Chapter 4 - Start

31 9 13
                                    

Ivy Ferrer's POV 


Gumising ako ng maaga para itanong kay mama kung may alam ba sya sa Caster University pero nakalimutan ko na aalis nga pala ako ngayon kasama sila blair dahil napag-isipan na namin na icheck ngayon icheck mabuti ang university, maliban sa mga creepy facts and rumors na nabasa ko sa Caster University kagabi ay sabi din dito na maganda magturo ang mga guro dito, may ilang mga feedbacks din yung mga nag-aral dito noon na maganda nga daw talaga ang way ng pagtuturo dito. Bago ako umalis ay kinuha ko yung credit card na iniwan sakin ni papa na pang college ko daw bago sya mamatay, miss na miss ko na si papa.

Bumaba nako at nakita si mama na nagluluto, nagpaalam ako dito na ichecheck namin yung university ngayon "ma alis na po ako, ichecheck namin yung university dinala ko nadin yung credit card baka sakali po na mag-enroll kami dto" wika ko.. bigla itong tumingin sakin, seryoso itong nakatingin sakin nilapitan ako.. hinawi nya ang buhok ko sabay sabi "mag-iingat ka ivy, lagi mong tandaan na susupportahan kita sa mga gusto mo basta't mag iingat ka paalagi ha?" wika nito.. "Opo ma, bye alis na po ako pasabi nadin kay kuya na magligpit ng kwarto nya loveyou!" wika ko sabay lumabas na ng bahay at umalis.


Magkikita-kita ulet kami sa Joseline Cafe, mukhang nandito na sila aella at kristine si blair naman ay wala pa "whats up guys!" wika ko ng makita ko sila aella at kristine. Umupo ako sa tabi ni aella at nag-order ng maiinom. Bat kaya wala pa si blair? malamang nag-papaganda pa yun dahil baka makita nanaman namin si Lukas sa Caster University.. "HEY GIRLS!!" napatingin kami at napanganga ng makita namin si blair, Ang ganda nya at mukhang nag-ayos talaga ito ng sobra, naka gucci ito na dress at naka Louis Vitton na bag. Nag picture muna kaming lahat bago kumain at umalis, "Tell me! Ang ganda ko ngayon noh?" wika ni blair "oo! ang ganda, nung damit" wika ni kristine at natawa ng makitang nainis si blair. 

Maya-maya ay umalis na din kami at bumyahe na dahil malayo-layo ito saamin. "Excited nako makita si Lukas again!" natutuwang wika ni blair "puro ka lukas malay mo hindi pala mabait yon" wika naman ni aella "oo nga! you'll never know.." sabat ko naman, "haynako whatever!" naiinis na wika ni blair.. Tumawa nalang kami ni aella at tine. 


"Okay were here!" wika ni kristine at pinatay na ang makina ng kotse sabay bumaba na din. Wow bakit parang luminis yung school?. Halos mapatalon kami sa gulat ng may isang matandang babae na sumisigaw "MAMAMATAY! ALAM KO ANG SIKRETO NYO! ILABAS NYO ANG ANAK KO!! MAMATAY! ALAM KO ANG SIK-" bigla nalang itong napatigil ng hatakin at palabasin ito ng mga guards, halatang nasasaktan ang patanda at hindi ko napigilan ang sarili ko natulungan ito. Hinatak ko sa guards yung matanda at tinanong kung okay lang ba ito bigla namang hinawakan ulit ng guards ang matanda sa braso "Teka lang ho kuya! Dahan dahan naman po kayo kay lola nasasaktan na sya eh oh!!" naiinis kong wika "Maam kung ayaw nyo pong paalisin din namin kayo wag na po kayo makielam, matagal ng sumisigaw ng kung ano ano itong matanda na to sa harap ng unibersidad na to" wika naman ni kuya guard "kahit na dahan dahan lang kuya may edad na si lola!" wika ko naman habang naningkit ang mata ko " haynako ms excuse me nalang" wika nito at lalo akong nainis "kuy-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may biglang bumusina ng malakas, Nagbabalik nanaman yung lalaking kasama ni Lukas nung isang araw.. "You again? seriously?" wika nito at humalakhak "pake mo!? sino ka ba par-" wika ko ng muli nanaman nitong putulin ang sasabihin ko "Ms if you're going to enroll here you have to learn how to respect the people here" wika nito at ngumiti ng pilit, Pumasok nalang ako agad sa loob ng university at tinawag ang mga kaibigan ko na kanina pa ko pinapanood, onti nalang ay kaylangan nanila bumili ng snacks dahil enjoy na enjoy ito na manood eh. 

