3.

22 1 1
                                    

***

Nagising ako sa malakas na tunog. Ilang minuto pa kinailangan para mapansin ko na alarm ko pala yun at malalate na ako. Sinubukan kong tumayo para tumakbo papunta sa cr nang may naramdaman akong braso na nakapulupot saakin. Tinagnan ko kung sino yun at nagulat ako nang nakita ko si Yeonjun.

"Yeonj- Nakatulog pala tayo kahapon! Hoy, Yeonpwet! Gising na malalate na tayo!"

Hinimas ko ang braso niya ng marahas at tinanggal yung mga kamay niya sa bewang ko. Onti onti na siyang dumilat at nanglaki yung mata niya.

"Wha- Nakatulog ako?!"

Inirapan ko siya at tuluyan ng tumakbo papunta sa cr.

"Hoy, Yeonsinget! Dito nako sainyo maliligo ah."

Bigla akong napatigil sa pagmamadali ko. Onti onti akong humarap sakanya at tinaas ko yung kilay ko.

"Ano? Baliw ka ba, saan ka naman maliligo dito? At tsaka isa pa, wala ka namang damit dito noh."

"Edi sabay nalang ako sayo."

Binato ko siya ng tsinelas ko. Hay, byutae! Nakakainis umagang umaga eh. Tumakbo na uli ako at nagmamadaling ginawa ang morning routine ko.

Narinig ko siyang tumawa, tapos narinig kong may nagsara ng pinto. Umalis na siguro yun ng kwarto ko at bumalik na sa bahay niya. Huh dapat lang noh.

Nagmadali akong maligo, magbihis, at maghanda para sa school. Habang pinapatuyo ko yung buhok ko, narinig kong may nagchat saakin. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yun.

Yeonpwet💩  sent you a message.
Tap to open messages.

Yeonpwet💩:

Bumalik nako sa bahay haaa
Nagready narin ako 😽
Sunduin na kita dyan in 10 minutesss
Don't forget to eat breakfast 😤
I love you, lady Choi~

Napangiti ako sa cellphone ko. Hays, enebeyen muntik na kiligin lola niyo ehe. Pero ganito talaga toh, napaka sweet at maalalahanin. Nagreply ako agad.

Yeonsinget👽:

Okok 👁️👄👁️
Ikaw din kain ka naaa
Ilyt~

Yeonpwet💩:

Luh. 😠
Bat 'ilyt' lang? 😿

Yeonsinget👽:

Bakit ano ba dapat ha 🧐

Yeonpwet💩:

Dapat buo
Parang ganto...
I love you baby.❤️

Are you sure to block this user?

Yes | No

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

habang buhay - cyjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon