"Inay, masarap palang maging isang mayaman kase yung classmate ko tatay nya seaman and dami nya bago damit syaka laruan"
Nandito kame ngayon ng nanay ko sa palengke. Bumibili ng mga assignments and projects ko sa school.
"anak, tandaan mo walang masama sa pagiging mahirap, lahat ng bagay makukuha mo kung pag hihirapan mo at syaka wag ka maingit sa classmate mo. Di man tayo kaseng yaman kagaya nila mas mayaman ka naman anak. Sa pagmamahal ng iyong ina" saby halik sakin ni nanay sa pisngi.
" pero inay. Wala ba talaga akong tatay. Kase inaasar ako ng mga classmate ko na anak sa labas, at batang walang ama." Habang sinasabi ko yun kay inay, bigla nag bago ang expression ng mukha nya.
"halika na anak umuwi na tayo baka abutin pa tayo ng ulan"
Habang nagwawalis ako ng sala, si nanay ay nagluluto.
Tahimik lang sya sa kusina simula kanina wala na sya imik.
"Nay"
"Nay"
Di nya ko pinapansin
Niyakap ko sya sa likod
"Nay, Sorry Po! Kung nasaktan ko kayo, dahil hinahanap ko po ang tatay ko, Nay. Pangako di napo mauulit, mahal na mahal ko po kayo ayaw ko po na galit kayo sakin." Habang humihikbi na sabi ko.
Bigla ako hinarap ni nanay at nakita ko na may luha sa kanyang mata
"Anak, mahal kita alam mo yan, hinding hindi magkukulang si nanay sayo. Lahat gagawin ko masuportahan lang kita at mabigay ang gusto mo. Pero anak isang bagay lang ang hindi ko kayang ibigay sayo At yun yung magkaroon ka ng isang ama". Umiiyak na sibi ng aking ina
"Opo, Nay"
" Oh Siya!!, bilisan mo na dyan at makakain na tau at makatulog ka ng maaga't may pasok ka pa bukas. Masyado na tayo madramang mag ina" sabay punas ng luha naming parehas.
Habang kumakain kame ni nanay di na naming muli napag usapan ang aking ama.
Kinabukasan.
Unang araw sa school, grade 6 na ko ngayon. Graduating na ko ng elementary.
"Alex, Alex!!! Dito" naririnig kong sumisigaw habang naglalakad ako sa hallway
"ALLLEEEXXXX!!! Bingi"
Sabay lingon sa kanan bahagi ng daan. Alam ko kung sino ang tumatawag sakin ng ganyan.
"Uy hehehe, sorry di kita napansin, Monica" sabay tapik sa balikat nya.
"sus, kunyari kapa, ganya ka naman talaga eversince. Grade 3 eh. Di ka namamansin pang 1st day ng klase."
"baliw, hindi ah. Sandyang di lang kita nakita talaga"
"okay, sabi mo eh". Hahaha ang hirap na may baliw na kaibigan.
"tara na nga, baka malate pa tayo, 1st day pa naman natin ngayon"
Habang naglalakad kame.
Pansin ko lang bakit ang dami nag kukumpulan. Pati teacher may kumpulan din.
Anong Meron..
"Mon. ano meron mukhang busy mga tao mag chismisan hahaha"
"Baliw, usap usapan kase na dito mag aaral si Clark Joseph Saavedra"
Clark Saavedra famillar pero di ko sya kilala
"Sino Naman yon?" nagtatakang taong ko.
"OH MY GOD di mo kilala" gulat na gulat na tanong nya sakin
"tanga, Magtatanong ba ko kung kilala ko"
"ayy, Grab sya oh. Tanga agad."
"bilis na sino ngayon hahaha"
"dahil sinabihan mo ko tanga, manigas ka dyan. It's for me to know and for you to find out bweee"
Sabay walk out.
![](https://img.wattpad.com/cover/235289208-288-k272159.jpg)
BINABASA MO ANG
if this is last
Romancesometimes giving up doesn't make you weak but it makes you stronger. letting go of someone is really hard because you know he is the only one you have.