'di kami maaaring magsama dahil ako ang araw at siya ang buwan.
'di kami maaaring dalawa dahil demonyo ako at anghel siya.
'di kami ang para sa isa't isa dahil iba ang gusto niya.Ako si Solido Santiago, siya si Luna Sebastian at ito ang kwento naming dalawa.
Nagsimula ang kwento naming dalawa sa aking pag amin. 'di ko lubos maisip na ang pusong solido na mayroon ako ay lalambot para sa taong hindi ko inaasahan na mamahalin ko ng lubos. Sa unang tingin ko sa kaniya hindi ko akalain na muling pipintig at titibok ang puso kong ito.
Hinayaan ko siyang makapasok sa lilim ng puso ko, dahil nababanaag ko sa kaniya ang lungkot, sakit at pagdurusa. Ayaw kong maranasan niya muli ang tatlong bagay na iyon. Hanggang sa mahulog ako sa bitag ng puso niya. Inamin ko ito, ngunit mas pinili niya ang bumalik sa totoong nagmamayari sa kaniya. Mas ginusto niya na akoy iwan kaysa manatili sa aking piling. Hanggang sa dumating ang araw na natauhan siya. Muli niya akong kinausap at hinayaan kong makabalik siya sa akin. Ngunit habang nasa paglalakabay siya ay may nakilala siyang estranghero na ngayo'y kaniya ng mundo. Sa bawat pag alis ng estranghero ay tinatanggap ko si luna ng paulit ulit dahil mahal ko. Dahil sabi pa niya "lagi kang nasa puso at isip ko". Labis akong napamahal kay luna dahil sa mga iniiwan niyang salita sa akin.
Sa muling pagbalik ng estranghero , di nagtagal ay iniwan ako ulit ng mahal ko. Nasayang ang pagtitiwala ko, malaon ay umalis muli ang estranghero. At nais muling bumalik ni luna sa akin. Sa pag kakataong ito ay nag tiwala muli ako. "Bigyan mo lang ako ng oras babawi ako pangako" dahil sa mga salitang yan na mula sa kaniya ay sinagad ko ang limitasyon ng sarili ko. Hanggang sa muling magparamdam kay luna ang estranghero at heto ako naiwang mag isa, malungkot, nasasaktan at nagdurusa.
Ang huli naming paguusap. At sa paguusap naming ito ay nagtatangka siya na muling bumalik sa buhay ko.
'Nais kong humingi ng patawad sa iyo. Hindi ko sinasadiyang masaktan kita. Hindi ko sinasadiyang masira ang tiwala mo sa akin"ang kaniyang sambit.
"Ayos lang yon binibini. Tanggap ko naman. Dahil hindi naman natin hawak ang kapalaran natin. Hindi natin alam kung kailan tayo masasaktan, kung kailan tayo iiwanan. Kaya ayos lang yon . Ayos lang ako" nakangiting saad ko.
"Hindi ko talaga sinasadiya. Pero may gusto sana akong itanong sa iyo sol" nahihiyang sabi niya sa akin.
"Ano iyon?" agad na sagot ko.
"Ako parin ba yung gusto mo? Ako parin ba yung mahal mo?" Seryosong sambit niya. Labis akong nabigla sa mga binitiwan niyang katanungan.
"Kung hindi na ikaw, anong gagawin mo?
Kung ikaw parin, ako naba ang pipiliin mo?" seryosong sagot ko."hindi ba sabi ko sayo noon. Kapag umalis ka ay wag kana ulit bumalik, seryoso ako don kase wala diko na kaya. Sinagad ko yung limitasyon ng sarili ko. Ilang beses ako nagtiwala sayo tapos wala nasira lang. Pinili mong sirain para lang sa iba." Dagdag ko pa. Nararamdaman ko na ang pagpatak ng aking mga luha.Naiwan siyang tulala. Sa pagkakatong iyon ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil 'di ko na kinakaya ang sitwasyon. Baka kung malaon ay magmakaawa pa ako sa kaniya na ako nalang ang piliin niya. Na 'wag na lamang siyang humanap ng iba. 'diko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko upang sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon. Siguro ay mas tamang pinili ko muna ang sarili ko sa ngayon.
Gumawa ako ng liham para sa kaniya.
(Ang liham)
Luna mahal ko. Labis na akong nasaktan sa pag ibig nato. Patawad kung pinili ko muna ang sarili ko sa ngayon. Napamahal ka na sakin sabi mo ito, subalit baka hindi pa talaga para sa atin ang mga oras na ito. Maaring hindi pa natin panahon ito. Ako si sol at ikaw ang luna ko, ibig sabihin ako ang araw at ikaw ang buwan. hindi pa ito ang panahon para sa ating pag-iibigan.
Huwag kang mag alala gagamutin ko lamang ang aking sarili, bigyan mo ako ng oras at panahon. Hindi ako magsasawang mahalin ka at hindi rin ako magsasawang maghintay sa eklipse ng ating pag ibig. Kung saan pwede na tayong magsama. Kung muling isusulat ang kwento ng pag ibig ko ikaw lang ang pipiliin kong makatambal rito. Ikaw ngayon, ikaw bukas at ikaw palagi. Hihintayin ko ang panahon na pwede na ang pag ibig natin sa isat isa.
Kung may dumating pang iba sa buhay mo huwag kang magdalawang isip na tanggapin ito kung iyon ang magpapasaya sayo. Kung nasira man ang puso mo ngayon, pakiusap ko sana ay buoin mo muna itong muli. Dahil ayokong nakikitang nasasaktan ka.
Tandaan mo na sa oras na nalulungkot ka ay nalulungkot din ako. Sa oras na nasasaktan ka ay nasasaktan din ako. Ang pagkawasak ng puso mo ay pag kawasak rin ng sa akin. Ingatan mo ang iyong sarili mahal na mahal kita. Paalam muna sa ngayon. Pangakong hihintayin ko ang eklipse ng ating pag-ibig.
Nagmamahal,
Solido SantiagoSa oras na bitawan ko ang aking panulat at isara ang liham na ginawa ko para sa kaniya, ay nagsimula ng kumawala ang mga luha sa aking mata. Diko akalain na kung gaano mo ako napasaya ay mas mawawasak mo pa pala ako ng sobra.
Wala sa loob ko na mangyayari pala ang lahat ng ito. Nawa'y panaginip nalang ang sakit o 'di kaya ay manhid na lamang ang puso ko.Makalipas ang isang taon....
Heto na ako nagbabalik. Nakagagaan ng pakiramdam ang pag bitaw sa mga bagay na hindi na kailangan. Nakakaluwag ng puso, nakagagalak para sa damdamin.
Narito ako sa lugar kung saan kami nag-umpisa. Muli kong binabalikan ang ala-ala naming dalawa. Nilibot ko ang aking paningin lantad parin ang kaniyang ganda. Walang pinagbago patuloy parin akong humahanga rito. Hindi ko akalaing narito din pala siya, ang babaeng minahal ko ng sobra higit sa aking sarili. Labis ang aking pagkabigla,hindi ko inaasahan ang muli naming pagkikita.
