Simula

0 0 0
                                    

Ikinabit ko ang earphone sa tenga at nagtakip ng unan.

Ang ingay sa labas.Puro sigawan at sumbatan na ikinaiirita ko.

Walang naglalaro o kompetensyahan na nagaganap,iyon ay tinig ng papa at lola kong kulang na lamang ay magkasakitan.

Nakakasawa at paulit-ulit.

"Taki?" May nag-alis ng unan sa mukha ko.Si Lola.

"Bantayan mo ang kapatid mo,uuwi na ako.Huwag kang magbibigay ng pera sa papa mo kapag nanghihingi." Hinayaan ko na lamang siya at nagbuntong hininga.

Pinuntahan ko na lamang ang kapatid ko sa sala na naglalaro ng kotse-kotsehan.Sinulyapan ko si papa sa cr na palabas at tutumba-tumbang naglalakad.Napailing na lamang ako.

"Tami halika na maglinis ka na.Oras na para matulog." Ani ko.Agad siyang sumama sa akin.

"Anak pagpasensyahan niyo na si papa."  Napahinto ako at tiningnan siya.Nakahiga na ito sa sofa.Hinayaan ko na lamang at inasikaso ko na ang kapatid ko.

INILANTAD ko ang kumot at itinakip sa maliit na katawan ni Tami.
"Ate bakit galit si lola kay papa? Nagaaway ba sila?" Napahinto ako sa pag-ayos sa kaniya at hinawakan sa buhok.

Sana narito si Nanay.Kinailangan niya kasing lumayo para mabuhay kami,para may pang-tustos sa pamumuhay.

"Huwag mo na isipin hmm? Matulog ka na para bukas ay may energy ka okay?"aniya ko.Sumilay naman ang ngiti niya bago pumikit.

Hinalikan ko ang noo niya bago tumayo.Pinatay muna ang ilaw at saka lumabas.

Sinulyapan kong muli ang papa.Naghihilik na ito.Pakamot-kamot sa katawan dahil sa lamok.Kinuha ko ang electric fan at itinapat sa kaniya.Kinuha ko rin ang comforter sa kwarto nila ni nanay at itinabig sa katawan niya.

Nang hahakbang na ako paalis ay narinig ko ang tinig ng cellphone niya na nagmula sa kabilang sofa.Tinipa ko ito, isang hindi pamilyar na numero ang lumantad.

Sinagot ko ito kahit hindi sigurado kung sino.Hindi muna ako kumibo subalit ay hinintay ko muna itong magsalita.

"Mahal?"

"S-sino 'to?"

"Excuse me? Is this Ferdinand's phone?"

Mabilis kong pinatay ang telepono at nilapag.Ferdinand,si papa ang tinutukoy.

Matagal ko na itong alam,at isang bagay na ayaw ko ay nagagawa ko itong itago kay Nanay.Ayoko,ayokong mawatak ang pamilya.

Isa ding dahilan kung bakit may tumutubo akong galit kay papa.

Paano niyang nagawang lokohin ang nanay na tanging ang ginawa ay ang mag-aruga at magbigay ng pangangailangan namin.

Isang kalampag sa aming gate ang nakapag-paigtad sa akin,tinakbo ko ito at kinilala.

Si aling Osi.Ang pinagkakautangan namin.Gabing-gabi ay maniningil.

"Nasaan ang papa mo? Gusto kong makausap." Mahinahon lamang ang boses nito pero nasisigurado ko na galit ito.

Napansin ko ang mga tao sa harap ng bahay na nakatuon ang atensyon rito.Panigurado na may maire-report na naman ang iba sa mga ito,lalong lalo na itong tiya ko,tsk.

"T-tulog na po si papa,lasing po kasi." Aniya ko.

"E ang mama mo tumawag na ba?"

"Hindi pa po." Sagot ko.

"Kapag tumawag gusto ko siyang makausap,hindi na tama ang ginagawa ng papa mo.Kay habang panahon na kong naghihintay para sa ibabayad niyo at ang magaling mong ama ay walang ginagawa kundi ang mag-inom." Aniya.Nilalaro ko lamang ang kamay ko habang nakayuko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

✓At Darkest TimeWhere stories live. Discover now