Chapter 31

1.1K 42 2
                                    

NOTE : sorry in advance para sa Grammatical error . Lablotz :>

++

   PRINCE POINT OF VIEW

Malakas na sigaw ang dahilan Mula sa loob ng Palasyo ng mga amalanhig .

“ Boses ni Scarlet yun snow! ”

Sabi Ni  Abraham habang pinapatay ang isang lobo na sumugod sakanya , busy ang lahat sa pagpatay sa mga bantay hindi ko makita si Harvey asan ba iyon

“ Puntahan mo muna sila Sa loob snow! Bilisan mo! ”

Sigaw ni Earl, agad naman ako tumango at nagtungo sa pinang-galingan ng boses .

Nakita ko si miratiya sa isang silid habang may hawak na sanggol na hindi humihinga..

“ Miratiya! Asan si Scarlet at ang anak ko? ”

Tanong ko sakanya habang hindi tinatanggal ang tingin ko sa Bata na ngayon ay walang buhay , hindi imposible na anak namin Yan .

“ Prince ....”

Naiiyak nitong sabi habang naka-tingin saakin , “ Asan siya?! ”

Tuloyan na siyang umiyak , “ Nasa loob si Scarlet , pero ang anak niyo snow .. Yung anak niyo ”

“ Nanganak na siya? Asan yung anak namin? Okay Lang ba siya? ”

Sunod-sunod na tanong ko sakanya , pero hindi ito umimik naka-tingin lang Ito sa Bata na hawak niya .

“ Miratiya! Asan na ang anak ko! ”

Naramdaman ko ang prisensya nila Earl pero hindi ko ito pinansin .

“ Patay na ang anak niyo snow .. patay na ang anak niyo sorry Wala akong nagawa para iligtas ito hindi Kaya ng kapangyarihan ko para buhayin siya ”

Sabi nito habang inaabot ang anak namin , ang anak namin na ngayon ay Wala Ng buhay .

Bumagsak ang  katawan ko sa sahig . Hinawakan ko ang anak ko na ngayon ay isa ng malamig na bangkay , “ No!! Hindi pwde! Hindi pwde na mamatay ang anak ko! Hindi pwde! ”

Malakas kong sigaw na maririnig na sa bawat kaharian , no! Hindi ito totoo! Hindi!

“ Wala akong nagawa , sorry patawarin mo ako snow napaaga ang kanyang panganganak dahilan para mamatay ang anak niyo . ”

Umiiyak nitong sabi habang nakayakap sa asawa nito . Nanghihina akong niyakap ang anak ko kasalanan to ni Harvey! Kasalanan Nila!

“ miratiya? Asan yung baby ko? ”

Napatingin kami sa nag-salita , putlang-putla si Scarlet na lumabas Mula sa isang silid at Parang uhaw na uhaw pa Ito .

Dahan-dahan ko binigay Kay Miratiya ang anak namin at lumapit Kay Scarlet .

“ Nauuhaw siya snow , kailangan niya ng Dugo . ”

Tumalikod silang lahat ,kinuha ko ang bubug na nasa sahig at sinugatan ang sarili ko , Kita ko ang uhaw sa mata Ni Scarlet habang naka-tingin sa dugo na pumapatak sa sahig

“ uminom kana muna , kailangan mo Ng lakas .. ”

Inabot ko ang kamay ko sakanya agad naman niya ito nilantakan , kailangan mo Ng lakas para sa malalaman mo ..

Lumipas ang ilang minuto at tumigil na siya sa pagsipsip ng dugo saakin ,

“ Salamat ..”

Agad naman gumaling ang sugat ko , at humarap nadin sila earl saamin .

“ asan ang anak ko? Gusto ko siya makita excited na ako ! ”

Kita ko ang kislap sa kanyang Mata habang sinasabi niya Yun . Lungkot at takot ang nararamdaman ko Ngayon .

Lungkot dahil masasaktan siya at takot dahil Hindi ko alam kong ano ang possible niyang gawin kapag nalaman niyang patay na ang aming anak .

“ Your newly Born baby is already gone . ”

Diretsahang sabi Ni Jayrus na ikinagalit naman Ni Earl  , agad niya itong sinipa papuntang pader .

“ Shut up  before I kill you!”

Hindi na umimik ulit si Jayrus at seryosong tumingin Kay Scarlet .

“ He's joking right? Asan na yung baby natin snow? Babae ba or lalaki? Kamuka mo ba or ako? ”

Masaya niyang Sabi , tumingin ako Kay miratiya at suminyas na lumapit . Kinuha ko ang Bata na hawak niya

“ Scar , patay na ang baby natin . Wala na siya ”

Hindi ako tumingin sakanya , ayaw ko makita ang malungkot niyang mata .

“ Hindi nakakatuwa yang joke mo fucker! Akin na ang baby ko! ”

Sigaw niya saakin , inabot ko ang Bata na hawak ko sakanya .

At tuloyang tumingin sakanya , dapat pala hindi nalang ako tumingin sakanya dahil nasaksihan ko Kung paano siya umiyak habang naka-tingin sa anak naming walang buhay .

“ No! Sabihin niyong panaginip lang to! Please! Hindi patay ang baby ko! Hindi! ”

Malakas niyang sigaw saamin habang umiiyak , niyakap ko siya pero pumiglas siya .

“ Snow! Hindi pwde na mamatay! Hindi pwde! Please! Gumawa ka Ng paraan para mabuhay siya please! Please! ”

Pagmamakaawa niya saakin ,first time ko makita siyang umiiyak at nag-makaawa saakin at hindi ko kayang makita siyang ganyan.

“ Kung may magagawa lang kami gagawin namin but for now walang magagawa ang kapangyarihan namin dahil isang sugo ang anak mo hindi siya normal na bampira , I'm sorry pero Wala kaming magagawa . ”

Sabi Ni Earl saamin , tumango naman ang iba bilang sang-ayon .

Nakita ko Kung paano nag-iba ang kulay ng Mata ni Scarlet naging pula ito katulad ng amin .

“ HINDI MAARIIIIIIIIIIIIII!!!!!!”

Tumalsik kami dahil sa sigaw niya ,miski salamin ng bintana ay nabasag kitang-kita namin kung paano naging kulay Pula ang boung katawan ni Scarlet ramdam ko ang lakas Ng kanyang kapangyarihan .

“ mas lumalakas ang kanyang kapangyarihan ngayon dahil sa galit at lungkot ,kapag naging ganito siya habang buhay maaring manganib tayo dahil hindi niya pa kontrolado ang kanyang kapangyarihan . ”

Sabi Ni earl saamin. Naka-tingin Lang ako Kay Scarlet na umiiyak parin habang yakap ang aming anak .

“ Kung Hindi niyo mapatay si Harvey , ako ang papatay sakanya . ”

Seryoso niyang sabi saamin. Kakaiba , nakakatakot ang posibleng mangyari agad nawala si Scarlet Kaya naalarma ako.

“ Papunta siya sa palasyo magmadali Tayo . ”

Nauna ako sakanila dahil may hinala ako na may gagawing hakbang si scarlett para ipaghiganti ang anak namin , hindi ko papayagan na pati siya mawala . Hindi ako makakapayag.


++

4 Chapter to go!



Vampire Obsession Series 5: SNOW PRINCE DEMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon