Chapter 18
EUNNA’s POV
Naghihintay kami sa labas ng surgery room ni Lewy. Wala na kaming magagawa kundi magdasal. Mahimbing nang natutulog si Ellaine sa tabi ko. Sobrang tahimik ang hallway. Sa sobrang tahimik ay maririnig mo lang ay ang sarili mong paghinga.
Nagulat ako nang biglang may narinig akong tumutunog na cellphone. Tinignan ko ang cellphone ko pero hindi yun yung tumutunog.Tinignan ko yung cellphone ni Ellaine na nakapatong sa kabilang upuan pero nakapatay lang din. Napansin ko ding hindi din tumutunog yung cellphone ni Yera na hawak-hawak niya.
Palakas na ng palakas yung tunog hanggang sa yun na yung bumabalot sa tenga ko. I tried to cover my ears pero wala padin. Nababaliw na ba ako?
I looked at Yera to seek help pero wala na siya doon. I looked beside me, wala na din si Ellaine na natutulog sa tabi ko. Nabalot na ang buong paligid ng ringtone then everything went blank.
YOU ARE READING
Sane Man's Hallucination
Teen Fiction//COMPLETED// 18 Chapters SYNOPSIS When we were still a kid, we all want our dreams come true. What if one day, you found out that your dreams can come to reality. Dreams, literally, as in "panaginip". Your life will be not as peaceful like others...