Unang Tibok (ONE SHOT)

96 3 0
                                    

ONE SHOT STORY

Tapos na ang dalawang buwan na bakasyon at nasa anim na baitang na ko. Buti na lang at kaklase ko na si Beth ngayong taon. Sabay kaming lumaki kasi isang lugar lang kami actually magkatabi lang ang bahay namin.

"Hannah! Tara na first day kaya ayokong mahuli. Dalian mo na." nagsisigaw na sabi ni Beth sa akin sa may pintuan ng bahay namin.

Kahit kelan talaga tuwing first day na pasukan laging excited tong si Beth. Wala naman ginagawa tuwing first day kaya ewan ko ba sa babaeng to ayaw magpa-late.

"Oo na sige na umalis na tayo."

Habang naglalakad kami papuntang school may naririnig akong sumisitsit sa likod namin. Naiirita ako nang marinig ko yun kasi ang bastos naman kung sino man yun walang manners. Nakita kong lumingon si Beth pero hindi naman niya nakita kung sino kaya patuloy lang kami sa paglalakad.

May naririnig akong yabag na tumatakbo galing sa likod at napahinto siya sa tabi ko. Pagkalingon ko sa gilid ay sumama yung mukha ko. Ayokong nakikita mukha niya pero wala naman akong choice eh kasi isang lugar lang kami tulad ni Beth at ang masama pa nito iisa lang din yung pinapasukan naming school.

"Good morning", nakatawa pa siyang nakakaloko sa akin.

"Pwede ba Sean tigilan mo ko! First day ng pasukan ayokong mabadtrip so please."

"Eto naman nag good morning lang ako sayo. Ang arte mo talaga. Tuwing nakikita mo ko lagi kang aburido ha. Problema mo ba?" pambibwisit na sabi sa akin ni Sean. Sa dami nang pwedeng bumati sa akin bakit tong unggoy pa na to. Sa lahat ng pwede kong makasabay sa umagang to bakit siya pa grrr kainis.

"Oh Hannah wag mo na lang pansinin yang si Sean. Hindi ka pa nasanay." sabi sa akin ni Beth. Oo nga pala kasama ko siya. Nawala sa isip ko kasi yung unggoy na pangit kasi nambibwisit sa akin. Buti na lang may nakita siyang barkada kaya umalis na rin siya sa tabi ko.

Nakarating na kami sa classroom na may nakalagay sa pinto ng Grade 6 Section 3. Oo section 3 ako ngayon pero dati talaga noong grade 1-5 ay lagi akong nasa first section pero sinabi ko sa mama ni Beth na principal naman ng school na kung pwede ay magkaklase kami. Mabuti at pumayag siya dahil parang anak na rin naman niya ako. Saka isang rason din dahil sa pangungulit ni Beth. Noong una, tinatanong pa siya ng mama niya kung bakit pero ang sinabi niya ay para pag mayroon siyang hindi maintindihan sa aralin ay madali ko siyang matuturuan. Sa totoo lang hindi naman sa pagmamayabang pero kasi matalino ako samantalang si Beth ay hindi gaano kaya kahit simula pa nung unang baitang pa lang kami hindi siya napupunta sa section 1.

Si Sean naman, noong ikatlong baitang pa lang namin ay kaklase ko na talaga siya. Bagong lipat sila noon sa lugar namin. Ang sabi ng mga tsismosang kapit-bahay namin ay ampon lang ito at hindi totoong apo ni Mrs. Prieto pero kahit ganun ay ang yabang pa rin niya kung umasta. Ang kapal ng mukha niya kung magpa cute sa mga kaedad namin. Feeling niya lahat ng batang babae eh may gusto sa kanya. Palibhasa kasi lola niya ang kasosyo ng may ari ng school. Nagulat na lang ako nang malaman kong classmate ko siya. Kahit ganoon ang unggoy na yun eh matalino rin siya pero syempre lagi akong top 1 samantalang siya laging pumapangalawa lang sa akin. Siguro kaya lagi niya akong binibwisit eh para mawala ako sa focus at siya ang maging Valedictorian kaya ganun na lang siya sa akin.

Lahat ng pambibwisit sa akin ni Sean ay si Beth lang ang nakakaalam kasi ayoko ng gulo kaya sa kanya ko lahat sinusumbong. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa mama ko kasi may pagka war freak yun at maingay kaya para walang gulo ay mas mainam na wala siyang alam tungkol sa ginagawa sa akin ni Sean.

Isang beses habang gumagawa ako ng seatwork sa Math ay may mga punit na papel na binilog na tumatama sa likod ko since na nasa likuran ko siya ay alam kong siya yun. Wala yung teacher namin noon kasi tinawag ng principal kaya malakas ang loob na gawin yun. Dahil mas matangkad siya sa akin ay hindi ko na lang siya pinapansin takot ko lang na matanggal ako sa school. Minsan pa nga bigla na lang may tatapik sa balikat ko ng ilang beses pero pag lilingon ako sa likod ay nakikita kong nagtutulog-tulugan si Sean para hindi ko siya pag bintangan. Kung noon ay okay lang sa akin mga ginagawa niya pero kinalaunan ay sinasagot sagot ko na siya ng pabalang pero mukhang walang epekto sa kanya yun kasi patuloy pa rin niya ko iniinis. Syempre ngayon mukhang okay ang huling taon ko kasi magkaiba na kami ng section dahil sigurado ako na nasa first section siya. Siya na ang maging Valedictorian, wala na akong pakielam basta maging maayos lang pag aaral ko.

Unang Tibok (ONE SHOT)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon