--PANGALAWA--

2K 59 6
                                    

Charlotte's POV

Wala kaming label

Pero iba yung saya pag kausap mo sya ni hindi na nga ako nag bubukas nung real account ko dahil sa kanya

Pero.....

Parang sobra na ko....

Nahuhulog na ko sa kanya...

Mali to..

Kailangan ko nang tapusin dahil habang patagal nang patagal pasakit nang pasakit

Matagal akong nakatulala sa kisame at pinag iisipan kung pano tapusin yung relasyon na namamagitan samin
Maka relasyon eno kala mo may label ehh

Pero totohanan ang hirap kung sabihin ko sa kanya yung totoo at baka magalit sya sakin

Well maga galit at magagalit sya alam ko yun at ang sakit isipin

Nagdaan yung mga araw na hindi ko na sya kinakausap at napag isip isip kong ighost sana sya

Pero hindii sobrang sama ko naman nun

Dapat mag paalam ako...

Tamaa.....

Pag bukas ko nang account ko eh bumungad yung madaming ting sa messenger ko at pangalan niya yung nauuna

265 yung chat niya sakin at dun palang parang nilamukos na yung puso ko.

Ano ba tong ginawa ko..

Nag chat na ko

"Uyy" panguna ko

" sa wakas bute buhay ka pa " reply niya

"Sorry" tanging tugon ko

"Ano na nang yayare sayo ha? " tanong niya

" Ayoko na " sagot ko

"Ano? Saan? " sunod sunod na tanong niya at halatang naguguluhan

"Anong trip yan ha" dugtong niya pa

"Di na ko mag online dito Acy Sorry talaga" derectang sagot ko at di na binasa yung susunod niyang sinabi

***

Dineactivate ko na yung account kong Ethan at nagtakip nang kumot habang sinubsub yung muka sa unan

Umiyak lang ako umiyak hangang sa makatulog ako.....

KINABUKASAN....

Pag mulat ko nang mata eh sya agad yung pumasok sa isip ko. Hindi ko inaakalang iiyak ako dahil sa babaeng hindi ko naman kilala.

Unang araw palang pero hindi na agad ako mapakali kaya binuksan ko yung real account ko para malibang

Andaming chat nung GC namin sa school at sa GC ng mga tropa ko

Nag chat ako nang " Gumorningssss " kahit alam kong hapon na

May nag reply naman " wow aga gising ahh " napangiti naman ako kasi alas doss na

"oyy musta cha antagal di nag online ah , ano ganap? " sunod ni asy

" wala naman nag stay ako sa RP eh " saad ko

"di ka nga online dun nichat kita eh" liza

" tanga gumawa ako nang bago CRP nga lang" sagot ko

" ehh ano pangalan " tanong ni lili

" wala dinelete ko na " tugon ko

"hahahah may nilandi ka nohh tas na guilty " pang aasar ni liza

" tangina mo " reply ko naman

" ulul ano pangalan " pangungulit ni asy

" wala nga balaka nga jan "

"hahahaha" silang tatlo

Nag youtube nalang ako para naman malibang . Nag linis na din ako nang bahay tas di ko hinahayaan yung sarili kong walang ginagawa para di ko sya maalala

Tatlong linggo na ang nakalipas na ganyan yung routine ko. Nakakapanibago pero walang magawa

Nag ting yung cellphone ko kaya tinignan ko yun. Nakikipag VC sa GC naming mag totropa

Nakisali naman ako since tagal na naming di nakakapag face to face

"ohh ano meron " tanong ko

" oyy musta tangina niyo sana all nag glow up " saad ni asy

" ulul sino nag glow up " tanong ni liza

" baka si cha oyy ano? " sabat naman ni lili

" oy may issues yung crush mo ahh " dag dag ni lili

" sino? " tanong ko

" si jake tungag nag hahanap nang nawawalang nilalang " saad pa nya

" oo nga gagu gumagamit pala yun nung RP " saad ni liza

" huh bakit naman sya gagamit nun eh madaami nang may gusto dun " saad ko

" kinakabahan ako men baka nakalandian ko yan Jahahah " sabat ni asy

" wait send ko sayo nasahin mo " sabi ni lili

" sige balik ako pag tas " saad ko

" goww langss " tugon nila

Tingg. .

Lili send a link.

Pagka pindot ko sa link nakita lko yung post ni Jake na may napaka habang caption tas dalawang picture

Binasa ko yung caption

First time ko sa RP o rollplay world tapos una kitang naka chat una antagal mo pa mag reply tas sobrang tipid. CRP ako dito actually hiniram ko lang tong account na to sa pinsan kong babae para lang may maka chat hanggang sa nag enjoy akong kausap ka kaya hiningi ko nalang sa kanya to. Hindi ako bakla pero ang sarap mong kausap kahit na madalas eh napakagaling mong mambara. Di na nabubuo yung araw ko pag hindi nakikita yung Gumorningssss mo hahaha ganyan na ganyan yun diba tas tutulugan mo ko hanggang nasanay na ko ni pagkain ko ni send ko na kaso walang muka kasi baka malaman mong lalaki ako hahaha ewan ba hindi talaga ako bakla pero ewan talaga.
Gusto ko lang na mahanap ka kasi gusto kong mag sorry sa mga kasinungalingan ko. Mag sosorry na nga sana ko ehh sasabihin ko na yung totoo kaso bigla kang di nag chat tas makalipas yung ilang araw . Makikita ko yung pangalan mo sa messenger ko.
Ang Exited ko pa nun kasi sa wakas kaso babae yung identity ko kjaya kailangan galit galit muna.
Pero yung nag sorry ka iba naramdaman ko parang may mali. Sabi mong ayaw
mo na tas di ka na mag oonline , hindi ko alam gagawin ko kaya di na ko nakapag chat agad then nag deactivate ka na.

Kaya kung sino man yung nakakakilala kay Ethan montifalco pasabi sorry

-- Acy Riego

***

Vote and comment

...

C R PWhere stories live. Discover now