Humahangos na umaakyat ng hagdanan si Nicole upang maabutan nito ang unang subject niya. Halos labinlimang minuto na siyang huli mula sa kanyang klase at ipinagdadasal nito na sana ay nadapa o kaya natapilok o kaya naman ay nahanap ng kanyang matandang dalagang guro na si Miss. Char ang kanyang FOREVER. Halos lahat na yata ng mga negatibong bagay mula sa kanyang guro ay naisip na niya para makaabot lamang sa kanyang unang klase.
Nakakainis! bulong na wika nito sa kanyang sarili dahil hindi mawaglit sa kanyang isip ang lalaking magiging dahilan niya upang mahuli siya sa unang pagkakataon sa kanyang klase ngunit hindi rin niya maiwasan sa kanyang sarili na mahalina sa maamong mukha nito na tila hinihila ang mga mata niya papunta sa kanyang mukha at tila nagbabalik mula sa kanyang alaala kung papaano silang nagkitang dalawa.
"Excuse me po. Excuse me. Makikiraan lang po", sabi ko sa mga estudyanteng late din katulad ko. Buset tong mga to. Parang mga walang naririnig aa! Kung pede ko lang sila pagsisipain sa mga kanya kanya nilang room ay ginawa ko na. Gawin ba namang tambayan tong school gate? Aba leche! Nagmala Kitty Pryde ako ng X- Men na tumatagos tagos sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa gate. Hindi ko na lang pinapansin Kong mabunggo ko sila, may mahulog silang gamit kase talagang late na late na ako. 30 minutes na lang ay magsisimula na ang klase namin.
Sa sobrang pagmamadali ko ay nabunggo ko ang isang lalaki. Natapon ang cold coffee nitong dala sa kanyang uniform. Hindi ko na lang ito pinansin dahil kasalanan naman niya ee. Kung hindi siya haharang harang sa dinaraanan ko ee hindi niya matatapunan ang sarili niya.
"Hoy! Miss Panget na pimples na tinubuan ng mukha. Ganun ganun na lang yun? Labhan mo to or you will die!", sigaw nito sa akin. Buti na lang at NASA basketball court kami kung saan ay lagi akong dumadaan dahil short cut ko to pag pupunta na ako ng room. In just in case lang naman. Emergency kumbaga.
"Hoy! Mr. Yabang na tinubuan ng kasungitan sa mukha, unang una sa lahat hindi diyamante yang damit mo para bayaran ko AT (pinagdiinan ko talaga yung word na AT) hindi mo ko nanay para ipaglaba ka ng damit mo", sabi ko sa kanya sa kanyang mukha na medyo tumalsik pa ang laway ko dahil sa naka retainer ako.
"Hey Miss Aphrodite. Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin aa. Kung ikaw kaya ang tapunan ko dyan? At Aphrodite? Anlayo sa mukha mo ang pangalan mo aa. Medusa pa pede", sarkastiko nitong Banat sa akin. Grave makapanghusga tong mokong na 'to aa.
"Ok, Mr. Sungit, SORRY! Hindi ko po sinasadya yung nangyari ok? Siege I have to go, BYE!", sabi ko sa kanya at hindi ko na pinatulan ang sinabi niya dahil 10 mins na lang at late na ako. Patagal ako ng patagal dito.
"Because of that Ms. Medusa rather Aphrodite, you owe one for me. Sisingilin na lang kita kapag kailangan ko na. Okey I have to go", sabi nito at iniwanan niya ako mag isa na nakatunganga. Ako? May utang sa kanya? What the? Is he joking? Hay naku, makaalis na nga! Nasisiraan na ata ng ulo niyong lalaking yun ee.
Tiningnan ko ulit ang relo ko. Shit! 7:55am na! 5 minutes na lang at mag start na ang klase. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa aming room. Yes! Nakaabot ako. Olympus 4-1. Eto nga yung room ko. Thanks god at wala pa si Ma'am.. Pagpasok na pagpasok ko ay isang familiar na mukha ang nakita. Isang mukhang ayaw ko ng makita. Napatingin ang lahat sa akin dahil sa pagkahulog ko ng mga gamit ko sahig kabilang na siya dun.
IKAW!!! Sabay naming bigkas naming dalawa na gulat na gulat.
____________________________________________________________________________________________________________________________________
Guys hanggang prologue po muna aa .. Kindly vote and comment po lang din po aa ... Selemet :) medyo busy pa ako sa school ee :)
BINABASA MO ANG
My UNKNOWN Lover [#Wattys2015]
RomanceMy LIFE. My RULES. No one should ever change it.