Chapter 1

9 2 1
                                    

Chapter 1

“Hi Cole! Good morning!”

Hindi ko na kailangang tingnan pa kung sino sya dahil boses pa lang kilalang kilala ko na. Si Edysh. Ang matagal ko ng masugid na manliligaw. Sumilay kaagad sa aking harapan ang napakaganda niyang mga ngiti.

“Labas naman tayo, kahit minsan.” Anyaya niya.

“Sige, subukan ko. Marami kasi akong naiwang trabaho nitong mga nakaraang araw. Kaya baka alam mo na.... maging busy ako.” Sagot ko sa kanya.

“Sige. Ayos lang sa akin kung kailan ka free. Kaya ko naming maghintay.” Ngisi nya sa akin sabay talikod.

“Sorry Edysh. Pero loyal ako sa mahal ko.” Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa daming lalaki siya lang talaga. Hindi ko magawang lumingon sa iba. Nakaglue na ata mata ko sa kanya. Kahit na lagi niya akong pinagtatabuyan na para bang diring diri sya. May ugali siyang pagka-arrogant na kaaayawan mo ng sobra. At ang labis na nakakapagtaka sa kanya ay ang pagka-mailap niya sa mga babae. Minsan nga naiisip ko, siguro bigla siya. Pero Malabo atang mangyari iyon sapagkat sa taglay nyang kakisigan hindi mo maiisip iyon. At sa mga naririnig ko tungkol sa kanya, bago pa man ako makapasok sa trabahong ito ay mayroon siyang sakit na hanggang ngayon ay walang nakakaalam.

“Haynaku, Cole trabaho muna isipin. Wag kang tutunga tunganga.” Si Jack.

Speaking of.

“Sorry, baby iniisip kasi kita.” Sabay ngiti ko sa kanya.

“Baby mo mukha mo. Magtrabaho ka nga. Baka di kita paswelduhin.” Sagot nya sakin.

“Oo nga pala baby este sir Jack, signature mo na lang po ang kailangan tapos na po yung mga documents.”

“Okay. Dalhin mo na lang lahat sa office. Pakibilisan na rin. And one more thing, cut the word “baby”. Hindi ka nakakatuwa. Baka sa kaka baby mo, lumubo tiyan mo.” Mahaba niyang litanya.

Nabigla ako.

“Sir? Gusto mo na po ng baby?” Biro ko.

“You wish.” Maikling sagot nya.

“Sungit.” I murmured.

“May sinasabi ka?” si sir.
“Wala po baby, este sir magtatrabaho na po ako.” Sambit ko sabay talikod at may ngiting tagumpay sa mga labi.

Kailan kaya magiging mabait si sir? Yung tipong hindi iinit lagi yung ulo nya. Sa iba naman, mabait siya. Kapag sa akin lagi syang nakasingga at nakataas ang dalawang kilay. Saan kaya si sir pinaglihi? Siguro sa sama ng loob?

She had shook her head at the foolish thought.

“Psst, Cole! Tara miryenda! Puro ka trabaho tapos mamaya over time ka na naman.” si Felly.

“Wait! Tapusin ko lang itong pinapagawa ni sir baby!” sigaw ko.
“Sus, baby ka dyan. Andun yung baby mo sa probinsya nyo.” Tudyo nya sakin.

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Kahit kailangan talaga itong babae na ito matabil ang bibig. Hindi na ko nagtataka kung bakit walang tumatagal sa kanyang lalaki. Puro kalokohan ang nasa isip.

“Just kidding.” Biro nya at may papout pang nalalaman.
“Basta susunod na lang ako.” Sagot ko sa kanya

“Okay! Basta sunod ka ah!” balik niyang sigaw.

Tumango na lang ako at sumenyas na umalis na. Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Binasa ko ang nakapaloob dito at nabigla sa mga nabasa ko.

Unknown Number:
See me at Scarlet Village first thing in the morning. May dapat kang malaman.

“What? Sino ito? Anong dapat kong malaman?” bulong ko na lamang sa sarili ko at pinasa walang bahala ang nabasa.

At bago ko pa maibaba ang aking cellphone, may pangalawa na namang mensahe ang pumasok.

Unknown number:
Ikaw lang dapat. Walang pwedeng makaalam sa mga sasabihin ko. Alam kung nagtataka ka. Makakatulong ang mga sasabihin ko sa mga nangyari sayo 5 years ago.

Labis kong ikinabigla ang aking mga nabasa. Naibagsak ko ang aking hawak na cellphone matapos ko itong mabasa.

“Anong kinalaman niya sa mga nangyari sa akin 5 years ago? Hindi ito maaari. Walang pwedeng makaalam sa nangyari.”  Bulong nya sa sarili.

Then flashes of memories suddenly occurred. Siya, umiiyak habang umuulan. “Bitawan nyo ko! Tulong! Tulungan nyo ko!” She had shook her head mentally and swallowed a big lump in her throat. Pagkuway, mabilis na nakipagsabayan ang agos ng mga luha sa lakas ng pagpatak ng ulan.

Then, another message came from the unknown number. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sundin ito o ipasa walang bahala dahil isa lang ang pumapasok sa isip nya. Maaaring may kinalaman ito sa mga nangyari sa kanya. At labis na nagpatibok ng husto sa kanyang dibdib ang laman ng mga mensahe.

Unknown number:
Natatandaan mo ba kung nasaan ka at kung sino ang may kinalaman sa nangyari sayo limang taon na ang nakalipas? Alam kong hanggang ngayon hindi mo parin nalilimutan. At may naiwan pa nga sa iyong ala ala nya, hindi ba?

Mabilis ang mga pangyayari at nakita na lamang niya ang kanyang sarili na tinatahak ang daan patungo sa lugar na nakasaad sa mensahe at punong- puno ng katanungan at kalituhan ang isip. At habang nag iisip kung ano ang dapat niyang gawin ay may sunod-sunod na mensahe siyang natanggap mula sa kanyang kaibigan.

Felly: Girl, asan ka? Sabi mo susunod ka? Nawala ka na lang bigla. I thought over time ka?

Felly: Cole?

Felly: Text mo sakin kung asan ka. Pinapakaba mo ko.

Felly: Cole ano ba! Ayos ka lang ba?

“I’ll be fine.” I replyied.

Ano bang dapat kung gawin para hindi ko na maalala ang mapait kong nakaraan? O dapat ko na ba itong harapin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon