chapter 1

8 0 0
                                    

6am nang magising si Jarred sa alarm ng cellphone niya. Dahan-dahan siyang bumangon,in-off ang alarm at nagtungo sa washroom. Matapos niyang mag-tooth brush ay naghilamos siya ng mukha. Kinuha amg puting tuwalya na nakasabit sa dingding at pinunasan ang makinis at gwapo niyang mukha. Paglabas niya ng washroom,diretso siya sa kanyang office table sabay dial sa telepono. "Hello,can you ask someone to buy me coffee?"tanong nito sa kausap sa kabilang linya."Oh,wait...maaga pa pala. Meron na bang ibang tao diyan sa baba?" anito dahil naalala niyang maaga pa pala. "Meron na ho sir pero masyado ho siyang busy eh. Naglilipat kasi sya ng gamit niya diyan sa floor ho ninyo." kahit nag-aalangan ay naglakas loob ang guwardiya. Batid niyang magagalit na naman ito. Alam ng lahat ng empleyado niya kung  ano ang kaya nitong gawin kapag nagagalit.

    "Utusan mo muna."malamig na tugon nito."Ay sige ho sir..pasensya na,dapat kanina ko pa ginawa."nagpaalam na ang guard sa kanyang boss at hinanap si Janne upang utusang bumili ng kape. Nakita naman niya agad ito na akmang paalus na tangan ang isang malaking kahon ng mga papeles.
"Miss Janne, nagpapabili si boss ng kape.Eh ikaw pa lang ang nandito kaya baka pwedeng ikaw ang bumili. Hindi naman pwedeng ako ang umalis,baka hanapin ulit ako ni boss."anito. "Sige ho,pero pwede bang ipagtimpla ko na lang siya? Meron ako ditong dala, at saka masarap ho ako magtimpla,baka magustuhan niya."
"Ikaw ang bahala, baka nga magustuhan niya at palagi na siyang magpatimpla sayo,tutal magkatabi lang naman ang office niyo."
Nagpaalam na ang dalaga dala parin nito ang kahon ng mga papeles. Ito yung mga kailangan niya pang i-encode na kailangan niyang matapos agad dahil kukunin na ito ng secretary ng kanilang CEO para papirmahan dito.

Pagdating sa bago niya opisina,ipinatong niya sa mesa ang dala at pumunta sa sulok kung saan naroon ang water dispenser. Ito ang magsisilbing dining area niya habang dito muna siya sa opisinang ito magtatrabaho. Hindi kasi siya kumakain sa canteen. Bukod kasi sa mahal ang pagkain doon, ayaw niya sa masyadong maraming tao kapag kumakain. Ayaw niya ng maingay. At isa pa, tinitipid niya ang kanyang pera para may maipadala sa kanyang pamilya.
Malayo ang mga ito sa kanya at nag-aaral pa ang nag-iisa niyang kapatid na lalaki. Kahit may trabahi ang papa niya, hindi parin iti sapat para sa tuition fees ng kapatid niya. "Sana magustuhan ni sir ang timpla ko. Naku,baka hindi,baka i-fire ako!" sabi niya sa sarili. Nag-aalala man ay kinuha niya parin ang mug na nakataob sa isang babasaging platito. Nilagyan ng isang kutsaritang asukal at kalahating kutsaritang kape. Ito ang timplang saulado na niya. Sa hilig ba naman niya sa kape eh naisaulo na ng sistema nya kung paano o gaano kadami ang kape at asukal na ilalagay niya. Itinapat niya ang mug sa red spot ng water dispenser. Nang malapit ng mapuno,kinuha ito at hinalo ng kutsarita. Inilagay sa platitong kinatatauban nito kanina at huminga ng malalim. "Hhaah!!! Good luck to me."wika niya sa sarili. Sa pagkakaalam kasi niya ay arogante ang boss nila. Kahit di pa niya ito nakikita ng personal,ito na ang nakatatak sa utak niya. Arogante,chickboy-ilan sa mga katangian daw ng boss nila ayon sa sabisabi ng mga tsismosa ng colleague.

Lumabas siya ng office,naglakad patungo sa pintuan ng CEO at kumatok ng tatlong beses."Sir,andito na po yung kape niyo."marahan niyang sabi na may halong kaba.First time nyang makikita ang boss nila. "Come in."sabi nito
"Pakilagay mo na lang sa mesa."
"Sige ho sir,lalabas na ako."paalam niya dito. Nasa may bintana ang lalaki,parang may kausap sa cellphone nang mapatingin siya sa direksiyon nito. Napatingin din ito sa kanya at natigilan saglit. "Wait,whats your name?tanong nito sa kanya matapos ibaba ang phone na nakatapat sa tenga niya kanina..tapos na marahil ang pag-uusap nila ng nasa kabilang linya.
"Ako po si Janne,ako po ang encoder niyo. Lumipat po muna ako dito sa katabi ng office niyo dahil sa renovation na ginagawa sa baba."sagot niya dito.
"Sige ho,aalis na ako."

Hindi niya na hinintay ang pahintulot nito,lumabas agad siya dahil hindi niya kaya ang mga titig nito. Parang may something sa mga titig nito sa kanya.

Pagbalik niya sa kang pwesto,agad siyang umupo at humarap sa computer. Marami siyang kailangang tapusin at wala siyang panahong isipin ang mga titig na iyon ni Jarred.

Sa kabilang kwarto naman, ganun din ang ginawa ng binata. Umupo at humarap sa kanyang laptop. Napasulyap siya sa kapeng dala ng dalaga. "Hindi naman ito galing sa Starbucks ah."kunot-noong wika niya.  Kinuha niya ito at humigop ng kaunti. "Hmm,in fairness it tastes good." Napangiti siya habang inaalala ang mahiyaing aura ng dalaga kanina.

Ninanamnam niya ang sarap ng kape habang nakasandal sa swivel chair at nakatingin sa kawalan. Ngayong lang siya nakatikim ng ganung kape."Mukhang hahanapin ko na 'to palagi ah."anito. Hindi parin mawala sa isip nya ang mukha ng dalaga kanina. Parang nakikita niya parain ito sa isip niya.

Pero hindi...nakikita niya talaga ito..nakaharap ito sa kanya..pero nasa kabilang kwarto ito. Ang office table nito ay nakaharap sa kanya. Pero walang malay dito si Janne dahil si Jarred lang ang nakakaita sa kanya. Fiber glass ang nagsisilbing walling at dibisyon ng kanilang opisina. Nakikita ni Jarred at nasa kabilang kwarto samantalang kabaliktaran naman ang kay Janne.

Nakatutok lang si Janne sa pagta-type sa keyboard ng computer,wala siyang kamalay-malay na pinagmamasdan na pala siya ng nasa kabilang kwarto.

Hindi maiwasan ni Jarred ang mapatingin dito..di niya alam kung bakit ang laki ng epekto ng dalaga sa kanya. He found her adorable though she's just wearing simple office attire,her hair were in messy bun, and no make up at all.

Bumalik ang tingin ng binata sa tasa ng kapeng nakapatong sa mesa. Kinuha niya ito at tinikman ng kaunti. "Hmmn...masarap ang timpla nya ha..mukhang hahanapin ko na ito lagi."anito sa sarili at muling sinulyapan ang imahe ng dalaga na nasa kanyang harapan..

Walang ekspresyon ang mukha nito habang panay ang kakapindot sa keyboard ng kanyang computer.





Hey guys!!  Di po ako professional sa pagsusulat pero mahilig akong magbasa..kaya naisipan kong sumubok na gumawa ng sarili kong kwento. Sana po magustuhan niyo.😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon