"candy?" *knocks*"oi candy!"
"candy!!" *knock knock*
tawag sakin ni kuya sa pinto pero nagtulog tulugan ako
ang aga aga nambubulabog ang loko grr!
tinakpan ko buong mukha ko ng unan ko at nagkanwaring hindi sya naririnig
ngunit nagulat ako nang sirain ito ng kuya ko naging dahilan nang pagpanic ko at nahulog sa kama ko
tumingin ako sa nasira kong pinto
hati sa gitna?! sabi ko sa sarili ko
"kailangan pala sirain yung pinto para gumising ka ano?" sambit ng kuya ko sakin na nakatayo malapit sa pinto
"loko ah! ba't mo sinira yung pinto?!?! pinto mo?!" sigaw ko kay kuya sa sobrang inis
tumingin ako sa paligid nang makita kong nagkalat mga kahoy sa sahig gawa ng kuya ko
"tingnan mo! puro kahoy na tuloy!" sigaw ko sa kanya at inayos sarili ko
"kanina pa kasi ako katok nang katok! nainis ako edi ayan!" sigaw nya sakin at dahil sa inis ko, hinagis ko sa kaniya unan ko
umiwas naman ang loko ngunit tumama naman yung ulo sa dingding.
"aray!" sambit nya at napaupo naman sa sahig
narinig kong paakyat na sila mommy at daddy dito sa kwarto ko
"what happened?!" biglang tanong ni mommy pagka-pasok dito sa kwarto ko at sumunod naman si daddy sa likod
"yan oh! tinaekwondo ba naman yung pinto porke black belter!"sumbong ko kay mommy
"sinturonin nyo nga 'yan mommy!"dagdag ko pa
tumayo naman si kuya, "para kang bata!" sigaw ni kuya
mapang-asar kong dinilaan sya, "bleehh!!"
"kala ko naman nagpatayan na kayo" sabi ni daddy at tumawa
hinampas naman ito ni mommy kaya napatigil sa pagtawa
"ikaw magbibiro ka pa! ako papatay sayo sige!" sabi ni mommy at sinamaan ng tingin si daddy
tumawa bahagya si daddy
"ikaw!" sigaw ni mommy at tinuro ako, "ayusin mo na gamit mo at mag ayos ka na sa pagpasok mo! transferee ka tapos papa-late ka?!" dagdag niya
nanahimik na lang ako at nag-ligpit
"ikaw naman! sabi ko gisingin mo kapatid mo hindi sirain mo yung pinto para magising kapatid mo!" dagdag niya pa at hinila tenga ni kuya kaya napayuko bigla ito at hinila si kuya palabas ng kwarto
"a-aray! mommy! mababali leeg ko!" sambit niya
natawa ako pero sinamaan ako ng tingin ni mommy bago pa makaalis sa kwarto kaya napatigil ako
"huwag nyo masyadong painitin ulo ng mommy nyo, buntis pa naman 'yan" sabi ni daddy at tinulungan akong mag-ligpit
"opo daddy" sambit ko at inayos higaan ko
nang matapos na kami, "pagkatapos mong maligo, bumaba ka na agad para maka-kain" sabi ni daddy bago bumaba
BINABASA MO ANG
ME WITH(OUT) YOU; oikawa tōru
Fanfiction(you as Fujiwara Kai) Fujiwara Kai a.k.a. Candy and her childhood bestfriends; Oikawa Tōru and Iwaizumi Hajime loves to play volleyball. most of the time, candy, always spent her days with them. she even enrolled in the same school with them; Aoba J...