I'm trying to fix us

20 0 0
                                    

10:15pm

Toni's POV

So eto nanaman kami sa usual na routine namin.

Mag-uusap just for the sake of "nag-usap naman tayo ah".

Just for the sake of "nakamusta naman kita ah."

Just for the sake of "girlfriend mo kasi ako."

Convo

Me : hi babe :)

James : oh?

Me : wala lang namiss lang kita. :) *send sticker panda*

James : ah, miss na rin kita

Me : ok.

*seen*

Ewan ko kung ako lang ba o pati ikaw napapansin mo na ding may nagbabago talaga sating dalawa. Sa way na nag-uusap tayo, sa way na kinakamusta natin ang isa't isa. May nagbago talaga. Mayroon nga.

Ayokong magdemand na mag-usap pa tayo kasi kahit ako wala ng maisip na topic na magugustuhan mo.

Lahat naman kasi ng sabihin ko, ok lang sayo. Ok lang. Literal.

Sobra na akong nag-iisip kasi feeling ko nawawalan ka na ng gana na kausapin ako o sadyang pinapakita mo sakin kung sino ka talaga.

"Babe, kilala mo ako, tamad akong kausap, tamad ako sa lahat ng bagay, kahit pag-aaral ko kinatatamaran ko, pero hindi ko alam kung bakit iba pag ikaw na ang kausap ko."

"Silly me. Wanna sleep when it comes to thesis but stays awake when it comes to you. :)"


Nasaan na ba ang dati kong babe? Tinamad ka na din ba sakin?

Wala na akong maisip na paraan kung papano ko pa aayusin to. Sana wag nalang madagdagan kasi gusto kitang makasama ng matagal.

Kahit "ok" lang ang isagot mo sakin.

Kahit puro one liner lang ang reply mo.

Kahit minsan seen nalang. Atleast binubuksan mo pa rin ung chat box natin.

Hindi ako pinanganak na martir pero pasasaan pa't magbubunga din lahat ng sakripisyo ko.

----------

10:15pm

James' POV

So eto nanaman tayo sa kamustahan ending ok seen at wala na.

Kilala mo ako babe, tamad talaga akong tao.

Pag wala na tayong mapag-usapan, end of convo na.

Alam mo namang mahal kita at di masusukat sa haba ng pag-uusap natin ung pagmamahal na yon.

Hindi mo ko kailangang kausapin from time to time para lang ipaalala na mahal mo ko at mahal kita.

We've been doing that for a long time and I think kahit di na tayo mag-usap ng isang araw, alam pa rin natin na mahal natin ang isa't isa.

To be honest, ayoko na kitang kausapin pa. Gusto ko nalang yakapin ka at makatulog ng ganun kasi hindi na kailangang mag-usap pa, hindi na kailangan mag-chat para lang sabihin na miss na natin ang isa't isa. Alam kong alam mo kung ano ung gusto ko at kung ano ako talaga. I'm not just fond of talking and typing and thinking.

Hindi ako nawawalan ng ganang kausapin ka.

Ayoko lang mabored ka sakin kasi wala akong maisip na pwedeng pag-usapan. Sana maintindihan mo ako.

Hindi ka martir. Pero sana malaman mong pareho tayong nagsasakripisyo. Pasasaan pa't magbubunga din lahat ng paghihirap natin. Magkakasama din tayong dalawa.

-------

Athor's Note :

Hindi po kasi sila magkasama for now. Nasa vacation po kasi sila both kasi wala pang klase.

LDR sila. Pero both studying sa Manila which is their meeting place.

-------

Toni's POV

1:44am

me : 1:44 na. I love BABE.

well oo na, korny na pero wala na akong maisip eh. ginugulo ako ng puso ko kasi gusto kitang gisingin kahit nag-goodnight na tayo sa isa't isa.

*browse sa twitter*

"FACT @Fact

There comes a time when you have to stop crossing oceans for people who wouldn't jump puddles for you."

"Poems Porn @PoemsPorn

I miss you, but I'm trying not to care anymore."

whatda f is happening to this would when it's midnight.

Kailangan ba todo hugot ang madlang people kapag ganitong oras?

"Tanga Ka @TangaMo

Pag malalim ang iniisip at madaling araw na, ano man ang maisip mo ay mali na."

Lagi nalang akong mali! Lagi nalang akong may problema! lagi nalang ashfliuaknlduigawdkaslcg *insert o.a voice*

*re-read last tweet*

mali nga un.

*opens fb messenger*

me : Babe, minsan nahahalata ko na ang tipid mo na sumagot. Nag-iipon ka ba? :( Goodnight tutulog na talaga ako.

*wait for a moment*

James : *seen*

James : :D I love you kahit di tayo masyado nag-uusap. Tulog ka na.

*sleeps*

---------------

James' POV

1:43am

Oo, gising pa ako. Di ako makatulog eh. May nag-iisip sakin.

May iniisip din ako, for sure di rin siya tulog.

1:44am

*receives message*

see? :D haha tama ako. kaso di ko na muna rereplyan kasi tulog ako diba?

nakakatuwa lang pag naiisip ko yung dating tayo. ung sweet-sweetan pa, kasi nagsisimula palang. Banat dito, banat dyan, banat kahit saan. Na-fall ka na sakin kahit bestfriend lang ang inooffer ko sayo. At paunti-unti, nahuhulog din ako sayo. Sino ba naman ang hindi? Pag ngumiti ka, hindi ko na alam kung nakikita mo pa ako, pag tumatawa ka pwede na kitang subuan ng zark's burger tapos may space pa para sa fries. You're my typical type of girl.

Kaso ano ng nangyari? :(

-------

Author's note

I just love vicerylle. :D so share ko lang tong video na ginawa ni ate pam, :D not related pa sa nangyayari pero ayun na ung patikim sa next chapter. :D

Fix UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon