Akhira POV."Ano to?" Tanong ko habang nakaturo sa itim na bagay sa harap ko na ipinatong ni Grecia
"Is a mask" mataray na sabi nito ng makaupo sa harap ko
Nasa office kami ni Mr. Samson. Simula ng mangyari yun kahapon ay hindi na muli ako lumabas sa dormitoryo ko..
"Anong gagawen ko dito?" Tanong ko
"Syempre susuotin mo. Ano pa bang ginagawa sa mask bukod sa isuot" pilosopo nitong sagot saken "Para takluban ang markha na nasa mukha mo tsaka yang kakaibang mong mata" turo nya sa mukha ko
"Bat kailangan ko pang itago ito?" Tanong ko ulit halata sa mukha nito na naiinis na sya saken
"Dahil alam ng Belly Academy na nasa amen ka. Kaya kailangan ka nameng protektahan sa kanila" sagot naman ni Thayne na hindi ako binabalingan ng tingin at tanging sa hawak na libro lang ang mata
"So. Nakakapasok pala ang taga-Belly Academy dito" tango-tango kong sabi
So hindi pala ako safe dito sa campus nato. Bakit ba nila ako pinoprotektahan? Ano bang meron saken at napakahalaga ko ata sa kanila..
"Sino ba talaga ang taga-Belly Academy? At bakit takot na takot kayo sa kanila" sabi ko tsaka sinuot ang itim na maskara na tanging itim kong mata lang ang nakikita
"So! It's the time para malaman mo ang tungkol sa Belly Academy. Kung bakit naging kaaway namen sila at kakompetensya" sinarado nito ang libro tsaka inilapag sa mesa
"Abat may alam ka pala tungkol jan! Bat dimo sinabi samen ha?!" Sigaw ni Cole na kadadating
"Hindi naman kase kayo nagtatanog" ngising sabi ni Thayne dito tsaka bumaling saken na may napakaseryuso mukha "Konti lang ang alam ko tungkol sa mga academy dito"
"Tell me everything" sabi ko dito gaya ko ay naupo naden sina Grecia at Cole para makinig
"Ang pagkakaalam ko ang may ari ng Belly academy na si 'Mr. Yohann Bredge' at si 'Mr. Willford Samson' ay dating matalik na magkaibigan" unang kwento nya "Sa totoo lang pareho silang nagka-ideya na magtayo ng paaralan. Si Mr. Bredge ang nagbigay ng ideya ng mga gagamitin habang si Mr. Samson naman ang nagdedesign ng paaralan"
Magkaibigan pala sila. Pero bakit nagsimula na silang magagawan ng kapangyarihan?
"Hanggang sa pangyayari ang sumira sa kanilang pagkakaibigan. Ang balita ay nagkasiraan daw ang dalawa pero di ko alam kung anong dahilan ng pagkakasira nila. Dahil sa galit ni Mr. Bredge ay nagtayo sya ng paaralan para matalo si Mr. Samson at yun ang Belly Academy" pagpapatuloy ni Thayne ngayon naiintindihan ko na nagaagawan sila ng kapangyarihan para malaman kung sinong malakas "At dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan ay nagalyansa ng digmaan si Mr. Bredge at ang lahat ng taga-Belly Academy laban kay Mr. Samson at sa Secret Academy"
"Nagkaroon ng digmaan? Diba sila nakukuntento sa kapangyarihan nila at nagagawa nila ang bagay na yan" iling kong komento
"Sa panahon ngayon, Oo. Dahil gusto nilang umangat. Rerespetuhin ka at susundin ka ng lahat kapag mataas ka" sabi ni Grecia
Tumango-tango ako pero deep inside naguguluhan ako. Bakit ba ang daming bagay ang gumugulo saken lalo na ng umapak ako sa unibersidad na to..
"What happened next?" Tanong ko kay Thayne
"Umatras ang mga taga-Belly Academy dahil maraming mga namatay sa kanila at isa na don si Mr. Bredge" ngiti nitong saad
"Kung natalo si Mr. Bredge. Sino ang nagpapatakbo ng Belly Academy?" Takang tanong ko
BINABASA MO ANG
Secret Academy: Unrecognized University
RandomWhat is Secret Academy? Ordinary school? With ordinary student? Secret Academy is Unrecognized University.. Hindi sakop ng gobyerno ang paaralan na ito dahil mismo sila ay natatakot sa pwedeng mangyari kung mangingealam sila. Dahil ang taong bumaba...