Chapter 1:

1K 35 2
                                    

Mayu's POV

"Aray!" Napalingon ako sa natamaan ko ng bola. Sht! Mayu babae ata natamaan mo, bawas pogi points yan. Kaya nilapitan ko yung tinamaan ko.

"Miss, ayos kalang?" Tinanong ko siya kahit alam kong di siya okay. Nakatungo lang siya. Halatang napalakas ata yung pagkakatama ko.

"Hinde. An-" Nagbago ang tono ng boses nya nung makita ako. Yung galit nya, napalitan ng mahinhin at kalmado.

"Ah medyo nahihilo lang ako" Nagsmile pa siya saken.

 "Miss, sure ka?" Baka kasi mamaya mahimatay pa 'to. Konsensha ko pa. Nilabas ko muna yun pagiging gentleman ko.

"Oo ayos lang talaga 'ko."

"Dalin na kaya kita sa clinic? Mukhang di kapa okay." Pagpipilit ko ulet. Mukhang di siya okay e.

"Mayu!"

Pareho kaming napalingon sa may tumatawag. Si Erika pala.

"Oh Erika" tawag ko kay Erika habang papalapit siya at lumingon ako sa babae, tinanong ko siya.

"Ikaw ba si Samantha?"

"Hindi po. Maica po." Maikling sagot niya saken. Nakipag apir ako sakanya.

"Apir!" Sabi ko, nakipag apir naman siya. Binaba ko yung kamay ko at in-offer sakanya

"Mayu pala. Mayu Sakamoto" naging gentleman na friendly ako dun.

"Maica Sy"

Nakangiti nyang sagot saken. Hanggang braso ko lang siya, varsity player kasi ako kaya ganun. May kaputian si Maica tas chinita. Para akong bakla dito tama na nga. HAHA

Simula nung araw na yun, naguusap na kami parati. Walang araw na di kami nag uusap

"Pag nakatulog ka tayo na." Sinabi ko sa phone call.

"Andaya nito!" Sabi nya sa kabilang linya. Natawa naman ako sakanya. Magkausap lang kami ng matagal hanggang sa:

"Maica, Maica" tinawag ko siya sa kabilang linya.

"Maica" tinawag ko ulit. Wala ng nagsalita. Nakatulog ata. Tinignan ko yung relo ko sa phone, 1 am na pala.

Kinabukasan, nagising ako sa tumatawag si Maica pala.

"Good morning" Bati ko sakanya.

"I love you. Good morning." Sabay binaba nya. Natuwa ako bigla. Napangiti ako. Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Biglang may sumagi sa isip ko. Tama! Yun ang gagawin ko sa 11th monthsary namen.

**

Ilang monthsary na ang lumipas samin. Naging matatag kami. Si Maica yun tipo ng taong di malambing, kalog na kalog, sasakyan lahat ng trip mo, loud, mahinhin sa umpisa, nagmumura at higit sa lahat di nga yan malambing pero pag naglambing yan, heaven. Lalo na sa personal.

 Nung sinabi ko yng sa "Pag nakatulog ka tayo na", di ko alam na seseryosohin nya pala yun. Kaya ngayon isusurprise ko siya para sa 11th monthsary namin.

Disoras na ng gabi at naghahanap pako ng 3 red roses. Mayu, ano ba tong trip mo, uwian mo pa naman gagawin yung surprise. Pwede pa namang bukas. Mayu mga naiisip mo talaga. Sa ilang oras ng paghahanap, nakabili ako ng roses.

Gumising ako ng maaga para maayos yung surprise. Tinawagan ko yung tropa ko na mag-gigitara at kakanta. Nagpaprint pako ng ilang papel. 'HAPPY 11TH MONTHSARY MAHAL I LOVE YOU ' ang nakalagay.

 Pumasok nako ng school, di ko pala nasasabi sa inyo, 4th year college na kami. BSBA ako, RT siya. Di kami nagkakasabay ng oras. Napaaga ang uwian ko. Pagkauwi ko, nagshower ako ulit at nagayos. Kinuha ko na din yung surprise ko at tinawagan ang tropa para makapaghanda na. Pagpunta ko sa school, sakto, uwian na nila.

"Ma'am Anna pababain nyo naman po si Maica Sy." sabi ko sa prof ni Maica. Buti nalang at kaclose ko yung prof niya. Pinatawag na ni Prof si Maica sa isa ko pang tropa na same course nya. Sinabihan ko yung kaibigan ko na pagbaba nya dapat kasunod na nya si Maica. Umakyat na siya.

Nasa quadrangle ako ng school. Nagkulang na pala ng tao na hahawak sa papel kaya naghatak ako ng kung sinu-sino pero mga kakilala ko. Ang daming tao ang nakapaligid samin. Yung iba nakahanda na yung phones nila, yung iba naman, nagtataka kung anong meron. Lahat ay maayos na. Sabay bumaba na ang tropa ko, kasunod si Maica kaya sinenyasan ko yung isa ko pang tropa na kumanta na:

"Oh her eyes, her eyes

Make the stars look like they're not shining

Her hair, her hair


Falls perfectly without her trying

She's so beautiful


And I tell her every day

Yeah I know, I know


When I compliment her


She wont believe me


And its so, its so


Sad to think she don't see what I see~"

Habang naglalakad siya, ang damong tao ang kinikilig samen. Di ko mapigilang ngumiti. Nakatapat siya ngayon dun sa mga papel na nilagay ko. Nakita kong nakangiti siya. Nung chorus na, tsaka ako lumapit ng dahan-dahan sakanya.

"When I see your face

There's not a thing that I would change


Cause you're amazing


Just the way you are


And when you smile,


The whole world stops and stares for awhile


Cause girl you're amazing


Just the way you are~"

Dahan-dahan akong lumapit sakanya ng nakangiti kahit na kinakabahan ako, buti nalang at di ako naihi. HAHA. Pagkalapit ko sakanya, binigay ko agad uung roses.

"Happy 11th monthsary mahal, I love you" Sabi ko sakanya, tinanggap nya yung bulaklak na medyo naluluha pa siya. Niyakap ko siya sa maraming tao at niyakap nya ko pabalik.

**

Sorry for the typos and grammars :>

This Tragic Ending of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon