Nagyaya na naman barkada mag bar ngayon. Dahil wala naman akong gagawin kaya sumama na ako kahit wala ako sa wisyo. Hindi ko alam san naman kami pupunta ngayon. Mahilig kasing tumikim ng iba't ibang putahe ang mga kaibigan ko kaya naman iba ibang lugar din ang pinupuntahan namin para mafulfill ang goal nila.
"Oh 'tol? Wala kang gana ngayon?" Sabi ng kaibigan ko at pasalampak na umupo sa couch dito sa club.
Tinitigan ko lamang siya habang nilalaklak niya ang alak na nasa harapan ko kanina pa.
Siniko naman niya ako nang hindi ko siya sinagot. "Hoy! Ayos ka lang ba?"
"Yeah. I'm good. I'll just.. I need to go somewhere. Ayos lang ba maiwan ko kayo dito?" Tanong ko.
"Yeah, sure pare." Sabi niya habang nakangisi at tinapik ang balikat ko.
Alam ko na ang iniisip nia. Akala niya siguro may pupuntahan na naman akong babae. Napailing na lang ako at ngumisi pabalik sa kanya bago tumayo at nagpaalam. Ibinilin ko na lamang na sabihin sa ibang kaibigan namin ang pag alis ko.
These past few days I felt like my mind is on the other part of the country. Something's bugging me or should I say someone.
I excitedly fish out my phone in my pocket and tap the messenger application. I always felt giddy everytime I checked my messages. I'm excited to see her messages eventhough they are not for me. Just the thought that I will get a chance to talk to her makes me feel so damn happy.
That is so gay but heck I care!
I saw her talking to someone. I interrrupted their conversation by saying 'Good evening', well it was her that I only want to greet pero nakakahiya naman sa ibang nandito sa 'Group Chat'.
There are few people greeted me back but I'm waiting for her to greet me.
Ang saklap. Para akong tanga na naghihintay sa sagot niya. Disappointed ako na di man lang siya bumati sa akin kahit online naman siya at nakikipagusap sa ibang kaibigan niya sa GC. Hindi ko alam kyng bakit ganito na lang ang pagkadismaya ko sa nangyare. Dati rati naman palagi niya akong kinakausap.
She's one of those people n naging close ko sa GC.
Kung nagtataka kayo kung ano ba itong GC na sinasabi ko, let me tell you something about it.! I honestly don't know that this group exist. Someone sent me a message asking if I want to join their group chat. She said it was a group for a certain writer in wattpad which I honestly didn't know either. But. I didn't tell her that I'm not aware of what she's talking about but what I did asked her is kung marami bang chicks doon.
She immediately reply na marami daw so pumayag ako. Haha. Alam na!
Marami nga akong nakilala mula sa group na yun at ang kukulit ng mga members nila. But one girl caught my attention. She is cute and funny. I started making conversations with her every once in while, masaya siya kausap kaya naman natutuwa din ako kausap siya.
I started stalking her facebook and browsing her pictures. May ilan pa nga na dinownloqd ko. Napapangiti na lang ako kapag nakikita ko ang mga pictures niya. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula itong nararamdaman ko para sa kanya pero tingin ko crush ko na siya.
"Pwede ba tayong magmeet?" Naitanong ko ng minsang magkausap kami sa facebook pero private message na. Nahihiya akong makipagusap sa kanya kapag maraming nakakabasa e. Kaya pinili kong padalhan siya ng private message.
Her: Seryoso?
Me: Oo naman. Okay lang ba sayo?
Her: Pero malayo ako sayo paano naman tayo magkikita?