Wow! Halos mapanganga kami sa laki ng loob ng Caster University, "wow! its so big! mas malaki parang mall!" natutuwang wika ni aella habang nililibot ang kapaligiran "How may i help you madams?" napalingon kami sa likod namin ng may isang babaeng nagsalita, mukhang teacher ito dito.. "Ahh ichecheck po namin yung school, itry din po namin mag enroll if okay hehe" nahihiya kong sabi "Follow me ladies" wika nito sabay naglakad agad. Habang sinusundan namin yung babae may napansin akong kakaiba dito, walan manlang bintana ang loob puro ilaw lang ang nagpapaliwanag sa malaking eskwelahan dito at yung open space sa gitna.. Idinala nya kami dito sa may open space at may lalaking nakatalikod, pero parang namumukaan ko ito.. wait ikaw yung kanina!!. "Ladies, meet Derek John De Leon. The Highest 1 of the whole Caster University." wika nung babae, at sabi na nga ba sya yung kanina na sobrang nakakainis! "Nice to meet you lad-" natigilan ito ng makita ako "hayst.. so ikaw nanaman"naiiritang wika nito, inirapan ko nalang ito sasobrang inis ko "Hi? uhm.. Derek? ok derek, is Lukas here?" sabat naman ni Blair na si Lukas agad ang hinahanap "No." wika naman nito "By the way i am Ms. Priscilla Aguilar but you can call me Ms. Cilla or Ms. Aguilar" wika nito sabay ngiti. "and.. Mr. De Leon here will give you a tour." wika nito sabay tumingin sa lalaki at umalis.

"This is the Library" wika ni derek na kanina pa namin sinusundan, pero infernes ang ganda ng school at may onti din pala itong bintana sa palagid at may dorm din ito, "alright we will have to stop here." wika ni derek "i like it! here kayo?" wika ni blair na tuwang tuwa "yeah sure" sabay naman na pagsabi ni aella at kristine, sabay silang tumingin sakin at tinanong ako "ikaw ivy? mag eenroll na kami pag baba" wika nila, hayst hindi ko alam okay sakin yung school pero naiirita ako na makita tong derek na to araw araw.. bahala na education naman ang hanap ko hindi distraction "yeah lets enroll here!" wika ko at pilit na ngitian sila.

"Welcome to Caster University ladies! You are now enrolled!" natutuwang wika naman ni Ms. Priscilla at sabay namang kami ngumiti lahat, "Should i lead you to your dorm rooms?" tanong ni Ms. Priscilla "p-po? uhmm pwede po ba na magkakasama kami lahat apat?" tanong ko "Of Course!" wika nito saamin sabay ngiti. 

Room 206 Second Floor

" Here we are! Here is your room!" wika ni Ms. Cilla, Pumasok kami dito at namangha kami ng makita ang laki ng kwarto may apat na kama at may malaking sala at kusina, parang bahay na ito! "wow! its bigger than i thought" wika ni kristine "oh kristine anne flores right?" napatigil kami ng may tumawag ng buong pangalan ni kristine "Girls this is Principal. Dominic Morales" wika ni Ms. Cilla na mukhang nabigla din sa pagdating nito "ah.. how did you know my name? and why?" wika ni kristine habang seryosong nakatingin sa Principal "Your mom used to study here right? tandang tanda ko na sya lang ang kaisa-isahang Flores dito." wika nito sabay ngumiti.

ghad! ang creepy ng ngiti nya

Bumaba na kami ng second Floor para umalis na pero bigla kaming tinawag ng isang lalaki "GIRLS! BLAIR!!" Sigaw nito what the? Lukas? akala ko wala sya ngayon psh..  "So nakapag enroll na daw kayo dito sabi ni Ms. Aguilar?" wika nito habang hingal na hingal kakatakbo "OMG LUKAS!! YES!" natutuwang wika ni blair "Nice! see you next week!" wika nito sabay umalis at kumindat pa nga "Next week?" tanong ko "Next week is pasukan" halos mapatalon kami sa gulat ng makita ulit namin si Ms. Priscilla "Ahhh okay po hehe" nahihiyang wika ni namin, ngumiti ito at umalis. Pasukan na agad next week? wahh ang bilis!.


Naka-uwi nadin kaming lahat sa wakas, pag pasok ko ng bahay ay si mama agad ang sumalubong sakin "Ma enrolled na kami sa Caster University" wika ko "a-ano?" wika nito at parang namutla "Ma okay ka lang?" nag-aalalang wika ko "ah! oo pasensya na pagod ako, nagugutom kaba may pagkain sa lamesa" wika nito sabay ngiti "uhmm no ma thanks, ill  go up and rest nalang po" wika ko at umakyat na. Bakit nagkakaganon si mama pag binabanggit ko yung Caster University?. 


*ting*

Chineck ko yung cellphone dahil may narinig ako notification.. 

SMS: From 0918*******

you angelic life will turn like hell!

Sino nanaman toh? Pinagiisipan ko kung ibloblock ko ito or rereplayan ko, baka mamatay ako sa kakaisip kung sino to kaya rereplayan ko nalang.

who are you? and what do you mean? 

Ilang minuto din ang nakalipas at nag reply din ulit ito sa wakas!

moon

what do- You cannot text or call this number anymore.

Wow ako pa talaga ang binlock! and what does he mean by moon? 



OF COURSE!! THE NOTE!!

Caster UniversityWhere stories live. Discover now