayo.

dahan dahan akong naglakad ng marinig ko 'yung tunog ng pintuan na bumukas. "paktay! " bulong ko sa sarili ko.

"anong ginagawa mo dito? " sabi ng kidnapper na nasa likod ko.

"ah? so-sorry!  na-na-ma-mali lang ako ng pag-pag-pagasok ng kwarto!  " pautal utal kong sabi " oo!  namali lang talaga ako! " sabi ko na hindi humaharap sakanya.

"ahhh, pwede namang dito kanalang matulog" sabi niya.

nagulat ako sa sinabi niya at nagsimulang magtayuan 'yung mga balahibo ko.

"hi-hindi na!  so-sorry" sabi ko at tumakbo na palabas.

***

pagkarating ko sa kwarto ko agad kong hiniga ang sarili ko sa kama.

"may six pack abs din kaya siya? " wala sa sarili kong tanong "aisssh!  stop na snowie ano bayang pinagsasabi mo!  anong abs abs!" sabi ko at sinabunutan ang sarili ko.

itutulog ko nalang 'to!

"buset naman oh! ba't 'di ako makatulog!  kakainis naman! " sigaw ko.

Unexpected You Where stories live. Discover now