A/N:
Kailangan ko nang mag-update kaya ko 'to!!! wuuuuuhhhh
"UNA na ko Ana," paalam sa'kin ni Shara nang maibaba na nito ang aluminum shutter ng Café, dahil wala akong pasok bukas kaya naman hangang closing ako gayong araw, hindi katlulad kapag weekend na tatlo o pat na oras lang ang shift ko.
"Sige, ingat ka," sabi ko kapag kasi ganitong gabi na ko na nakakalabas ng trabaho ay sinusundo ako ni tatay.
My kadiliman kasi ang ilang kalye papunta sa maliit naming barangay bilang si Tatay naman ay namamasada ng trisikel, nadadaanan nito ang cae kaya madalas na isinasabay na niya ko pauwi.
Pero ilang sandali pa ko na nag-aantay ay hindi ko pa rin nakikita ang pamilyar na sasakyan ni Tatay.
Hanggang sa isang motor ang biglang huminto sa harap ko, ilang sandali pa kinilala ko ang bagong dating bago isang maluwang na ngiti ang ibinigay ko sa lalaking nagtanggal ng helmet.
"Kuya!" bati ko sa bagong dating at agad na lumapit dito.
"'Musta na?" tanong niya sakin bago pabirong ginulo ang buhok ko.
"Buhay pa, Kuya. Ikaw ba? Hindi ka pa ba inuugatan sa trabaho mo?"
"Tingin mo sa'kin puno?"
"Hindi Kuya, masamang damo ka."
"Iwanan kaya kita? Maglakad ka pauwi?"
"Syempre joke lang," bawi ko, habang tinanggap ang extra na helmet niya para sa'kin.
Siya mismo ang nag-clasp ng helmet ko saka pabirong kinatok 'yon, pati yata utak ko naalog sa ginawa niya.
"Kuya naman," nakalabi kong reklamo.
"Sakay na," anito sakin bago muling isinuot ang helmet niya, ako naman ay agad na umangkas sa motor niya at nang masigurado niyang maayos ang pagkakahawak ko sa beywang niya ay saka niya pinaandar ang motor niya.
Matagal na rin simula nang makasakay ako sa motor ni Kuya, ito ang una naman na naipundar ni Kuya mula sa mga part time jobs niya noong nag-aaral pa siya. Kaya naman nang makahanap ng trabaho ay motor agad ang ibinili nito para hindi ito mahirapan sa pag-commute.
Noong hindi pa gaano itong busy sa trabaho tuwing day-off ni Kuya ay madalas na mag-joyride sila sa kalakhan ng Maynila, pagkatapos ay simpleng kakain lang sa labas.
Gusto kasi nitong kahit na papaano ay maparanas sa'kin ang mag bagay na hidni niya nagawang maranasan noong bata pa dahil na rin sa sitwasyon ng pamilya nila.
Hindi na nga lang nila nagagawa 'to dahil una ay masyado na rin akong naging busy sa school, ito naman sa trabaho. Idagdag pa na gusto talaga ni Kuya na magkaroon sila ng maayos na matitirhan.
Ang akala ko nga noong una ay didiretso kami pauwi pero napansin ko na iba ang nilikuan ni Kuya kaya naman napangiti lang ako at mas lalong humigpit sa pagkakakapit sa kapatid ko.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa hilera ng mga streetfood sa may Lawton. Ipinark ni Kuya ang motor niya malapit sa stall bago niya ko tinulungan na tanggalin ang helmet ko bago ang helmet niya. He secured it on the bike bago nila tinungo ang hilera ng mga stall.
Ako naman ay naghagilap na ng pwedeng makain, una ko agad na binanatan ang fishball at kikiam sa 'di kalayuan.
Nang halos makatatlong stick ako sa isang hingahan ay natatawang tinignan ako ni Kuya. "Gutom?"
BINABASA MO ANG
Accidentally Kissing a Monster
Teen FictionSa isang prestigious school na Saint Anthony Academy nagkaroon ng scholarship si Ana. Bilang nag-iisang scholar sa isang pangmayaman na eskwelahan at mas pinili niya na hindi mag stand out sa karamihan. Hangga't sa nanahimik siya alam niyang magagaw...