LAST DAY WITH YOU
"Hey baby. How are you? Napatawag ka?" Tanong ng nagiisang babae sa buhay ko. Kakaalis lang niya dito pero tinawagan ko na kaagad siya. I bet nasa baba pa siya.
"I'm fine. I just missed you." I heard her chuckle. Her angelic voice is like a music into my ears. I really love this woman.
"Hindi pa nga ako nakakasakay tumawag kana kaad?" I just smile out nowhere.
"I told you I've already miss you." Mahina itong natawa at saka muling nagsalita.
"Basta magpagaling ka diyan. Okay?" Napasimangot ako. Magpagaling? Kailan kaya ako gagaling? Kailan ko siya makakasama na walang iniindang sakit? Kailan?
"Yeah. I will..." Pabulong kong sabi. Ewan ko pero masakit sa parte ko na isiping gagaling pa ako. Pero bakit hindi siya nawawalan ng pagasang gagaling ako? "Don't leave me baby..." Ani ko. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.
"Of course I'm just here. Kaso may trabaho pa ako. So alis muna ako sa tabi mo but remember kahit aalis ako ito ang tatandaan mo babalikan kita kahit anong mangyari, okay. Kaya ikaw magpahinga kana diyan. At wag mo nang awayin ang nurse." Napangiti nalang ako. She's really positive. Pano ba maging ganoon?
"Okay. But I can't promise you na hindi ko sisigawan ang nurse." I smirked. I don't like nureses.
"Sabing wag mong-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng magsalita ako.
"I love you, baby." Narinig kong bumuntong hininga ito.
"I love you too. Bye may trabaho pa ako. Pagaling ka." Tumango lang ako na animo'y nakikita niya ako. Ibinaba na niya ang linya kaya napatitig nalang ako sa puting kisame ng silid ko.
Ilang buwan naba ako nandito? Four months. I think? Nauumay na ako sa amoy ng ospital pati na rin sa mga pagkain na pinapakain nila sa akin pero kinakailangn kong kumain kung hindi mamamatay ako sa gutom hindi sa sakit ko.
Pilit akong napangiti. Napapagod naba siya sa kakabista sa akin? Napapagod naba siya sa sitwasyon namin? Yan ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya pero wala akong lakas na loob upang itanong sa kanya dahil natatakot ako sa magiging sagot niya.
Natatakot rin ako na balang araw ay iiwan ko siya. Natatakot ako na iiwan ko siyang nagiisa. She already lost her parents. Wala na siyang kakilala dito. Kahit gusto ng sumuko ng katawan ko lalaban ako para sa kanya. I will fight for her. Kung hindi siya dumating sa buhay ko siguro ngayon sumuko na ako but I already have her I will fight for her. And I will survive.
Nasa kalagitnaan ako sa pag mumuni-muni ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwal ang kapatid kong babae. Ano na naman ang ginagawa niya rito?
"Hi Kuya masungit I brought some lunch for you. Inutusan kasi ako ni Ate Moon na bilhan ka ng pagkain. At of course yung pagkaing puwede lang daw sayo." I just tsk and then I wrapped my self using the blanket.
"Kuya naman eh. Mananghalian ka muna babalik din daw si Ate moon mga five siguro? Kuya Kaldren! Kuya-"
"Shut up Kalixza!" She's so annoying! Ang ingay pa naman nitong kapatid ko.
"Kuya naman e! Ang unfair mo talaga pag si Ate Moon ang nagsabing kumain ka kakain ka pag ako naman hindi ang unfair mo talaga!" Hinila nito ang kumot na naka balot sa katawan ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"You're so noisy!" Hihilahin ko sana ang kumot pero mas inilayo niya ito sa akin.
"Kuyang masungit sige na kumain kana!" Pagpupumilit nito sa akin. Sinabing ayaw ko ang kulit ng batang to.