Shin's POV
Hindi ko alam kung aasa pa ba ako kung makakarating si Jin Oppa sa party ko. Pero malay niyo may surprise diba? Diba?
Bakit naman siya may surprise sayo eh hindi ka naman niya gusto at isa pa kuya siya Shin, He's an Oppa.
Pero age doesn't matter naman diba? At isa pa boto naman sila mommy sa kanya diba? Hay naku Shin stop it!!! Walang pag-asa na magugustuhan ka niya.
Tapos narin kanina ang 18 messages at naiyak ako sa lahat ng message nila hanggang ngayon nga eh. Hindi ko na nga alam kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak eh. Kung dahil ba sa mga message nila para sa akin o dahil hindi nakapunta yung isa sa mga taong inaasahan kong dumalo sa birthday ko.
*beep beep*
From: Jessie
Shin punta ka dito sa likod ng bahay niyo sa may garden ah. May gusto lang kumausap sayo eh hindi ka niya maharap. ASAP
To: Jesssie
Sige papunta na ako hintayin mo ako ah. :))
Hindi na muna ako nagpalit so bali naka gown parin ako. Hayaan niyo na ineenjoy ko pa yung gown ko malay niyo si Jin oppa pala yun diba? Asa ka pa Shin. Sige lang push mo lang yan.
Nang makarating na ako sa likod ng bahay namin nakita ko na kaagad si Jessie at yung lalaking nakatalikod. Sino naman ito? Lumapit na lang para makita ko sila.
" Huyy. Jessie ano na!!!"
" Grabe Shin bakit di ka pa nagpapalit? Bongga na-feel mo ata na may magsasayaw pa sayo!!! Echosera ka. "
" Gaga tinatamad kasi ako. Oh ano nasan na siya. " Tinuro na ni Jessie at umalis na rin siya humarap naman yung guy. Akala ko kung sino. Si V lang pala. Anomg meron bakit andito pa itong alien na ito.
" oh ano na V. Anong sasabihin mo?"
" Wala tara na lang sa may fountain."
Hinila niya ako at napunta kami sa isang madilim na lugar. Hanggang sa mamalayan ko na wala na pala sa tabi ko si V.
__________________
END OF CHAPTER 4